top of page
Search

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 23, 2021


ree


Tumataginting na dalawang milyong piso ang idinoneyt ng Kapamilya actress na si Angel Locsin sa opisina ni Vice-President Leni Robredo upang ipamahagi sa mga nasalanta ng Bagyong Odette.


Nabulgar ang napakalaking halagang donasyon ni Angel para sa Odette victims during Kris Aquino's speech sa ginanap na relief operation ng OVP (Office of the Vice-President) sa Negros Occidental.


"Nagbigay po si Angel Locsin ng 2M pesos kay VP Leni para po pantulong para po sa lahat ng nasalanta,” pahayag ni Kris sa short video na ipinost ng netizen sa Twitter.


Nagulantang siyempre pa ang mga netizens sa rebelasyon ni Kristeta.


“Wow!! Kudos to Angel!! The best Darna everrrr in more ways than one!”


“Kahit lagi n'yong bina-bash si Angel Locsin, my God, 2 million is not a joke, wala siyang masyadong work now, so proud of her.”


“Sarili nilang pera 'yan, 'DI NAKAW at nagbabayad sila ng TAX.”


“Wow, Angel, nakakaiyak, P2 million is a lot of money, tagal na rin niyang walang work.”


May concerned netizen naman ang nag-alala sa pagbubunyag ni Kris ng amount ng ibinigay ni Angel.


“Bakit sinabi ni Kris 'yung amount? Baka ma-bash na naman si Angel.”


“Tatanggi pa ba tayo sa P2M na tulong? Ano'ng iba-bash doon, kulang? Kapal lang ng mukha, ganern?!”


Bukod sa P2 M na donasyon ni Angel, shookt din ang mga netizens sa hitsura ni Kris. Sa sobrang kapayatan nito, nag-worry ang ibang netizens for her health.


“Miss Kris, love kita, sana stay safe kasi hindi makakabuti sa 'yo ang crowd. Your help can reach out to those in need through trustworthy people. Praying for u, idol.”


“Ang payat ni Kris, grabe, may sakit pa 'yan pero nag-iikot talaga. Parang nai-imagine ko, baka lumala sakit niya at health niya, ang tapang niya.”


Say ng isang netizen, kinailangan pa raw lumabas ni Kris dahil matatalo raw kasi si VP Leni for her presidential bid sa nalalapit na halalan.


Pero, kinontra naman siya ng mga followers nina VP Leni and Kris.


“Kinailangan na niyang lumabas kasi wala na maaasahan sa gobyernong ito.”


"Gusto niya lang din talagang tumulong, masama ba 'yun? Hindi naman 'yan campaign pero she joined in order to help the typhoon victims.”


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 15, 2021


ree


Nasorpresa ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa pag-apir ni John Prats sa studio ng It’s Showtime kahapon.


Biglang in-acknowledge ng ibang It’s Showtime hosts ang pag-apir ni John sa loob ng studio ng Kapamilya noontime show bago simulan ang kanilang Madlang Pi-POLL segment.


Hindi nagtagal ay na-reveal din ang tunay na pakay ng pagpunta ni John sa It’s Showtime, at mismong si Vice ang nagbulgar nito.


Pumunta si John sa It’s Showtime upang personal na kumbinsihin si Vice na mag-perform para sa ABS-CBN Christmas Special.


“Naloka ‘yung ABS, akala nila nag-umpisa na ang ABS-CBN Christmas. Dumating na ‘yung direktor, si John Prats, oh,” bulalas ni Vice pagkatapos magpasampol ng grupong 4th Impact na celebrity guests nila para maglaro sa Madlang Pi-Poll sabay pokus ng kamera sa dating direktor ng It’s Showtime na nakatayo sa hilera ng mga cameramen sa loob ng studio kahapon.


Winelcome ng mga hosts si John at sumigaw ng “We miss you.”


“Nakakakaba, nandito si John Prats,” sambit ni Vice.


Sabay-sabay namang nagtanong ang mga kasamang hosts ni Vice kung bakit.


“Mukhang may magkukumbinse,” sabay tawa ni Vice at ng iba pang hosts.


Dagdag pa ni Vice, “(Na) Sumali tayo sa opening. Hahaha!”


Pagkatapos ay niyaya ni Vice si John sa stage para magpasampol ng sayaw with Vhong Navarro.


“Maganda ‘yan, gawin ninyo ‘yan sa (Ang) Probinsyano,” biro ni Vice habang nakaakbay kay John.


Pagkatapos batiin ni John ang madlang pipol ay nagseryoso na ito at pilit hinila ang kamay ni Vice. Pero mabilis na bumitiw si Vice sa pagkakahawak ni John sa kanya.


“'Yun nga, kaya ako nagpunta rito, ha, Vice,” lahad ni John.


