- BULGAR
- Apr 20, 2022
ni Julie Bonifacio - @Winner | April 20, 2022

Tumira pala sa iisang bahay ang King of Talk na si Boy Abunda at ang former Kapamilya Primetime Teleserye Queen na si Kristine Hermosa.
‘Yan ang ibinulgar ni Kuya Boy sa kanyang exclusive interview sa misis ni Oyo Sotto — na isa sa pinakamagaganda, kundi man pinakamagandang aktres sa kanyang henerasyon — sa The Interviewer Presents: Kristine Hermosa content sa YouTube channel ng TV host.
Bago mag-isip ang iba, ang ibig sabihin ni Kuya Boy ay may dating tinirhan na bahay si Kristine na inupahan din ng TV host.
“May isang bahay na pagkatapos umalis nina Tin (pet name ni Kristine), kami naman ang tumira,” kuwento ni Kuya Boy.
Introduction pa lang ni Kuya Boy kay Kristine ay inulan na agad ng comments mula sa mga netizens.
“She is one of the most beautiful, inside and out, young mother in this country,” pagpapakilala ni Kuya Boy kay Kristine.
Say ng netizen, “Ang ganda ni Kristine, sobra. The most beautiful woman in the whole Philippines. Kahit walang makeup.”
“The most beautiful actress here in the PH. Saw other artistas na, pero siya talaga 'yung pinakamaganda."
Sa true lang, agree kami sa sinabi ng mga netizens. Kaya ang dami talagang nanghinayang nu’ng tumigil si Kristine sa showbiz, bagama't panaka-naka ay lumalabas siya sa telebisyon with Oyo.
“Actually, Tito Boy, it was my choice. Choice ko ‘yun kasi parang medyo too much ako pagdating sa (work), kumbaga, nawala rin talaga ‘yung childhood, which is happy ako doon, kasi nabigyan ako ng pagkakataon to experience that. So, eto na ako ngayon,” pahayag niya.
Nagpokus kasi talaga sa mga anak nila ni Oyo si Kristine. Lima ang anak nila, four boys and one girl. Ang panganay ay si Kristian Daniel or simply Kiel, Kaleb Hanns, Marvic Valentin, ang only girl na si Ondrea Bliss at ang youngest na si Vittorio Isaac.
“Well, ngayon, maliliit pa ang mga anak ko, masasabi ko na hindi ko siya puwedeng gawin nang hati-hati. I mean, I can do that kung pipiliin ko, pero mas pinipili ko to stay with them, alalayan sila hanggang sa lumaki sila. Siguro, 'pag malalaki na sila, that’s the time na unti-unting you know, balik sa showbiz," esplika ni Kristine.
Aminado si Kristine na siya man ay nami-miss na rin ang pag-arte. Pero mukhang matatagalan pa since she just gave birth kay Vittorio last August, 2021. Beybing-baby pa ang bunso nina Oyo at Kristine.






