top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | September 3, 2025



Heart Evangelista

Photo: Heart Evangelista - IG




Pinag-uusapan sa showbizlandia ang pagsabit o pagdawit kay Sen. Chiz Escudero sa maanomalyang flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


May kumakalat na listahan kung saan isa si Sen. Chiz sa mga diumano’y kaibigan ng isang kontraktor na sangkot sa DPWH anomaly. 


Ang may-ari raw ng naturang kumpanya ang top donor sa senatorial campaign ni Sen.

Chiz noong nakaraang eleksiyon.


Dahil diyan, idinadawit din sa isyu ng paglustay sa pera ng bayan ang misis ni Sen. Chiz na si Heart Evangelista.


Pinagdududahan na tuloy ang perang ginagamit ni Heart sa kanyang pagiging fashion influencer. Hindi na raw ganu’n kadami ang mga projects ni Heart sa showbiz at hindi naman siya superstar para maningil ng napakalaki for her talent fee (TF).


Bagama’t may mga endorsements pa rin si Heart, hindi na raw ganoon karami. Hindi na rin ganoon kabongga ang restaurant business ng kanyang pamilya. 

At kahit malaki at marami pa rin ang resto business nila, napakaliit pa rin nito kumpara sa lifestyle na meron siya.


Inamin na ng ibang fashion influencers na hindi naman sila binabayaran ng mga kilalang brands. Ipinaparampa lang daw sa kanila ang damit at mga accessories at ipinapasoli rin pagkatapos gamitin.


It’s up to them kung gusto talaga nila ang item, then they have to pay for it.

Just imagine, ang gastos mula sa airfare, hotel at pagkain — halagang aabutin, not in pesos but in dollars, huh?!


Tapos, may kasama pa si Heart na glam team niya tuwing uma-attend ng fashion week abroad.


Kaya pati si Heart ngayon ay nadadamay sa mga “nepo babies” na nasa hot seat for public scrutiny.


Sey nga ng mga bashers, dapat din daw ipatawag ang mga nepo babies sa Senado, including Heart Evangelista! 


Hala!



BY this time ay nagbalik na sa bansa ang mga Kapamilya stars na nag-show sa England last week. Kabilang na riyan ang magka-love team na sina Donny Pangilinan at Belle Mariano.


Pagbalik ni Donny, sasabak na siya sa action drama series na pagsasamahan nila ni Kyle Echarri, ang Roja.


Last Monday, in-announce na rin ng ABS-CBN ang iba pang cast members na makakasama nina Donny at Kyle sa Roja. Pasok sina Maymay Entrata, Janice De Belen, Joel Torre, Raymond Bagatsing, at Lorna Tolentino.


At titimplahan ang veteran stars ng mga rising young stars gaya nina Kai Montinola, AC Bonifacio, Harvey Bautista, Iñigo Jose, at Emilio Daez.


Bukod sa kanila, kasama rin sa Roja para sa kaukulang support sa lead cast sina Nikki Valdez, Cris Villanueva, Zia Grace, Freddie Webb, Sandy Andolong, Robert Seña, Levi Ignacio, Rubi Rubi, Inka Magnaye, Vangie Castillo, Sophie Reyes, Rikki Mae Davao, Rans Rifol, Maika Rivera, Lou Yanong, Marc Abaya, Bernard Palanca, Floyd Tena, Raven Molina, at Gello Marquez.


Sasalang sa ilang action scenes sina Donny at Kyle para sa isang nakakaintrigang kuwento na ipapalabas ngayong taon. 

Tila nababalot ng misteryo ang awrahan sa bagong Kapamilya action drama series.


Ang Roja ay mula sa direksiyon nina Law Fajardo at Raymund Ocampo.

Para sa updates, sundan ang @abscbnpr sa Facebook (FB), X (dating Twitter), Instagram (IG), at TikTok, o bisitahin ang ABS-CBN newsroom website.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 2, 2025



Edu Manzano - FB

Photo: Robin Padilla at Rodrigo Duterte - Circulated


Nag-react si Rita Avila sa naging pahayag ni Senator Robin Padilla na ipinost ng isang netizen. 


Ini-repost ng aktres ang post kung saan naka-quote si Sen. Robin at inaming ‘aso’ siya ni former President Rodrigo Duterte.


Narito ang kumpletong statement ni Sen. Robin na ipinost at inilahad ng netizen: “Ako ay aso niya (FPRRD). Wala po kayong magagawa.” 


