NANGYARI SA KANILA NI GERALD.
ni Julie Bonifacio - @Winner | August 29, 2021

Dahil sa mga controversial posts ni Janus del Prado sa Instagram, muling naungkat ang isyu kina Gerald Anderson and Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, bagama't ilang beses na ring nilinaw ng dalawa ang isyu ng pagkaka-link nila sa isa't isa noong ginawa nila ang Direk Cathy Garcia rom-com movie na My Perfect You.
Pa-blind item man ang pagkakasulat ni Janus sa kanyang IG post tungkol sa diumano'y pagtatakip ng grupo nila sa OMC (na hinala ng netizens ay title ng pelikula nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz under Direk Cathy's direction na One More Chance) sa 'milagrong' ginawa nina "G" at "P" sa set ng MYP, agad namang nahulaan ng mga netizens ang mga taong involved.
Sa gitna ng mga posts at pahayag ni Janus against Gerald, mas pinili ng ex-boyfriend ni Bea na huwag patulan ang dating child actor.
Pero laking-gulat naman ng mga netizens sa isang cryptic post ni Pia kahapon na hango sa quotation ni Eleanor Roosevelt.
Tweet ni Pia sa kanyang Twitter account, "No one can make you feel inferior without your consent."
Kino-consider ng mga netizens na "patama" ang post ni Pia sa current controversy regarding Janus and Gerald.
Ilan sa mga comments na nabasa namin…
"'Nah Pia, that is not a real reply. Give the netizens an official statement, pls?"
"Are you serious? She owes the netizens nothing. Ikaw nga, paki-explain bakit ka ganyan mag-isip. I-official statement mo, ha?"
"Unbothered queen."
Tinutulan ng iba na unbothered si Pia sa naglabasang isyu.
"'Di affected pero may pa-quote."
"Apektado. Nag-react, eh? May pa-quote."
"True, bothered s'ya in a way."
May nag-comment din na netizens na 'wag seryosohin o bigyan ng ibang kahulugan ang tweet ni Pia.
"She always posts quotes on her Twitter. Doesn't mean it's a reaction to anything. She's living her best life."
But there are some na nag-i-insist na dapat magsalita na si Pia.
"Sana, sabihin n'yang nothing happened, it was just work and nothing personal."
Say pa ng netizen, "Luh, hindi niya kailangang mag-explain."
"Ignore it, Miss Pia. It's a totally senseless issue."
"May nangyari man o wala, it's none of our business. She doesn't owe us any explanation. They may be public figures, but they also have their own lives so might as well mind our own."
"Go, Pia, enjoy life lang with your dyowa! Dedma na sa isyu!"
So there.






