top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 03, 2021


ree

Mainit ang usap-usapan sa balitang hiwalayan nina Kiko Estrada at Heaven Peralejo sa social media kahapon. Although, they have yet to confirm or deny the rumor.


Nakakagulat lang dahil kamakailan lang ay proud na idinispley nina Kiko at Heaven ang super sweet na photo nila together while almost kissing sa kanilang respective socmed accounts.


At 'di ba't kelan lang nu'ng finally ay inilantad na nina Kiko at Heaven sa publiko ang tunay na status ng kanilang relasyon pagkatapos ng ilang buwang espekulasyon that there is "something" going on between them?


Say ng mga netizens, "Kaka-celebrate lang nila ng 3rd monthsary kahapon, ah. Anyare? Haha!"


"Bilis naman."


"Isang linggong pag-ibig starlet edition."


Nu'ng unang pumutok ang rumor na sila na, ongoing pa ang relasyon ni Kiko sa girlfriend niya that time na si Devon Seron. Kaya bintang ng netizens ay inagaw ni Heaven si Kiko kay Devon.


Hindi nagtagal at kinumpirma na nina Kiko at Heaven ang kanilang relasyon by posting sa socmed accounts ang piktyur nilang dalawa na magkasama. After that, panay na ang display nila ng ka-sweet-an sa mga pictures nila sa Instagram.


Nagtaka naman ang mga netizens nu'ng biglang mawala ang mga larawan sa Instagram ni Kiko. At mas naintriga pa ang mga netizens nu'ng mapansin nila na in-unfollow na ni Kiko si Heaven sa IG kahapon. Kaya, mabilis na naghinala ang mga netizens na break na sina Kiko at Heaven.


"Ano na namang paandar 'yan? Lol!"


"AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! Tapos na agad?!"


"Nagsawa na kaagad?!"


"Easy come, easy go."


While 'yung iba ay pinagdudahan ang real motives sa paglabas ng tsikang hiwalay na sina Heaven at Kiko.


"Promo or split? Or baka "na-hack"?"


"Asus, cheap ng style nitong dalawa. Gusto lang magpaingay para magpasikat at pa-relevant itong dalawang nega."


"Lahat ng following niya, wala na rin. So baka either promo or 'na-hack' or may eme talaga?"


Nag-react naman ang ilang netizens na may LQ (lovers' quarrel) lang ang magkasintahan.


"LQ lang ba or nahimasmasan na? Or baka nagpapapansin lang? Hmmm. Pa-effect lang 'to, malamang. Haha!"


"Mga immature. Anak ba 'to ni Gary (Estrada)? Kung anak nga, mas guwapo pa 'yung tatay. Ito, walang dating."


Hanash pa ng mga netizens ay nakikiuso lang daw si Kiko, kasi sunud-sunod ang naghihiwalay na celebrity couples ngayon.


"Sabi ko pa lang na 1 year lang itatagal pero 'di umabot, lol, pero baka nakikiuso lang 'yan."

"Sus, kakagawa lang niyan ni Paolo Contis, mainit-init pa, lol. Next guest ni Boy Abunda si Heaven."


"Kiko, gustong mag-ala-Paolo Contis 2.0."


"Dapat gumawa ng grupo 'tong si Kiko kasama sina Paolo, Gerald (Anderson) at Aljur (Abrenica). Ayaw patalo kay LJ-Pao breakup at sa pag-military nina Julia at Gerald 'yan! Gustong pag-usapan!"


Pinuna rin ng mga netizens ang past relationships ni Kiko.


"Palaging ganyan 'yan! Noon kay Barbie Forteza, tapos kay Devon (Seron)."


"Isn’t he the first BF of Julia B? I remember Julia mentioned that in one of her interviews."


Lastly, may pa-advice pa sila sa former girlfriend ni Kiko bago si Heaven na si Devon.


"Basta advice lang kay Devon if ever, ah, bawal tanga.


"Devon is silently laughing."


Ganern?

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 02, 2021


ree

Back-to-work agad si Manila Mayor Isko Moreno pagkatapos maospital dahil sa COVID-19 at makumpleto ang quarantine last Monday. At dahil nakapagpahinga rin, nagmukhang fresh at lalong gumuwapo ang mayor ng Manila.


Sa paglabas ni Mayor Isko sa publiko, nagkaroon ng chance ang media na muli siyang kunan ng reaksiyon sa mga sinabi tungkol sa kanya ni President Rodrigo Duterte na huwag magpaloko sa drama ng isang pulitiko na nakita niya sa Facebook na naka-brief.


Obvious naman daw na ang tinutukoy ni Pres. Duterte ay walang iba kundi si Yorme.

Pinili ni Yorme na hindi magbigay ng reaksiyon nu'ng una siyang kunan ng pahayag at mas nag-focus na lang sa trabaho, hanggang sa nagpositibo na nga siya sa COVID-19 at pumasok ng ospital.


But when asked again ng media, naglabas na ng saloobin si Yorme.


"Kung busy 'yung mga tao — imbes na busy sila sa COVID-19 — na tingnan ang piktyur ko sa gabi kesa piktyur ng mga namamatay, nasa labas ng ER dahil sila ay infected ng COVID-19 at piktyur ng isang pasyenteng nag-aagaw-buhay, eh, maraming salamat. Kasi mas attractive ang aking brief kesa sa problema ng bayan. So, I'm honored. But I'm not happy," pahayag ni Mayor Isko.


Sa kanyang latest interview, muli siyang nagpasalamat sa yumaong si Master Showman German Moreno sa pagbubukas sa kanya ng punto sa showbiz. At ngayong nasa public service naman daw siya, nais niyang maibalik ang utang na loob sa pagkakataon na maiahon ang kanyang pamilya sa hirap.


At sa huli, tila may pinatutungkulan siya sa statement niya na may hangganan ang puwesto sa gobyerno.


"Mga mahal kong halal ng bayan, ipinapaalaala ko lang sa inyo, matuto kayo ng salitang kabusugan. Huwag na huwag kayong aabuso. Huwag na huwag kayong magsasamantala. Hindi ito panghabambuhay. Hindi ito minamana-mana lang," diin ni Yorme.


May mag-react kaya sa sinabi ni Yorme?


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | August 30, 2021



ree

Pagkatapos mag-viral ang piktyur ni Nadine Lustre habang bumibili ng all-around sarsa sa isang tindahan sa maliit na palengke sa Siargao, muling ginulat ng aktres ang mga netizens sa latest Instagram post niya.


Although the photo is an ad campaign for a certain mobile phone endorsement ni Nadine, mas napansin pa rin ng mga netizens ang halos nakalabas na kabuuan ng kanyang butt.


Nadine is wearing a super sexy white two-piece swimwear na may nakapatong na off-white long-sleeves polo shirt na nakababa ang kuwelyo sa likuran at nakataas naman ang laylayan kaya litaw ang white bikini ni Nadine.


Caption ni Nadine sa kanyang IG post: "Stuck but I'm not complaining."


Paghanga naman ang naging reaksiyon ng mga netizens sa piktyur ni Nadine.


"Love it!"


"Cutiee"


"Beatiful shot."


"Pwetmalou!"


In fairness, ang kinis-kinis ng skin ni Nadine sa piktyur, ha?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page