- BULGAR
- 3 days ago
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 10, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 10, 2026 (Sabado): Lahat ng gusto mo ay mararanasan mo na. Ito mensahe ng araw ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang wala kang problema para isa-isa na rin itong mawala. Kung ano ang ikinikilos mo ngayon, iyon din ang magiging resulta ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-19-26-31-37-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pasasayahin ka ng langit. Makakatanggap ka ngayon ng mga biyaya na labis mong ikatutuwa. Kaya huwag mong kalimutan ang mga taong walang-wala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-12-23-28-30-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Iwasan mong masilaw sa sarili mong kinang. Habang nagsasaya ka, alalahanin mo na minsan ay nangailangan ka rin ng saklolo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-1-17-22-27-31-44.
CANCER (June 21-July 22) - Unawain mo ang mga sumasalungat sa mga kagustuhan mo. Aminin mo rin na may mga bagay na hindi maganda sa iyo. Sa ganitong paraan, tatakbo nang maayos ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-16-25-34-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lahat ng madidikit sa iyo ngayon ay susuwertehin dahil ikaw mismo ang pampasuwerte ng mga taong malalapit sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-15-23-30-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang gustuhin ang mga bagay na naitapon na. Mas maganda kung maghahanap ka ng mga bagay na ‘di pa pagmamay-ari ng iba. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-18-21-28-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hanapin mo ang daan ng pagkakaunawaan. Kahit pa masakit sa iyong kalooban, mas mabuti pa ring ibalik ang dati kesa maghanap ng bagong pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-20-25-34-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tanggapin mo ang inaalok sa iyo kahit hindi ito gusto. Sa ganitong paraan, gagalaw ang iyong kapalaran na sa ngayon ay natutulog at walang anumang pag-usad. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-16-24-28-32-43.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakabibigla ang mga pangyayari. Ang hindi mo inaasahang makatutulong sa iyo ay siya pa palang pagkukunan mo ng lakas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-7-17-22-30-36-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Papalakas nang papalakas ang iyong kapalaran. Mayayanig ang mga kontrabida sa buhay mo at tatanggapin na nila ngayon na wala silang magagawa sa mga suwerteng nakapila at nagkakagulo sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-10-15-25-34-45.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Umulan man o hindi, babaha ng magagandang kapalaran ang iyong buhay. Magpasalamat ka lagi sa Itaas. Ito ang obligasyon mo at ito ang dapat mong gawin upang patuloy na gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-14-20-22-33-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Iaangat ka ngayon ng iyong kapalaran dahil nakita ng langit na nalulungkot ka sa ibaba at madami ang umaalipusta sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-2-21-27-32-37-40.