Sa Instagram (IG) post ni Rita, pinalagan din niya ang pahayag ni Sen. Robin.

Caption niya, “Pet friendly pala sa Senado.


“Humility ang lesson ngayong linggo pero hindi para maging aso ng isang tao.

“Dapat ay serbisyo n’yo po bilang maayos na tao ang ibigay sa mga Pilipino.

“SANA ‘DI TOTOO ‘YAN, ‘DI BA? TAO PO KAYO, SEN. ROBINHOOD. MAY BUTI NAMAN PO KAYO – RITA.”


May mga nagduda kung totoo ba na sinabi talaga ni Sen. Robin na “aso” siya ni FPRRD.


Sinagot ni Rita ang mga nagdududa at in-encourage na puwede nilang hanapin ang source ng kanyang post.


“Malaking insulto sa ating mga Pilipino ‘yan lalo na sa Presidente ngayon,” comment ni Rita.


Comment pa ng isang netizen, “@msritaavila tag natin… baka mahiya… @robinhoodpadilla.”


Reply ni Rita, “Parang hindi. Hindi nga nahiyang sabihin ‘yun. Sen. Robinhood!!! May bait naman po kayo, ‘yun na lang ang ipakita n’yo.”


Pagdududa ng isang netizen, “OMG! With all due respect, Ms. Rita, did he really say this?”


Sagot ulit ni Rita, “SANA TALAGA ‘DI ‘YAN TOTOO. Pero umamin naman s’ya na super maka-Duterte s’ya, ‘di ba? Sinabi niya na kahit sunugin s’ya ay mangangamoy Duterte s’ya?”


Let’s give Sen. Robin Padilla the benefit of the doubt. Baka nga hindi niya sinabi…



Nakikisawsaw daw…

AI AI, INALASKA SI EZ MIL NA NO SHOW SA CALGARY FIESTA FILIPINO 2025, NIRESBAKAN



NABA-BASH ang singer-rapper na si EZ Mil dahil sa hindi natuloy na appearance niya sa Calgary Fiesta Filipino 2025 sa Canada last week.


Taun-taon ang event na ‘yan sa Calgary, Alberta, at isa si EZ Mil sa mga Pinoy artists na kinuhang mag-perform para sa three-day event.


Naglabas ng official statement ang kampo ni EZ Mil days before maganap ang event. 


Ayon sa kampo ni EZ Mil, August 30 naka-schedule mag-perform ang singer. Pero isang araw bago ang show, naglabas na ang management niya, ang FFP Records & Management, ng official statement:


“We regret to inform everyone that Ez Mil will not be performing at Calgary Fiesta Filipino as previously scheduled. Unfortunately, due to the event producer’s inability to meet the agreed terms, our artist’s participation will not be possible.”


Ipinaliwanag naman ng aming source kung bakit hindi pinayagan si EZ ng kanyang management na mag-perform.


“Invited si EZ Mil at booked. Hindi nagbayad ang producer kay EZ kaya hindi na s’ya pinasampa sa eroplano ng management niya kahit na pagod na pagod galing Pilipinas,” sabi ng aming source.


Nag-guest pa raw si EZ sa SM Mall of Asia (MOA) Arena sa concert ng Black Eyed Peas at nakipag-duet kay Apl.de.Ap.


Lumipad daw agad ang team ni EZ para makaabot sa Calgary. Ilang linggo hinintay ang bayad pero walang dumating. Walang pumasok na down payment. At ang siste pa, ‘yung receipt o proof of transfer screenshot na ipinadala ay nabuking na fake.

Wala raw kasi ni singko ang nag-reflect sa bank ng management ni EZ Mil. Kahit pending, wala.


Pagpapatuloy ng aming source, “In short, hindi tumuloy gawa ng hindi nga bayad. Eh, ang Calgary, napakarami nang bad experiences ng mga sikat na artists d’yan sa mga producers na walang kuwenta. Kaya naglabas na ng official statement ang FFP Management. Not EZ directly kasi usually, wala namang alam ang artists ‘pag ganyan, ‘di ba?


“May third-party booker ang Fiesta Filipino na SJ Events and Productions ang pangalan. Sila ang kausap ng team ni EZ, not the organizers or main producers ng Fiesta Filipino event.”


Nagulat naman daw ang kampo ni EZ sa mga kumalat na video ng show kung saan isa sa mga special guests na si Ai Ai delas Alas ay nagsalita against their talent.

