- BULGAR
- Dec 28, 2025
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | December 28, 2025

Sa may kaarawan ngayong Disyembre 28, 2025 (Linggo): Marami ang maiinggit sa iyo, dahil sa napakaganda mong kapalaran. Kung saan, lagi kang makikitang inuulan ng suwerte.
ARIES (Mar. 21–Apr. 19) - Magdaratingan na ngayon ang mga sorpresa ng langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-18-20-33-36-42.
TAURUS (Apr. 20–May 20) - Hindi nabubuhay ang tao kapag siya lang. Ang payo para sa iyo ay nagsasabing para sumaya ka, dapat may kasama ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-15-22-26-32-41.
GEMINI (May 21–June 20) - Ngayon ang araw mo! Literal itong ipinababatid sa iyo ng langit. Kaya anuman ang isipin at gawin mo, tiyak na ito ay matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-18-23-25-37-44.
CANCER (June 21–July 22) - Ito ang araw kung saan may suwerte kang makukuha. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-16-28-38-45.
LEO (July 23–Aug. 22) - Anuman ang hilingin mo ngayon, gagawa ng paraan ang langit upang maisakatuparan ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-10-21-29-33-40.
VIRGO (Aug. 23–Sept. 22) - Kung saan ka madadalian, iyon ang iyong piliin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-18-27-30-39-41.
LIBRA (Sept. 23–Oct. 22) - Magsisimula na ang mga bagong kabanata sa iyong buhay, kung saan ay puwede kang magkaroon ng tunay na kaligayahan. Huwag nang ipilit pa ang nakaraan. Sumulong at mag-move on ka na ngayon! Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-20-24-34-37-43.
SCORPIO (Oct. 23–Nov. 21) - Inihahanda na ng kapalaran mo ang buhay, kung saan ay may kapanatagan at kapayapaan ka. Hindi na uubra ang dalangin ng mga taong naiinggit sa iyo na nagsasabing ikaw ay mapapahamak. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-11-19-22-25-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22–Dec. 21) - Ikonsidera mo ngayon ang pagpapasaya sa sarili. Nabubuhay ang tao hindi lamang sa pakikisama sa kapwa at kaibigan. Kailangan din ang pansariling kaligayahan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-27-30-33-41.
CAPRICORN (Dec. 22–Jan. 19) - Sundin mo, kahit hindi mo gusto ang payo ng isang malapit mong kaibigan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-19-29-31-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20–Feb. 18) - Nagbubunga ng saya ang saya. Ang lungkot ay ganu’n din, lungkot din ang bunga at aanihin. Magsaya ka nang sa gayun ay mas lalo ka pang mabuhay sa saya. Ito ang sikreto ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-21-28-35-44.
PISCES (Feb. 19–Mar. 20) - Ito ang araw na sosorpresahin ka ng langit. Sa kabila ng iyong kalungkutan, magugulat ka dahil bigla na lamang matutupad ang iyong hiling. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-19-24-30-39-42.




