top of page
Search

ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | September 4, 2020


ree

Sobrang kinilig ang mga JoshLia fans sa naging pahayag ni Joshua Garcia na na-miss niya ang presence ng ex-girlfriend na si Julia Barretto sa kanyang buhay.


Sa panayam kasi ng aktor with Bianca Gonzales for Cinema News at Home ay natanong siya kung ano ang pinakana-miss niya kay Julia.


“Ang na-miss ko talaga kay Julia is ‘yung presence niya. Siyempre, iba rin naman ang feeling kapag may karelasyon ka, ‘yung may dyowa ka, ang sarap kaya nu’n,” pag-amin ni Joshua.


“Feeling ko, in general ‘yun na talaga, 'yung presence niya, ‘yung feeling na may kasama ‘ko sa lahat ng ginagawa ko, ‘yung parang team,” dagdag pa ng aktor.


As we all know ay matagal-tagal na ring break sina Julia at Joshua at ang paghihiwalay nila ang isa sa mga pinakakontrobersiyal na breakup among showbiz couples dahil sa dami ng issues at taong na-involve.


Pero ang maganda naman kina Joshua and Julia, madali silang nakapag-move on at hindi naging problema sa kanila na magkatrabaho ulit sila kahit wala na sila. In fact, gumawa nga sila ng digital series na Love Unlock just recently.


Sa nasabing panayam pa rin ay sinabi ng aktor na hindi raw niya ini-expect na magkakatrabaho sila agad ni Julia pagkatapos ng mga nangyari.


“Hindi ko ini-expect na agad-agad na magkaka-work kami. Parang siyempre, maliit lang ang industriya, sabi ko, magkakatrabaho at magkakatrabaho kami, pero hindi pa ngayon.


“Feeling ko, baka bigyan pa kami ng project, baka next year pa or next, next year pa. Pero hindi ko ini-expect na ngayon din agad.


“Pero sa akin, wala namang kaso. Kasi okay naman ako kay Julia, wala naman kaming problema,” he said.


Bukod sa tuwang-tuwa ang mga JoshLia fans sa sinabi ni Joshua ay pinuri rin nila ang aktor dahil ibang-iba na raw ito sumagot at nag-mature na talaga.


Dati nga naman kasi ay parating parang kinakabahan si Joshua kapag ini-interview at parating nabablangko’t nagba-buckle. Pero this time sa interview with Bianca ay kakaibang Joshua ang nakita ng lahat. Magaling na siyang sumagot at may confidence na.

 
 

ni Nitz Miralles - @Bida | September 2, 2020


ree


In fairness, inamin ni Joshua Garcia na nag-text siya kay Gerald Anderson at sinabi rin naman nito ang rason ng pagte-text sa kapwa Kapamilya actor. Siguradong marami ang gustong malaman ang buod ng text ni Joshua kay Gerald dahil hindi niya in-elaborate.


Sabi ni Joshua nang matanong kung sino ang gustong i-text ngayong pandemic, “Siguro, si Kuya Gerald. Pero hindi online, hindi ko kailangang i-online. Siya, kasi na-realize ko nu'ng quarantine, nu'ng nag-lockdown, ang hirap, ang liit ng industriya namin. Ang hirap nu'ng may ka-awkward-an.


"Ang ginawa ko, tinext ko siya. Sabi ko, ‘Bro, Joshua ito. Gusto ko lang maging honest, lahat.' Tinext ko siya ng ganu'n, pero hindi pa siya nagre-reply. Hanggang du'n lang ang kaya kong ibigay na text. Para ma-clear lang 'yung air sa lahat ng nangyari. Nahihirapan akong gumalaw, parang ganu'n ‘yung feeling. Nagka-issue kayo, ganyan. I’m being honest lang, ha, kasi ako, wala naman akong kaso sa kanya. Ako, sobrang cool na ako sa kanya. Ako, okay na ako sa kanya.”


Matatandaang si Gerald ang inaakusahang third party sa breakup nina Joshua at Julia Barretto, bagay na itinanggi na nina Gerald at Julia.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page