top of page
SPECIAL - MARIEL, SWAK DAW KAY SEN. ROBIN DAHIL PAREHONG BOBO-IG _marieltpadilla.jpg
Search

ni Mylene Alfonso @News | February 17, 2026



Sen. Bong Go at Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB

Photo: Sen. Bong Go at Sen. Ronald Bato Dela Rosa - FB



May obligasyong ipatupad ng pamahalaan ng Pilipinas ang anumang posibleng arrest warrant laban kina Senators Ronald “Bato” Dela Rosa at Christopher “Bong” Go, at iba pang sinasabing co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kasong crimes against humanity sakaling ipag-utos ng International Criminal Court (ICC) ang kanilang pag-aresto.


Ayon kay Palace Press Officer Undersecretay Claire Castro, ang mga kaso laban kay Duterte at sa kanyang mga kasama na umano’y may pananagutan ay isinampa noong 2017, noong miyembro pa ng ICC ang Pilipinas.


Gayunman, nilinaw ni Castro na hindi umano nila maaaring pakialaman ang proseso ng ICC dahil hindi pa naman umano pinuno ng bansa noon si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.


“Kung ito naman ay legal process na nanggagaling po sa ICC, hindi naman po natin ito maaaring pakialaman dahil ang kasong iyan ay naisampa noon pa, 2017, at hindi pa po pangulo si Pangulong Marcos Jr. So, kung dadaan sa proseso, iyon naman po ang nais ng pamahalaang ito. Ang ginagawa ng pamahalaang ito ay dumadaan lahat sa proseso,” wika ni Castro sa Palace briefing.


“Kapag may warrant of arrest na naisyu na po, kailangang i-implement,” tugon ni Castro nang tanungin sakaling may lumabas na arrest warrant.


“So, kung babantayan sila, sa ngayon ay wala pa pong dahilan para sila ay bantayan dahil wala pa pong nare-receive ang gobyerno ng warrants of arrest.”


“Nagawa na po before at ang sinunod po ay ang batas na umiiral sa ating bansa at nakipag-coordinate po ang ating pamahalaan sa Interpol kaya po naipadala ang dating Pangulong Duterte sa The Hague,” dagdag ng Palace official.

 
 

by BRT @News | February 16, 2026



Vitaliano Aguirre - Circulated

Photo: Vitaliano Aguirre - Circulated



Itinanggi ni dating Department of Justice (DOJ) Sec. Vitaliano Aguirre II ang kanyang pagkakasangkot sa kasong ‘crime against humanity’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), matapos pangalanan bilang isa sa mga kasabwat umano sa drug war.


“Wala akong kinalaman sa akusasyon nila sa akin [na] crime against humanity… I never conspired or participated in any extrajudicial killings. Besides, at that time, the Philippines was not yet a member of the ICC,” ayon kay Atty. Aguirre.


“I hereby reiterate that I never engaged in any EJK or support its implementation… I was never part of this war on drugs and never participated in its implementation, if ever it was true,” dagdag pa nito.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | February 13, 2026



International Criminal Court Rodrigo Duterte

Photo: International Criminal Court (ICC)



Pinagbigyan ng International Criminal Court (ICC) ang kahilingan ng legal team ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at ng prosekusyon na magdagdag ng mga bagong ebidensiya na gagamitin sa mga pagdinig.


Batay sa apat na pahinang desisyon na may petsang Pebrero 10, inatasan ng ICC Pre-Trial Chamber I ang depensa at ang prosekusyon na magsumite ng update na listahan ng mga ebidensiya bago o sa Pebrero 13, 2026.


Ito ay makaraang hilingin ng legal team ni Duterte sa ICC na magdagdag ng 78 na item sa kanilang listahan ng ebidensiya na gagamitin sa pagdinig para sa confirmation of charges.


Sa pinakahuling kautusan nito, sinabi ng ICC na ipinahiwatig ng prosekusyon na wala itong pagtutol sa pagtanggap ng 78 item ng ebidensiya.


Sinabi ng Common Legal Representatives of Victims (CLRV) na wala rin silang pagtutol sa mga kahilingan ng depensa at ng prosekusyon na magdagdag pa ng karagdagang ebidensiya.


Inilabas ng ICC ang kautusan bago ang pagdinig para sa confirmation of charges laban kay Duterte kaugnay ng umano’y crimes against humanity sa war on drugs nito.

Matatandaang sa iskedyul ng Pre-Trial Chamber I, magsisimula ang pagdinig para sa confirmation of charges sa Pebrero 23 at tatagal hanggang Pebrero 27.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page