ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | June 2, 2026

Sa may kaarawan ngayong Hunyo 2, 2026 (Martes): Malambot ang iyong puso at kalooban, kaya sa lahat ng klase ng tao, ikaw ang isa sa pinakamasarap magmahal. Hindi ka madaling makalimutan ng mga taong naging bahagi ng iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit may bahagyang ulap sa kalangitan, hindi nito maaawat ang ningning ng mga bituin. Tulad ng buhay mo ngayon, pansamantala lamang ang madilim na yugto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-9-11-13-28-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sukatin mo ang kakayahan ng taong gustong maging bahagi ng buhay mo. Huwag ka agad maniwala sa mga salita. Pag-aralan mo rin ang kanyang mga kilos at maging ang kanyang nakaraan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-10-17-29-31-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Sakyan mo ang masasayang pangyayari sa buhay mo. Magugulat ka, dahil dadalhin ka nito sa isang lugar kung saan makakaharap mo nang mukhaan ang mismong inilaan sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-27-33-39-45.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi masama ang mangopya. Sa totoo lang, halos lahat ay nangongopya rin. Kopyahin mo ang ginawa ng mga nagtagumpay upang ikaw ay magtagumpay rin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-16-22-29-34-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumukupas ang lahat ng bagay sa mundo. Kukupas din ang iyong mga suwerte, ngunit ang masayang balita, magbabalik ang mga ito na mas matingkad at mas makulay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-10-15-17-21-27.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lungkot ang dala ng makulimlim na panahon. Ito rin ang panahon ng pagsusuri sa nakaraan. Kung may kailangang ayusin o itama, dapat itong tanggapin at hindi ikaila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-23-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Subukan mo muna ang sumusunod: kung saan ka masaya, roon ka. At kung hindi ka na masaya, bakit mo dadayain ang sarili mo? Alam mo na kung ano ang dapat mong gawin. Muli kang maghanap ng saya, at kasabay nito ay matatagpuan mo rin ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-6-13-20-28-31-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang sarili mo sa mga bagay na alam mong magdudulot lamang ng hirap sa iyo. Mas mabuting piliin mo ang landas na magbibigay sa iyo ng mas magaan at masayang buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-19-26-30-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang magpatangay sa gusto ng iba. Hawak mo ang sarili mong kapalaran, kaya bakit ka papayag na kontrolin ka nila? Kapag hindi ka na naiimpluwensiyahan ng iba, muling darating ang mga suwerte at magagandang kapalaran sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-18-21-28-33-37.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kaya ka nabibigo kung minsan ay dahil hindi ka desidido sa iyong mga nais. Ngayong alam mo na ang katotohanang ito, alam mo na rin kung ano ang dapat mong gawin. Maging desidido ka at buo ang loob sa anumang nais mong gawin upang ito ay matupad at magkatotoo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-12-24-32-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ingatan mong huwag kang masyadong mapalapit sa isang taong palagi mong nakakasama. Hindi dahil masama ang magiging epekto niya sa iyo, kundi dahil hindi mo siya masisisi kung sakaling mahalin ka niya nang todo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-14-25-29-35-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nakakahawa ang sigla at saya. Higit kailanman, sila ang kailangan mo sa iyong buhay. Kapag naging masaya at masigla ka, tuluy-tuloy na dadaloy sa iyong katauhan ang suwerte at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-13-17-27-36-45.

