top of page
Search

DEPRESYON DAHIL SA PANDEMIC.


ni Julie Bonifacio - @Winner | August 09, 2021


ree

Inamin ni Lipa City Representative Vilma Santos-Recto na siya man ay nagkaroon ng anxiety at nakakaramdam ng depresyon dulot ng COVID-19 pandemic.


Sinabi ito ni Rep. Vilma during her eldest son's Luis Manzano's live tsikahan on Facebook and Instagram last Friday.


Kasama kasi ni Rep. Vilma sa kanyang bahay si Luis at ang misis nito na si Jessy Mendiola. Then later on, nag-join din sa kanila ang youngest son ni Rep. Vilma na si Ryan Christian.


Mukhang sa bahay ni Rep. Vilma mas pinili nina Luis at Jessy na mamalagi habang naka-lockdown ang Metro Manila.


It was also Rep. Vi's first experience raw na mag-live sa Facebook kaya sobra niyang na-enjoy.


A question was asked kay Rep. Vi mula sa netizen kung ano ang maipapayo niya sa mga nakakaranas ng anxiety.


“Huwag kayong mag-alala kasi ako rin po, nakakaramdam. Itong one-and-a-half year na natin ngayon dito sa COVID na pandemya, ito na naman, ECQ. Hindi lang kayo, pati po ako, nagkakaroon ng anxiety, nagkakaroon ng depression,” pag-amin ni Rep. Vi.


Minsan daw, pagkagising niya ay negative agad ang naiisip niya.


Aniya, “Parang malungkot agad ako. Nasa isip ko po, ‘What's going to happen today?’ Ganoon na. Pero kailangang labanan n’yo po. Challenge 'yan na dumadaan sa atin.”


Ibinahagi naman ni Rep. Vi kung ano ang ginagawa niya para labanan ang napi-feel na anxiety and depression.


Aniya, “Ako po, nilalabanan ko po by doing something positive. Praying. I exercise. And then, I do my Zoom. Nagtatrabaho ako sa Zoom, sa Congress. And then, sa Lipa po through Zoom. Kahit 'di po physical, binabantayan ko po. Naka-monitor po ako sa mga ibinibigay na financial assistance. So, may ginagawa ako.”


Bagaman, pagdating daw sa gabi ay nalulungkot na naman siya.


Dagdag pa niya, “But then again, nand'yan na naman ang pamilya. So, nandiyan lang po ‘yan. Stay with your friends.”


Payo ni Rep. Vi, “Lalagpas din po ‘yan. You pray. May mga kaibigan kayo, talk to your friends. ‘Pag hindi n'yo na kaya at grabe na, seek professional help. At nand'yan naman 'yung mga handang tumulong.”


‘Yun na!

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 08, 2021



ree

Type ng international award-winning director na si Brillante "Dante" Mendoza na maidirek sa pelikula si Nadine Lustre. In fact, may naisip na si Direk Brillante na tema ng pelikulang gusto niyang gawin ni Nadine.


"Meron akong parang horror na naiisip, eh, 'yung mai-in love sa kanya 'yung demonyo," lahad ni Direk B nu'ng makausap namin sa bonggacious na "secret garden" sa kanyang bahay sa Mandaluyong last Wednesday.


Sa hanay naman ng mga young actors, nagagalingan si Direk B kay Joshua Garcia. Maganda rin kung magkasama sa isang project si Joshua at ang bida ng FPJ's Ang Probinsyano na si Coco Martin.


Knows naman ng marami na si Direk B ang nag-handle kay Coco noong baguhang artista pa lamang ang Kapamilya actor. At ngayon, isa si Coco sa mga pinakamahuhusay at aktibong aktor sa industriya.


Bukod sa kanyang Ang Probinsyano, nagawa pang isingit ni Coco ang shooting ng bago nilang movie ni Julia Montes, ang POLA (Red Earth).


"Ang bago kay Coco rito (Pola), hindi siya Cardo Dalisay," sey ni Direk B. "That's number one. Sobrang anti-hero. Pati si Julia, sobrang anti-hero. So, both of them. Pati si Raymart Santiago."


First time raw niyang maidirek si Raymart sa pelikula at okey naman ito sa set.


Si Julia naman daw, naiiba ang karakter sa pelikula.


"Hindi ko tina-typecast na bida-kontrabida si Julia sa movie. Parang hinumanize ko siya. Parang mas na-humanize ang pagiging aktor niya, pagiging aktres kasi vulnerable siya sa mga bagay. So, mga babaeng nagkakasala."


Si Coco naman daw ay mas humusay pa bilang aktor.


"Oo, siguro, dala ng maturity, dala ng age," sabay tawa ni Direk.


Malamang daw ay sa ibang bansa unang ipalabas ang Pola tulad ng mga nakaraang films niya.


"Lahat ng mga films ko, for foreign consumption. Ang films ko kasi, whether ipalabas dito o ipalabas sa ibang bansa, hindi nagma-matter in terms of box office. Parang balewala naman, 'di ba? Parang dumaan lang, 'di ba?


"So, okey lang. At least abroad, kapag dinala mo doon, commercially naipapalabas sila. Hindi lang sila sa distribution sa festival."


Naalala tuloy ni Direk B ang movie niyang Lola na nu'ng inaalok daw niya sa ibang producers, walang gustong magprodyus.


