ni Julie Bonifacio @Winner | July 22, 2025
Photo: Ralph Recto - FB
Naglabas ng kanyang opinyon si Edu Manzano ukol sa usaping pagpataw ng 20% tax on bank interest sa savings sa bangko ng mga Pinoy.
Sa kanyang X (dating Twitter) account, post ni Edu, “Higher taxes will not solve corruption. Good leadership will.”
Tila sinang-ayunan ng mga netizens ang statement niyang ito.
Ilan sa mga komentong nabasa namin…
“Louder, please.”
“OMG (Oh, my God) ginalaw mo ang baso!”
“Raising taxes means raising more funds for corruption.”
Idinamay naman ng mga netizens si Sec. Ralph Recto sa comment section. Si Sec. Ralph kasi ang bina-bash dahil sa tax issue ngayon sa savings sa bangko. Komento pa ng ilang netizes, “Tell that to Ralph Recto (smirking face emoji).”
“Ralph Recto shades ba ito (grinning face with smiling eyes emoji).”
“Pakibulungan po si Luis na papunta sa ibang direksiyon ‘yung stepdad n’ya, please.”
Si Sec. Ralph ang mister ng ating Star for All Seasons at Batangas governor na si Vilma Santos-Recto, na ina ni Luis Manzano, na panganay naman ni Edu.
To be fair, naglabas na ng statement ang kampo ni Sec. Ralph tungkol sa isyu ng tax sa savings sa bangko.
Ayon kay Bryan Dy na trusted staff ng mag-asawa, “(Triple exclamation marks emoji) DISINFORMATION IS RAMPANT. This is misleading, nakakatawa ‘yung mga naniniwala. Hindi rin s’ya ang author n’yan.”
Paglilinaw pa niya, matagal na raw umiiral ang tax na ‘yan.
“This was already part of the National Internal Revenue Code (NIRC) under Section 24(B)(1), way before Secretary Recto took office,” depensa pa ng kampo ni Sec. Ralph.
In fact, this was part of the law since 1997 pa, and then reaffirmed through subsequent laws like RA 8424 (Tax Reform Act of 1997), RA 9337 – EVAT Law (2005), authored by then Senator Ralph Recto (yes, siya ‘to, kaya may recall ang tao), RA 10963 – TRAIN Law (2017), authored by Senator Sonny Angara and co-authored by Senators Pimentel, Ejercito, Gordon, Gatchalian, Villanueva, Zubiri, Sotto, and Pacquiao at RA 12214 or the Capital Markets Efficiency Promotion Act was passed in 2024.
Esplika pa nila, “Ito po ay hindi batas ni Secretary Recto. He did not author this law. As Secretary of Finance, trabaho lamang po n’ya na ipatupad ang mga naipasang batas, hindi s’ya ang gumagawa ng mga ito.”
Ang principal author nito ay si Rep. Joey Salceda (Albay 2nd District). Siya ang nag-sponsor at nag-defend ng panukalang ito sa Kongreso.
At ang principal author naman daw sa Senado ay si Senator Mark Villar, with the following co-authors: Tolentino, Revilla, Gatchalian, Escudero, Binay, Villanueva, Padilla, Ejercito, Angara, Poe, Legarda, Hontiveros, Cayetano, Go, and Lapid.
Hindi si Secretary Ralph Recto ang author ng batas. He is the current implementer bilang kalihim ng Department of Finance (DOF).
‘Yun pala, eh.










