top of page
Rico Blanco at mystery girl - Circulated
Search

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 26, 2026



SPECIAL - SAM AT FAITH, SPOTTED SA CONCERT, FRIENDS LANG DAW-FB Circulated

Photo: Circulated



Uso na naman ngayon ang linyang “We’re just friends” sa showbiz.

Ito raw kasi ang naging pahayag ng Kapuso actress na si Faith Da Silva nang matanong kung ano ba talaga ang real score sa kanila ng businessman-TV host at minsan ding tumakbong mayor ng Maynila last 2025 elections na si Sam Verzosa a.k.a. SV.


Napapadalas kasi ang pagsasama ngayon nina SV at Faith in public. Last May 16 ay nakita silang nanood sa concert ni Jessica Sanchez sa Smart Araneta Coliseum.


Nakita rin silang magkasamang um-attend sa birthday party ng showbiz reporter na si Jun Lalin kamakailan.


At may mga posts din si Sam na business-related events kung saan si Faith din ang bitbit niya.


Kaya naman, kahit sinabi ni Sam Verzosa na 5 yrs. na silang magkaibigan ni Faith, ayaw kagatin at paniwalaan ng mga netizens ang press release nilang “We’re just friends.”

May mga netizens namang nagko-comment na baka pinagseselos lang ni SV ang ex-girlfriend na si Rhian Ramos kaya panay ang display niya kay Faith in public.


Tila gusto raw ipamukha ni SV na mabilis siyang naka-move on sa paghihiwalay nila ni Rhian kahit pa 4 ½ yrs. ding tumagal ang kanilang pagsasama, na inakala nga ng iba na papunta na sa altar.


Well, payo naman ng ilang netizens kay Faith, ‘wag daw itong pumayag na maging “trophy GF” lang ni SV dahil deserve niya ‘yung lalaking kaya siyang ipagmalaki.





PAGKATAPOS mag-post ng mga kaibigan ni Bea Alonzo na sina Dimples Romana at Bea Saw ng kani-kanilang pictures ng bakasyon nila sa Spain, si Bayani Agbayani naman ang nag-post ng video na tila namimitas ng orange at sinabi ngang nasa Spain siya, kaya nalaman ng mga netizens.


Nagduda pa nga ang ilang netizens at umasang baka tuloy na talaga ang kasal nina Bea Alonzo at Vincent Co sa Spain dahil bakit daw pupunta pa roon ang mga kaibigan niya kung hindi naman pala tuloy ang kasal.


At hindi lang basta kaibigan ni Bea si Bayani kundi halos kapamilya na rin dahil ang isang anak ng komedyante ay asawa ng younger brother ni Bea.


Pero ang basa naman namin d’yan, baka nanghinayang lang si Bayani na hindi magamit ang nabili nilang ticket kaya kahit hindi natuloy ang kasal ay nagpunta na rin sila ng kanyang asawang si Lenlen.


Anyway, balik-bansa na nga si Bea Alonzo at nagte-taping na raw uli ng kanyang serye sa GMA-7 na Whispers From Heaven, kaya ibig sabihin lang, walang kasal na mangyayari soon.

‘Yun na!





PINAGPIYESTAHAN ang sexy photoshoot ng singer na si Darren Espanto para sa kanyang 25th birthday last May 24.


Nag-post si Darren sa kanyang Facebook account ng mga sexy pose niya kung saan may pa-sighting pa siya ng kanyang nipples, just to show siguro na mature na siya at the age of 25.


May mga pumuri kay Darren na ang “hot” nga raw ng dating at pinagpapantasyahan siya.


Pero may mga nabasa rin kaming comments na sinabihan siyang “bading”.

Naku, ‘no?! I’m sure, gusto lang magpapansin ng ilang netizens na ito kay Darren kaya tinawag siyang bading. Siyempre nga naman, ‘pag pinansin sila ni Darren, issue at sikat sila, ‘no?!


Mukhang secured naman si Darren sa kanyang gender identity kaya baka pagtawanan na lang niya ang mga nag-iisip at nagsasabing bading siya. Ano nga namang makukuha niya kung papatulan pa niya ang mga papansin?


Ang mahalaga, ‘yung good influence si Darren at hindi nasasangkot sa mga malisyosong kontrobersiya at scandal, kaya marami pa rin ang humahanga sa kanya, lalo na’t wala naman siyang tinatapakan at sinasaktan, ‘no!


 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 23, 2026



SHOWBIZ SPECIAL - BARBIE, IFINLEX ANG BAGONG LALAKI NA PURO TATTOO-FB Barbie Forteza

Photo: IG _teamviceph



Pumapag-ibig na nga ba uli ang Kapuso actress na si Barbie Forteza?

Last Thursday night, nag-post ang aktres ng picture habang may ka-date na isang guy.


