ni Julie Bonifacio @Winner | August 31, 2025

Photo: Karylle - IG
Absent pa rin si Karylle sa It’s Showtime (IS) kahapon. Marami ang nag-aalala sa kalagayan niya matapos ma-injure ang paa last Thursday, August 28.
Naaksidente si Karylle sa segment na Laro Laro Pick habang sumasayaw at na-sprain ang kanyang paa.
Nagsimula ang pangyayari sa todo-bigay niyang pagsayaw kasama ang mga kapwa hosts na sina Vhong Navarro at Jhong Hilario.
Humirit pa si Vhong na mag-solo si Karylle nang mapansin nitong bigay na bigay siya sa pagsayaw.
Pero sa pangalawang beses, natigilan si Karylle bago pa man makasayaw muli. Bigla siyang napayuko at napaupo sa entablado.
Sabi ni Karylle, “Sumobra, madlang people. Tumunog ‘yung buto ko. Ang hirap pala humataw.”
Pagkatapos noon, hindi na siya muling nakita sa show hanggang matapos ang IS.
Ayon sa source, nagpa-X-ray agad si Karylle kaya umalis sa programa. Hindi na raw siya dinala sa ospital dahil wala namang nakita.
Sa Instagram (IG), ipinromote ni Karylle ang kanyang podcast kung saan special guest niya si Zsa Zsa Padilla at nabanggit din ang resulta ng kanyang X-ray.
Caption niya: “Life update from SG with mama @zsazsapadilla on my podcast @ksdramapodcast plus a life update ‘coz if you fall just stand and get up and dance.
“X-ray is clear! Thanks for the love! Thanks to everyone who prayed for me and took care of me!”
Umaasa ang lahat na mabilis ang healing process ni Karylle. Kailangan siya sa IS, lalo na’t maraming hosts ang wala kamakailan dahil nasa ASAP in England.
HUMAKOT ng 11 parangal ang ABS-CBN sa 37th Star Awards for Television ng Philippine Movie Press Club (PMPC) na ginanap kamakailan.
Pinarangalan si Joshua Garcia bilang Best Drama Actor para sa kanyang pagganap bilang Renz Isidro, isang nurse na nakabase sa Switzerland sa romance drama na Unbreak My Heart (UMH). Siya rin ang itinanghal na Male Celebrity of the Night at Face of the Night.
Wagi ng Best Variety Show ang It’s Showtime (IS), habang si Kim Chiu naman ang nag-uwi ng Best Female TV Host. Kinilala rin si Robi Domingo bilang Best Male TV Host.
Ang beteranang aktres na si Cherry Pie Picache ay hinirang na Best Supporting Actress para sa kanyang mahusay na pagganap bilang Marites Dimaguiba sa hit action-drama series na FPJ’s Batang Quiapo (BQ).
Nakatanggap din sina Francine Diaz at Seth Fedelin ng German Moreno Power Tandem of the Year para sa kanilang nakakakilig na on-screen chemistry.
Samantala, sina Elijah Canlas at Gela Atayde ay kinilalang Best Supporting Actor at Best New Female TV Personality para sa kanilang pagganap bilang Archie Aguerro at Sanya Alba sa mystery teen drama na Senior High (SH).
Wagi rin si Karen Davila, beteranang broadcast journalist at TV Patrol (TVP) host, ng prestihiyosong Best Female Newscaster award.
Ang Star Awards for Television ng PMPC ay kumikilala sa mga natatanging programa at personalidad sa bansa.