"Totoo 'yan. Wala akong makuhang producer dito sa atin. Ang sabi sa akin, 'Direk, bakit dalawang matanda ang bida mo? Hindi ba puwedeng gawing Vilma (Santos)-Nora (Aunor) 'yan?' Sabi ko, 'Hindi pa sila lola. Mga mother pa lang sila!' At ayaw ni Ate Vi maging lola (sa pelikula)."


Speaking of Ate Vi, hanggang ngayon ay wala pa ring natutuloy na proyekto si Direk B with the Star for All Seasons. May tsika na lagi raw tumatanggi si Ate Vi sa offer niya na pinabulaanan ni Direk B.


"Hindi naman siya tumatanggi. In fact, may isa na muntik-muntikan na talaga kaming nagka-ano (nag-work). Hindi ko alam kung Taklub ba 'yan o Mindanao. Meron akong ano sa kanya na parang pumayag na ako na every other day ang shoot. Kasi sabi niya, every other day daw. So, pumayag na ako. Tapos, hindi raw puwede ng weekend. Sabi ko, 'Sige, payag na ako.'


"Hanggang sa 'yung weekend daw, hindi na siya puwede ng Friday. So, dalawang araw na lang. Sabi ko, 'Ate Vi, nawawala ang artista sa ano, momentum.' Unlike halimbawa si Judy Ann (Santos), sabi ko sa kanya, 'Judy Ann, huwag kang tatanggap ng kahit na ano'ng project for 15 days, ha? Ibigay mo sa akin ang 15 days mo.' Pumayag siya."


Mas magiging busy pa si Ate Vi sa mga susunod na buwan dahil sa kampanya sa nababalitang pagtakbo niyang senador sa 2022 elections.


"'Yan na nga ang sabi ko sa kanya, 'Paano pa tayo gagawa niyan? Lalo tayong mawawalan ng schedule. Eh, ayoko naman ng ano, usually naman, ang hinihingi ko lang, bigyan mo ako ng 12 days, 10 days. Kay Ate Guy (Superstar Nora Aunor), ganu'n ang ginagawa niya. Wala siyang ibang tinatanggap."


Bukod kay Ate Vi, hindi pa rin nagagawan ng pelikula ni Direk B sina Megastar Sharon Cuneta at Diamond Star Maricel Soriano.


"Pero especially ngayon, medyo nagma-mature na sila, eh, 'di ba, 'yung mga ano ko, 'yung mga gusto kong artista, 'yung medyo mature," say pa ni Direk. B.

 
 

RESORT SA SIARGAO, KALAT NA!


ni Julie Bonifacio - @Winner | August 07, 2021



ree

Pinagpipistahan sa social media ang nababalitang bagong boyfriend ni Nadine Lustre. This is the first time kasi na may naglabas ng pictures at video ni Nadine na may kasamang ibang lalaki at hindi ang ex-on-and-off partner niyang si James Reid.


Ang non-showbiz guy na kasama ni Nadine sa pictures at video sa socmed ay ang French surfer na si Christophe Bariou. Agad-agad ay in-assume ng mga netizens na ito na ang pumalit kay James sa puso ni Nadine.


"Porke't magkasama sila, boyfriend na niya agad 'yan. Baka friends lang muna sila, ganern! Haha!"


"Baka still on dating stage."


"Nadine was always portrayed to be the girl na habol nang habol kay James. So nice to see her moving on. Regardless if he's already her BF or dating pa lang, the fact na she's ready na to entertain other men is a good thing. I hope she grows more as a person as she starts meeting new people and sana mahanap na niya 'yung guy na aalagaan talaga siya and hindi ite-take for granted."


May nag-congratulate na rin at natuwa para kay Nadine.


"Congrats Nadine! 'Pag na-feel mo 'yung love na deserve mo, mari-realize mo na 'di ka dapat mag-settle sa tao na 'di ka gaanong pinapahalagahan."


"Good for her!!! Hope the guy is a good man."


"Looking forward to a French speaking Nadine soon, y'all."


Siyempre, may bitter-bitter-an na netizens din na ikinumpara ang hitsura ni Christophe kay James.


"Sa true lang. J is way more good looking than the guy. Porke mataas? Lamang na kay J? 'Kakaloka ka naman."


May nag-comment din na mukhang "tito" at "tatay" na ni Nadine si Christophe. Pero sagot ng isang netizen, "Bagay sila! Mukha rin siyang tita."


Nakakabilib ang mga netizens dahil mukhang marami na silang alam tungkol sa bagong lalaki na nali-link kay Nadine.


"He’s part Pinoy. His mom is Filipino. His relatives live here, that’s why he’s always in the Philippines since he was young for vacation. He also bought properties in Siargao and has business there. I know because I stayed in Siargao for a bit a couple of yrs. ago and met him there."


"Yup, may-ari ng resort. Maraming community service si guy with locals base sa FB (Facebook) niya."


Siyempre, we did our own research about Christophe at nalaman namin na nagte-train siya how to swim like a mermaid.


Hindi lang namin sure kung kaanu-ano ni Christophe ang French-Pinay-model-actress na si Valerie Bariou na may-ari ng Ohanawave Resort sa San Juan, La Union. At kung 'di rin kami nagkakamali, siya ang ex-wife ng dating matinee idol na si Onemig Bondoc.

Going back to Nadine, sa kanyang Instagram ay makikita ang posts niya habang nagbabakasyon sa Siargao recently.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page