Pero tulad nina Sanya Lopez at Carla Abellana, may tattoo na braso lang ng guy ang ipinakita ni Barbie at hindi ang mukha ng kanyang ka-date.


Naiintriga tuloy ngayon ang mga fans ni Barbie at todo-research sila kung sino ang may ganu'ng tattoo sa braso.


Kung matatandaan, si Jameson Blake ang huling na-link kay Barbie after ng breakup nila ng longtime boyfriend na si Jak Roberto.


Pero hindi nga nauwi sa seryosong relasyon ang sa kanila ni Jameson dahil ang feeling ni Barbie ay pa-fall lang ito.


Well, tingnan natin kung hanggang saan aabot ang bagong pag-ibig ni Barbie Forteza.





Todo-pakiusap sa cameraman na ‘wag kunan ang tiyan… JOSHUA. ATRAS MAGPAKITA NG KATAWAN



NATAWA na lang si Joshua Garcia sa kumalat na topless photo niya para sa kanyang ineendorsong liniment na AI generated naman pala.


Aminado ang aktor na usung-uso na talaga ‘yan ngayon at hindi lang siya ang nabiktima.

Pero aminado ang bidang aktor ng Prime Video series na Love Is Never Gone na hindi talaga siya komportableng ipakita ang kanyang skin kahit pa may love scene sila ng katambal niyang si Ivana Alawi sa naturang serye.


Nangingiting sabi ni Joshua, “Actually, ‘di ako comfortable showing my skin and body pero du'n nanggagaling ‘yung pagiging aktor mo. Uncomfortable talaga. Ang hirap nu'n, ha?”


Kuwento nga niya, “Everytime may love scene kami, kinakausap ko ‘yung mga cameramen namin. ‘Oy, iwasan mo ‘yung tiyan ko. ‘Yung shot mo, dito lang banda (chest).’ Naririnig ko si Direk, eh, ‘Ibaba mo ‘yung angle mo. Ibaba mo pa!’ ‘Di niya ibinababa, talagang matibay siya. ‘Sabi kasi ni Joshua, eh!’” na ikinatawa ng press at mga vloggers sa ginanap na Spotlight mediacon para sa magaling na aktor.


Mabait naman daw ang direktor nila sa serye at inaalalayan sila.


Samantala, tinanong din namin si Joshua kung may mga natuklasan pa siyang ugali ni Ivana sa pagpapatuloy ng shooting nila rito sa Manila matapos ang pagsasama nila sa Morocco kung saan kinunan ang mga first few episodes ng Love Is Never Gone.

Napaisip sandali ang aktor at umaming meron naman pero hiniling nito na sa kanilang dalawa na lang daw ‘yun.


Naku, ha? May secret pala sila ni Ivana, kaya pala close na close na sila ngayon.

Samantala, patuloy na napapanood ang Love Is Never Gone sa Prime Video kung saan every Friday ipinapalabas ang bagong episode nito.


Kasama rin sa serye sina Michael de Mesa, Ms. Dina Bonnevie, Ara Mina, Epy Quizon, Jameson Blake, JM Ibarra at Fyang Smith at marami pang iba.

 
 

ni Janiz Navida @Showbiz Special | May 21, 2026



SPECIAL - P5 M, TF DAW NI VICE GANDA SA 2 KANTA LANG- IG _teamviceph

Photo: IG _teamviceph



Grabeee, as in grabe!!! 

Parang bigla kaming naging Mathematician at panay ang compute sa aming utak habang isa-isa naming pinapanood ang mga nagpe-perform na naglalakihang artista-singers sa katatapos lang na Bingo Plus Night 2026 na ginanap sa Marriott Hotel sa Pasay last Tuesday.


Si Darren Espanto ang opening number na tila nag-mini-concert sa kanyang 3 to 4 songs yata.


Sinundan siya ni Kim Chiu (na endorser ng Bingo Plus) na sing and dance naman ang ginawa at sandali pang bumaba sa audience para aliwin ang kanyang mga fans.

After Kim, si Bamboo naman ang bumulaga na bumaba rin sa stage at lumapit sa mga guests ng event kaya tuwang-tuwa ang mga tao na nakakita sa kanya nang up close and personal.


Sumunod na nag-perform ang magaling na aktor na si Anthony Jennings na hindi man nakilalang singer ay nakakakanta rin naman pala. In fairness, ang kaguwapuhan niya ang nagdala sa kanya. Hahaha!


Nu’ng bumaba siya sa audience, may narinig kaming nagtanong kung sila pa ba ni Maris Racal. Awww!