“Itong si Ai Ai parang featured performer sa ibang day. Kasi three days ‘yung event, kaya nand’yan din sina Kyline Alcantara at Ruru Madrid.


“‘Yung hindi sikat na guy na ipinalit kay EZ, nand’yan, nang-aasar pa gamit ang kanta ng Panalo.


“So, anyways, ang point ko, bakit nakikisawsaw itong si Ai Ai, eh, wala naman s’yang alam? Bakit n’ya live na sinisira si EZ?


“Kasi siguro, nagpaawa ang organizers na kesyo no show si EZ, etc. Bakit naman magno-no show ‘yung bata kung nagbayad sila, ‘di ba?


“So, gawain ba ng kapwa artist ‘yang mambuska ng kapwa artist in public?

“Kahit pa naniwala ka sa producer, ‘di ba? Eh, di manahimik ka. None of your business,” diin pa ng aming source.


Bukas ang aming kolum para sa panig ni Comedy Queen Ai Ai delas Alas.

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | September 1, 2025



Edu Manzano - FB

Photo: Karylle - IG



Sunud-sunod ang mga posts ni Edu Manzano sa kanyang social media accounts ng mga patama niya sa gobyerno kaugnay ng usaping baha at magarbong lifestyle ng mga anak ng politicians.


Kahapon, tatlong magkakasunod ang ipinost ni Edu sa socmed (social media). Sa una niyang post ay isang larawan ng bahang kalsada kung saan makikita ang mga Pinoy at stranded na mga kotse. Sa gitna ng baha ay isang luxury car na minamaneho ni Edu kasama ang sikat na Hollywood action star na si Vin Diesel (AI “artificial intelligence” generated ang mga photos).


Caption ni Edu: “Biglang napalabas ako sa suite. FYI (for your info) guys, hindi ko project itong baha. Nag-check lang ako kung saan puwedeng mag-bid next para alam ko anong tapal gagawin. Kasama ko pala si Pareng Vin, nanghihiram ng ride.


“But seriously, guys, mag-ingat kayo. (That’s my alter ego talking… ako kasi chill lang sa suite).”


Samantala, tinawag na balimbing si Karen Davila ng isang netizen na makikita sa comments ng isang satirical post ni Edu tungkol sa mainit na isyu ng korupsiyon sa bansa.


Sey ni Karen, “Keep at it, Edu! (raising hands emoji).”


Merong basher na sumingit sa comment ni Karen, “@iamkarendavila balimbing.”

Well, sinuportahan din si Edu ng mga netizens sa kanyang series of satirical posts. 

Sey ng mga netizens:


“We love public shaming and hope that all celebrities, public figures, and content creators stay consistent in calling out this issue so it doesn’t get swept under the rug. Thanks sir @realedumanzano.”


“Go, go, go, Edu! Using your great wit and creativity to remind people of the atrocities of the effects of corruption.”


“Very good, Sir Edu (clapping hands emoji).”


We wonder kung ano ang ibig sabihin ng basher ni Karen Davila at tinawag na balimbing ang brodkaster.



NAPAKA-CUTE ng mga larawan nina Kathryn Bernardo at James Reid na naglabasan sa socmed (social media) para sa una nilang proyektong pagsasamahan sa ABS-CBN.


No wonder gumawa agad ng record ang video teaser ng pasabog na sorpresa ng ABS-CBN na teleserye nina Kathryn at James. Umabot agad ng mahigit 3.5 milyong views sa loob ng 24 oras ang video teaser.


Ayon kay Kathryn, nakakapanibago ang bagong ganap sa kanyang career.

“Ang ganda-ganda ng konsepto ng series na ito. Sa lahat ng kuwentong ipinakita, ito talaga ang gusto kong gawin kasi hindi lang ito tungkol sa pag-ibig. Tungkol din ito sa pagkakaibigan, pamilya, at mga babae,” pahayag ni Kathryn.


Inanunsiyo ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment ang tambalan nina Kathryn at James nu’ng Agosto 29 sa pamamagitan ng isang video teaser kung saan makikita ang nakakakilig na chemistry ng dalawa habang kinukunan sila ng mga litrato para sa look test ng serye.


Naku, ngayon pa lang, ang dami-dami nang excited na mapanood ang first drama series nina Kathryn Bernardo at James Reid. Kaya abangan ang iba pang detalye tungkol sa serye at kung sinu-sino pang artista ang makakasama nila.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page