top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | February 20, 2026



Kim Chiu - Instagram

Photo: Kim Chiu - Instagram



Successful ang in-organize ni Kim Chiu na Chinese New Year (CNY) celebration para sa kanyang family, friends at staff sa kanyang bahay.


Ramdam ang pagiging proud niya na mag-isa niyang binuo at nairaos nang bongga ang party sa kanyang post sa Instagram (IG).


Hindi raw naging madali ang ginawa niyang preparasyon.

“Preparation was not easy. There were moments of pressure, exhaustion, and doubt, but I'm so proud that I pushed through and was able to squeeze everything in. And it turned out even more beautiful than I imagined,” tsika ni Kim.


May hugot din si Kim sa pagbuo niya ng party.


“This is my reminder for the year: nothing is impossible when you put your heart, your faith, and the work into it. When you show up fully, trust the process, and keep going despite the challenges, everything eventually falls into place.


“May this year be a reminder that hard work, intention, and courage will always lead you exactly where you are meant to be. #2026,” lahad ni Kim.


Kaya lang, tila nakukulangan ang mga netizens sa pa-CNY ni Kim. Waley daw kasi ang leading man niya sa The Alibi: Ang Buong Katotohanan (TABK) na si Paulo Avelino.

Spotted kasi ang ilang celebrity friends ni Kim sa mga larawan at video na naka-post sa kanyang IG, pero nabitin ang mga faney, especially ang KimPau, dahil hindi nila nakita si

Paulo sa mga naka-post.


Sey ng mga Marites…

“Wala yata si Pau.”


“Bakit wala ang dyowa, Kimmy?”


May nagtanggol naman agad na netizen kay Paulo Avelino.


“Minsan, ‘di naman ‘yan napupunta sa special event ni Kim. Walang support. Buti na lang may mga tunay na kaibigan si Kimmy para i-celebrate ang mga ganyang event.”

Ah, ‘yun naman pala!



Happy na raw tumandang mag-isa after mabiyuda… CHARO, AYAW NANG MAGKADYOWA ULI



KITA sa mukha ni Charo Santos-Concio na na-inspire at nagkaroon siya ng ideya para sa susunod na movie project na gusto niyang gawin sa mediacon ng Until She Remembers (USR) mula sa Solar Pictures.


Biglang kumislap ang mga mata ni Charo sa kuwento ng co-star niya sa USR na si Boots Anson-Roa tungkol sa kung saan dadalhin ang kanyang mga labi kapag siya ay pumanaw.


Kuwento ni Boots sa mediacon ng USR, “When my husband King and I got married, shortly after marriage in 2014, ganito ang usapan namin when we were talking about the inevitable.


“I suggested, ‘King, if I go ahead,’ kasi in our age, ‘di ka bibilang ng taon, you don’t know when that will come.


“Kaya sabi ko sa kanya, ‘If I go ahead, isoli mo ako kay Pete, my first husband. Dalhin mo ako ru’n sa columbarium where he’s brought in. And it is not for me but for my children. Kasi maganda siguro sa kanila pagdating ng panahon magkasama pa rin kami ng tatay nila.’ At kung s’ya naman ang mauna, ibabalik ko siya ru’n sa first wife n’ya, the late Olga Sy-Yap.


“Ang ganda nu’ng agreement namin. Biglang naisip ko, eh, paano kung sabihin nilang dalawa, ni Pete at ni Olga, ‘Hello, no return, no exchange?’”


Sinalo agad ni Charo ang microphone at sinabing, “‘Di ba, meron na naman tayong pelikula?”


Ipapalabas na sa February 25 ang USR na isinulat at idinirek ng Cannes Best Director na si Brillante Mendoza.


Speaking of Charo, nausisa rin siya sa mediacon ng USR kung nais pa rin niya na magkaroon ulit ng special someone sa buhay after mabiyuda.


“Masaya ako sa aking pagtanda. Wala akong hinahanap. Yeah, nag-e-enjoy ako,” ngiti ni Charo.


Humirit muli si Boots at tila ineengganyo si Charo na magkaroon ulit ng partner

sa buhay.


“Kahit ‘di mo hinahanap, like ako, ‘di ko hinanap. Pero ‘pag dumating ‘yan, darating, ‘di ba? Oo, kahit ako, at my age, when our path crossed ni Atty. King Rodrigo, Jr., sa maniwala kayo o hindi, may kilig,” sabay-tawa ni Boots.


Payo pa niya kay Charo Santos-Concio, “Kaya Charo, ‘pag dumating ‘yan, ikuwento mo sa amin agad.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page