Hindi pa tapos si John sa sasabihin niya ay nagsalita ulit si Vice.


“Kagabi pa kasi niya ako kinukumbinse,” diin ni Vice.


“'Di ba?” pagsang-ayon ni John.


“Hah?” tugon ni Vice. “Ano ba’ng gagawin mo sa Christmas special? Hahaha!”


Singit ni Vhong, “'Yan na ang sundo.”


Biro naman ni Karylle kay Vice, “Hindi ka nakapagpatahi, ‘no?”


Tanong ni Vice kay John, “Wala kasi akong…Gusto mo ba talaga?”


Umoo naman si John kay Vice, “Siyempre.”


Sabi pa ni John kay Vice, “Hindi kumpleto ang Pasko kung wala ka.”


Sagot naman ng komedyante, “Ano ba ‘yan, personal akong pinuntahan ng direktor dito.”


“Kasi kahapon, tinext niya ako. Tapos sabi ko, 'Kasi, Pratty, ang tanda ko na.' Tapos tinext niya ako ulit. Tapos sabi ko, ‘Ano ba’ng isasagot ko dito?’ Hindi na ako sumagot. Nakatulog na ako.


Tapos nandito ka, pinersonal mo ako,” kuwento ni Vice sabay yakap kay John.


Kasunod nito, nakumbinse na rin si Vice na mag-perform sa ABS-CBN Christmas Special kung saan si John ang magdidirek.


“Sige na nga. Sasama na ako,” malumanay na pagkumpirma ni Vice.


Pagkarinig nito, napasigaw si John at iba pang It’s Showtime hosts.


“Ayun! Yehey,” sigaw ni John habang nakataas ang kamay.


“Ano ba ‘yan?! Hahaha! Go, go, go. Live ba ‘yan,” tanong pa ni Vice kay John.


Sumagot naman si John na live ang ABS-CBN Christmas Special sa Sabado.


“Sige, sige. Ayusin natin ‘yan. Ikaw talaga, Pratty,” hirit pa niya kay John.


Matatandaan na nabalitang in-unfollow ni Vice sa Instagram ang dati nilang direktor sa It’s Showtime.


Hinala ng mga Marites, may kinalaman ang comment ng dati nilang kasamang host sa noontime show na si Kim Atienza sa congratulatory post ng sister ni John na si Camille Prats sa pagiging direktor ng kanyang kuya sa FPJ’s Ang Probinsyano.


May-I-comment si Kuya Kim ng ganito sa post ni Camille, “Nothing is an accident mars Camille. Galing ni Lord, 'no? Iniwas siya sa sakit ng ulo."


Ang tsika pa, in-unfollow daw ni Vice lahat ng umalis sa It's Showtime from John, Kuya Kim, Direk Bobet Vidanes at pati na ang tumatawag ng "beshy" sa kanya na si Billy Crawford.


 
 

ni Julie Bonifacio - @Winner | December 03, 2021


ree


Super sweet ang ginawang video sa TikTok ng singer na si Sheryn Regis kasama ang YouTuber na si Mel de Guia.


Sa naturang video ay makikita si Sheryn na nag-e-emote at kapagkuwan ay sasabayan ang dub sa TikTok na Love Yourself.


Pagkatapos ay lumitaw si Mel sa frame at sinabayan ang naka-dub na linyang "Tapos, ako next," saka hinalikan si Sheryn sa pisngi at nagsayaw ang dalawa na super-dikit sa isa’t isa with background music ng kantang Mr. Kupido.


Siyempre, ang mga Marites, mabilis sa pag-conclude at tinawag nilang ‘jowa reveal’ ang TikTok video nina Sheryn and Mel.


Medyo matagal na rin na pinag-uusapan ng mga Marites sa socmed sina Sheryn at Mel.


Wala naman daw problema kung maging sila or kung proud member ng LGBTQ si Mel.


Pero ang tsika ng mga netizens, kapwa may kani-kanyang partner diumano sina Sheryn at Mel na niloko nu’ng maging sila.


Knows sa online community na ang dyowa ni Mel ay ang model na si Nicole Mendoza na kasama niya sa YouTube channel na “The Ulagas,” habang si Sheryn naman ay nauugnay din daw sa isa ring member ng LGBTQ community.


Kaya ganu'n na lang i-bash ng mga netizens ang dalawa especially si Mel na lantad sa online community ang relasyon kay Nicole.


As for Sheryn’s rumored partner, any moment ay magka-come out na rin siya in public.


In fact, we tried to invite her sa online show ng Facebook page ng BULGAR, ang #CelebrityBTS BULGARAN NA na live na napapanood tuwing Sabado, 11 AM.


So, abangan n'yo this Saturday ang mga pasabog ng YouTuber na si Mel tungkol dito sa sweet video nila ni Sheryn.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page