top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 06, 2021



ree

Idinaan ni Kathryn Bernardo sa social media ang kanyang pagbati at papuri para sa mga fans nila ng real-and-reel love team niya na si Daniel Padilla na sinuportahan sila for 10 years.


Kilala sa tawag na "KathNiel" ang mga fans nina Kathryn at Daniel.


Ipinost ni Kathryn ang mensahe niya para sa KathNiel sa kanyang Instagram kalakip ang piktyur nila ni Daniel na nakatingin sa dagat habang magkayakap.


"10 years of existence


"Stands up for each other


"Protects each other at all costs


"The best cheerleaders


"Capable of giving so much love


"Inspires one another to be better people


"United


"A fandom that has eventually turned into a family


"A fandom that I’m proud to be part of," she posted on her Instagram page.


Dagdag pa ni Kathryn, "Happy 10th anniversary to us, KathNiels! Maraming salamat sa inyong lahat," pagbati ni Kathryn.


In fairness sa KathNiel, todo-todo talaga ang ibinigay nilang suporta kina Kathryn at Daniel. At kahit may kani-kanyang pelikula at ka-partner ang kanilang mga idolo, sinuportahan pa rin nila gaya ng movie ni Kathryn with Kapuso star Alden Richards.


Dinagsa rin ng pagbati ang KathNiel sa comments section ng IG post ni Kathryn mula sa kanyang mga celebrity friends gaya nina Angel Locsin, Mariel Padilla, Ria Atayde, Alyssa Valdez, Morissette Amon, Loisa Andalio, Joshua Garcia and Ruffa Gutierrez.


"Sweetest couple ever! Happy Anniversary Lovebirds," greet ni Ruffa.


"Happy Anniversary!!!! Grabe 'yung 10 years!!!! Wooow," Loisa Andalio wrote.


While ang "mother-in-law" ni Kathryn at Magandang Buhay host na si Momshie Karla Estrada ay ipinost mismo sa kanyang Instagram ang touching message niya para sa mga fans ng anak niyang si Daniel at ng girlfriend nitong si Kathryn.


Caption ni Momshie Karla sa video ng excerpt ng mga eksena mula sa past movies ng KathNiel sa kanyang IG story, "HAPPY 10TH YEAR ANNIVERSARY KATHNIEL! WOW 10 YEARS! IT'S BEEN AN INCREDIBLE RIDE. THANK YOU FOR ALL THE SUPPORT GUYS!"


Hindi man natuloy ang proyektong gagawin sana ni Kathryn sa ibang bansa, ini-reveal naman niya na may gagawin siya na isang digital project sa ABS-CBN this year. By this time, nagsisimula na marahil mag-shoot ang Kapamilya actress for this project.

 
 

NILAIT PANG 'DI NAMAN MAGANDA.


ni Julie Bonifacio - @Winner | September 05, 2021



ree

Nananatiling tahimik si Paolo Contis pagkatapos lumaki ang isyu ng hiwalayan nila ni LJ Reyes.


Maging ang pagkalat ng piktyur at video niya with the "mysterious girl," waiting to hear his reaction pa rin ang madlang pipol.


Sa ngayon, ipinagpipilitan ng mga netizens na ang babaeng kasama ni Paolo sa video/pictures ay si Yen Santos. Pero si Yen, quiet pa rin.


Tuloy, nag-usbungan ang statement ni Yen sa isyu ng "kabit" during the airing ng teleserye nila noon na Halik sa ABS-CBN with Jericho Rosales and Yam Concepcion.


"May kani-kanya siguro silang dahilan kung bakit sila pumasok sa ganyang sitwasyon. Siguro isipin muna nila 'yung consequences na puwedeng mangyari kapag pumasok sila sa maling relasyon na puwede talaga nilang pagsisihan hanggang huli," part ng statement ni Yen noon.


Nagtalu-talo naman ang mga netizens kung ano ang difference ng "kabit" sa "third party." Kasi nga raw, hindi naman kasal sina Paolo at LJ.


"Palusot d'yan HINDI NAMAN KASAL pa'no natawag na kabit? Imbyernes."


"Can someone enlighten me... 'di ba, kabit is third party in English? So, puwede kang tawaging kabit kapag nakikiapid ka kahit man jowa lang. Medyo nalilito kasi ako sa daming matatalino sa socmed. Kesyo dahil hindi raw sila kasal, the "other" woman or man is not considered kabit."


"For me, it's still kabit. Mga kapwa mang-aagaw kasi 'yung mga nagtatanggol na ganu'n, sis."

"Yes, kabit kahit asawa, live-in partner or GF!"


"For me, kasal or not, basta kumabit ka sa isa na hindi naman in an open relationship, kabit ka na. AH UHM!"


Samantala, ang daming namba-bash kay Yen sa socmed kahit 'di pa naman sure na siya na talaga ang babaeng nauugnay kay Paolo ngayon.


"Never din ako nagandahan sa babaeng ‘to. Napaka-ordinary looking lang, hindi artistahin 'yung beauty."


"Ito ba 'yung sinasabing 'di magaling umakting?"


"Pansin n'yo ba, wala siyang friends sa showbiz? Parang maarte ang babaeng 'to."


But in fairness, may nagtanggol naman kay Yen.


"Hindi siya magandang-maganda pero may appeal. May appeal sa mga lalaki for you know what reason."


'Yun na.

 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | September 04, 2021


ree

Lumutang din ang pangalan ng ex-girlfriend ni Jomari Yllana na si Joy Reyes sa controversial split-up nina Paolo Contis at LJ Reyes. Nasabit ang pangalan ni Joy sa isyu dahil sa hinala at diretsahang pagtukoy ng ilang netizens na siya ang third party sa paghihiwalay ng mag-partner.


Sa Instagram post ni Joy na piktyur niya with her two kids recently, dinagsa siya ng tanong ng mga netizens sa pagkakaugnay niya sa hiwalayang Paolo-LJ.


"Totoo po ba na kayo ang 3rd party sa hiwalayang LJ-Pao? Nagtatanong lang po."


"Trending ka, gurl. Ikaw daw 'yung 3rd party. Hope it's not true. Kawawa lahat ng kids."


"Ikaw in blind item na pinupuntahan ni Paolo Contis at nag-o-overnight pa."


Sinagot ni Joy ang mga tanong sa kanya ng mga netizens.


"How can I be the 3rd party when they are spotted together somewhere and I am here in QC thinking about all the bills and other necessities that father of the baby boys is not paying on time or not paying at all?"


"That's ridiculous I don't know them personally."


Pero may nakapansin na netizen na naka-follow si Joy sa Instagram ni Paolo.


Ipinagtanggol naman si Joy ng nagpakilalang best friend niya na marami raw pina-follow na celebrities ang kanyang kaibigan.


At kung nasa QC si Joy nu'ng mapiktyuran si Paolo with a girl sa Manaoag, kapani-paniwala na true ang sinasabi ng ex ni Jomari.


'Yan, eh, kung same time na-upload ang picture ni Paolo with the mystery girl sa pag-post ng piktyur ni Joy at pag-react niya sa netizen.


Anyway, let's give Joy the benefit of the doubt na 'di siya ang third party sa hiwalayang LJ-Paolo. At least, nagsalita siya.


But what about the "other girl" na itinuturo rin na diumano'y third party sa LJ-Paolo controversial split-up na si Yen Santos, kailan kaya siya magsasalita to clear her name?


Or baka hindi na lang din dahil feeling niya marahil, wala siyang dapat klaruhin?

 
 
RECOMMENDED
bottom of page