top of page
Search

ni Julie Bonifacio @Winner | January 23, 2026



WINNER - IVANA, PROUD NA IFINLEX ANG P200 M KOLEKSIYON NG LUXURY BAGS, SHOES AT DAMIT_YT Ivana Alawi

Photo: YT Ivana Alawi



Ibinalandra ni Ivana Alawi ang kanyang mga mamahaling imported bags sa My Closet Tour vlog niya sa YouTube (YT) channel na in-upload kahapon lang.


Proud daw si Ivana na ipakita ang kanyang closet sa buong mundo.

“Proud ako,” simula ni Ivana. 


Aniya, “Kasi nagbabayad ako ng tax. Saka mahilig ako manood ng closet tour. Ay, ang ganda n’yan. Gagayahin ko ‘yan.”


Nakakamangha ang collection ng mga bags, shoes at mga damit ni Ivana sa kanyang closet. From Hermès to Chanel dresses ang laman nito na kung susumahin ay aabot ng mahigit P200 milyon.


Sa Hermès bags pa lang, meron na siyang 20 pieces – from Himalaya to Birkin. Ang pinakamahal ay ang Himalaya bag niya na ayon sa Google ay naglalaro mula P12M hanggang P14M. 


Binili ni Ivana ang kanyang Himalaya Hermès bag sa Japan na binayaran niya through credit card.


Kabilang si Ivana sa iilang celebrities sa Pilipinas na may-ari ng Himalaya bag ng Hermès. Kaya lang, baka ibenta raw niya ito.


“Parang gusto ko na s’yang (bags) ibenta. ‘Di ko s’ya nagagamit, espesyal s’ya pero ‘di ko kayang gamitin. Once ko lang nagamit tapos natakot ako,” pagtatapat ni Ivana.


Meron din siyang collection ng Chanel bags na kinukuha niya ang lahat ng colors per design. Ganoon daw siya kung mamili ng bags.


Bukod sa mga bags na ipinakita sa vlog niya na nasa loob ng closet, may mga kinuha pa si Ivana na mga nakatagong Chanel bags.


Marami rin siyang branded shoes na hindi pa niya nagamit at naka-display lang sa kanyang cabinet. Mukhang never na rin daw niyang susuotin.


Naha-happy daw kasi siya na tinitingnan lang ang kanyang mga branded shoes. Dati raw kasi, wala siyang sapatos. At nang maging artista na siya, pinayuhan daw siya ng kanyang stylist na mag-collect ng maraming sapatos.


Identified daw si Ivana ng BIR bilang ‘exemplary in paying her taxes’, ayon sa Google. Honest daw kasi si Ivana Alawi sa pagre-report ng kanyang kinikita sa pagba-vlog.


Sabi pa sa Google, “She was already wealthy before starting her YouTube channel in 2019, inheriting significant assets from her father.”

Ganern???



Ninanakaw lang daw ng ilang pulitiko… 

OGIE, URONG-SULONG NA SA PAGBABAYAD NG TAX



NAGSENTIMYENTO si Ogie Alcasid sa nakatakdang pagbayad niya ng tax sa Bureau of Internal Revenue (BIR) sa Lunes. 


Tila nag-alangan si Ogie sa pagbabayad ng buwis matapos ang malaking iskandalo ng korupsiyon sa pamahalaan last year.


Sa kanyang Facebook (FB) page kahapon ay ipinost ng It’s Showtime (IS) host ang kanyang saloobin.


Sabi ni Ogie, “This morning after my prayers and devotion, my accountant alerted me that taxes will be paid again and the deadline is on Monday.


“It can take a toll on us when we see how much we part with the hard work we put out and not know if our contributions are safeguarded.


“Perhaps God wanted me to pray harder for this country. We Filipinos deserve an honest government. Lord, please help the Philippines.”


Naka-relate ang mga netizens sa naramdaman ni Ogie at anila… “So true po, Sir Ogie. Knowing where, rather to whom our taxes really go and are used selfishly is heartbreaking.”


“Ang hirap magbayad ng buwis lalo na kung hindi sigurado kung saan mapupunta ang ibinabayad mo.”


“With all the issues of corruption in our country, we cannot help but doubt where our taxes will go again. Sa mga totoong proyekto ng gobyerno o sa bulsa ng iilang opisyal? Oh, God, please help our country and your people. Amen!”

‘Yun na!

 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 22, 2026



WINNER - ANNE, NAPIKON SA BASHER, BINARA NA ‘WAG MANOOD NG MOVIE NIYA_FB Anne Curtis

Photo: FB Anne Curtis




Ipinagtanggol ni Vice Ganda ang kapwa niya host sa It’s Showtime (IS) na si Anne Curtis laban sa isang netizen na nang-bash sa bagong pelikula ng Kapamilya actress.

Ini-repost ni Vice sa X (dating Twitter) ang comment ni Anne sa basher ng movie niya with Jericho Rosales.


Tinarayan ni Anne ang basher na nag-post ng comment na nakakairita raw ang movie nila ni Echo dahil English ang dialogue sa mga eksena.


Sagot ni Anne, “‘Di, ‘wag ka manood.”


Ipinost ito ni Vice sa kanyang account sa X na may caption na: “Ay, may umorder ng pika with free delivery. Wah! Loveetttee.”


Naaliw din ang mga netizens sa reaksiyon ni Anne sa kanyang basher. Anila… “‘Yung mga tao kasi, bash nang bash, akala mo naman talaga sila nagpapakain sa mga artista,”at “Barda era ng Dyosa.” 


“Tama!” comment naman ng direktor na si Mae Cruz Alviar.