Mic, nawalan ng sound habang kumakanta…

JULIE ANNE, PINILIT BUMIRIT KAHIT PAOS


Mala-Broadway naman ang performance ni Julie Anne San Jose kung saan habang kumakanta siya ay may mag-partner na dancers na nag-i-interpret ng kanyang song na itinataas-taas pa sa stage at ang galing-galing ng kanilang mga palambi-lambitin moves. Kami ang natatakot para sa kanila dahil baka isang wrong move, eh, bumagsak sila sa stage. Pero thank God, natapos ang song ni Julie Anne na safe naman ang dalawang ballet dancers.


Maraming nakapansin na hindi maibirit ni Julie Anne nang todo ang kanyang boses at medyo mababa ang timbre nito sa nakasanayan na sa kanya. ‘Yun pala, namamaos nu’ng gabing ‘yun si Julie Anne.


May part pang nawala ang sound ng kanyang microphone, pero hindi na-distract ang magaling na singer-actress, “the show must go on” pa rin, ‘ika nga!


Parang ibinawi naman si Julie Anne ng sumunod sa kanyang nag-perform na si Yeng Constantino na super-birit that night kaya napapanganga na lang ang mga guests na nanonood.


Pagkatapos ni Yeng, ang Soul Siren namang si Nina ang bumirit at nag-whistle pa sa kantang Foolish Heart kaya palakpakan ang mga guests.


2 babaeng kinuha, game na game, Neri…  

CHITO, NAKIPAG-‘BAGSAKAN’ SA MGA GUESTS SA SOSYAL NA PARTY


Magtu-12 midnight na nang sumalang ang Parokya ni Edgar at talaga namang binuhay nang bonggang-bongga ni Chito Miranda na bokalista ng banda ang mga guests dahil pinalapit niya ang mga ito sa stage na para bang ginawa niyang concert ground ang ballroom ng Marriott Hotel.


Game na game na nakipag-duet kay Chito ang ilang babaeng guests, kesehodang naka-black gown ang mga ito, nakipagrakrakan sila kay Chito lalo na sa ‘Bagsakan’ portion. Dalawang babae ang nagtodo-rap pa at nakipagsabayan sa mister ni Neri Naig.


Ang alam namin, isa rin si Ely Buendia sa mga performers that night at nakita rin siyang dumaan sa red carpet, pero ewan at bakit hindi yata namin siya napansing nag-perform. 


Baka maaga siyang kumanta, at dahil paumpisa na ng show nu’ng dumating kami, kaya hindi namin siya nakita.


Well, of course, ang finale ng Bingo Plus Night 2026 ay ang kanilang No. 1 endorser na si Vice Ganda.


In fairness kay Vice, ang tagal naghintay bago ang kanyang finale number. Ang aga niya kasing dumating sa venue pero past midnight na nga siya nakakanta.


Medyo nabitin din ang mga guests sa kanya dahil 2 kanta lang ang ginawa ni Vice at wala na rin siyang mga comedy spiels na siyempre ay inaabangan sa kanya dahil du’n nga siya kilala.


May tinanungan kaming isang close kay Vice kung magkano kaya ang talent fee niya sa dalawang kantang ‘yun at ang chika sa amin, nagre-range raw sa P2M to P5M ang TF ni Vice for two songs, pero depende siyempre ‘yun sa location, sa kung ano’ng gagawin niya at ilan pang mga kondisyones.


Oh, ‘di ba? Grabe ang inilabas na budget ng Bingo Plus para sa kanilang 4th anniversary. 

Bukod nga sa mga ginastos nila sa mga performers that night, sa mga bonggang-bonggang pagkain, eh, may charity project pa sila kung saan 6 na letter senders ang kanilang napili para i-grant ang wish, ha?


At take note, nagpa-raffle rin ng BMW that night ang Bingo Plus, kaya sobrang suwerte talaga kung sinuman ang naging winner!





ENGAGED na ang aktres na si Cristine Reyes sa kanyang lawyer boyfriend na si Atty. Gio Tiongson.


Sa kanyang Facebook account, ipinost kagabi ni Cristine ang mga pictures nila ng BF – now fiance – na si Atty. Gio habang sila ay nagbabakasyon sa Hong Kong. 


Simpleng-simple lang ang ayos ni Cristine na parang naka-kamison lang. ‘Yung tipong woke up like this tapos ay namasyal na sa HK. Hahaha! Naku, eh, ‘yan talaga yata ang usong OOTD ngayon, ‘no!


Anyway, hindi na ipinakita ni Cristine kung paano nag-propose si Atty. Gio. Basta ifinlex na lang niya ang kanyang kamay sa isang photo nila habang suot ang kanyang engagement ring.


Well, maraming natuwa at nag-congrats kina Cristine at Atty. Gio at todo-asang matutuloy ang kasal at hindi raw matulad kay Bea Alonzo na balitang na-cancel nga ang wedding kay Vincent Co.


Oh, well, abangan na lang natin kung kelan ang kasal! 

Congrats!


 
 
RECOMMENDED
bottom of page