Bigla ring nawala ang post ng netizen na namintas sa movie ni Anne with Echo. 

Sey nila, “Wala na ‘yung nag-comment, naglaho na. Context? ‘Kakairita,’ sabi nu’ng nag-comment tungkol sa trailer nu’ng movie ni Anne, dagdag pa, ‘English-English mga dialogue.’”

“Nag-deactivate na raw.”


“‘Wag n’yo na hanapin, nag-apir-disapir na, nasunog, eh.”

Natuwa naman ang mga followers ni Vice Ganda sa pag-repost niya ng reaksiyon ni Anne Curtis laban sa basher nito.

Sey ng isa, “Sister talaga kayo.”



OPISYAL nang binuksan ng It’s Showtime (IS) ang ika-sampung season ng longest-running singing competition ng bansa na Tawag ng Tanghalan (TNT), tampok ang The Voice USA (TVUSA) Season 26 champion na si Sofronio Vasquez bilang pinakabagong hurado ng prestihiyosong kompetisyon.


Makakasama ni Sofronio ang Punong Hurado na si Louie Ocampo at TNT Season 4 Grand Champion JM Yosures, na magdadala ng karanasang nakuha niya sa ibang bansa at bagong pananaw sa pinakamatagal na tumatakbong noontime singing contest sa bansa.


Sa bagong season, mga bagong mukha ang masisilayan ng manonood na magmumula sa 18 rehiyon ng bansa. Linggu-linggo, maglalaban ang mga contenders ng bawat rehiyon.


Ang masuwerteng magwawagi ay uusad sa regional finals hanggang sa mabuo ang 18 kinatawan ng bawat rehiyon na maglalaban para sa titulo bilang Season 10 grand champion.


Sa unang araw ng kompetisyon, nanaig ang 19-anyos na si Sidro Quilicol laban kay Vergel De Guzman matapos makuha ang pinakamataas na iskor na 91.3%.

Huwag palampasin ang pinakabagong edisyon ng TNT sa IS, napapanood Lunes hanggang Sabado, alas-12 ng tanghali sa GMA, Kapamilya Channel sa ALLTV2, A2Z, Kapamilya Online Live sa ABS-CBN Entertainment YouTube at Facebook (FB) pages, iWant, at TFC IPTV.


Mapapanood din ang hit online show na Showtime Online U (SOU) sa It’s Showtime YouTube (YT) channel.


 
 

ni Julie Bonifacio @Winner | January 21, 2026



Andrea Brillantes - IG

Photo: Andrea Brillantes - IG



Gumiling na ang kamera para sa first taping day ng serye nina Enrique Gil at Andrea ‘Blythe’ Brillantes para sa TV5.


A Secret in Prague (ASIP) ang titulo ng kauna-unahang proyekto na pagtatambal nina Andrea at Enrique.


Ayon sa isang exclusive information mula sa aming source, nakapag-taping na sina Quen at Blythe para sa ASIP, isang mystery-thriller TV series.


Anytime soon, nakatakdang umalis ang bagong screen tandem papuntang Prague, ang largest city ng Czech Republic.


Pero mauuna munang umalis papuntang Prague ang production team ng TV series nina Enrique at Andrea para matsek na nila beforehand ang location at iba pang details sa shoot. Para pagdating ng mga artista, ready na agad silang kumuha ng mga eksena.


Sa ngayon pa lang, excited na ang mga fans nina Blythe at Quen sa unang serye na pagsasamahan nila. Napaka-refreshing ng dating ng tambalan nila on screen.


Samantala, pinainit ni Andrea ang social media sa kanyang post sa Instagram (IG) ng video ng behind-the-scenes ng shoot para sa pictorial niya bilang calendar girl ng Tanduay para sa 2026.


Napakaseksi ni Andrea at lumabas na isa na talaga siyang ganap na babae, malayo na siya sa pagiging child star noon.


Mabuti na rin na ipinost ni Andrea Brillantes ang behind-the-scenes during her pictorial. May resibo siya na katawan niya talaga ang nasa kalendaryo at hindi niretoke. 


May mga bashers kasi ang nagsasabing edited at retoke lang daw ang katawan ni Andrea Brillantes para sa kalendaryo ng Tanduay. That’s not true at kita naman sa ‘resibo’ ng aktres.



Ipinaghanda ang ex…

CLAUDINE, GINASTUSAN ANG B-DAY NI MARK ANTHONY



PANSIN na pansin ang closeness ng mag-ex-lovers na sina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez sa set ng kanilang teleserye.


May post si Claudine with Mark na nagsasayaw silang dalawa bago pumunta sa set para sa kukunang eksena sa kanila.


Sumunod na post ni Claudine sa social media ay ang birthday surprise niya para kay Mark. Ipinaghanda ng aktres ng pagkain ang aktor sa set.


Pabida ni Claudine sa video, “Biglaan ‘yan, ha? Kaninang umaga lang sila nagluto.

Ginawan nila ng paraan.”


Grateful naman si Mark sa mga nag-prepare ng food.


Unang naging magkasintahan sina Claudine at Mark Anthony. Kaya naman marami ang natuwa at kinilig sa pa-surprise ni Claudine para kay Mark.


“Baka sila na ang forever.”

“Ang ganda n’yong tingnan, sana ay forever na.”

“Bagay sila talaga in all aspects. Dapat, sila na lang.”

“Kayo na lang ulit, tapos sabay n’yong ayusin ang buhay n’yo.”


Love is lovelier nga kaya the second time around kina Claudine Barretto at Mark Anthony Fernandez, if ever?


 
 
RECOMMENDED
bottom of page