top of page
Search

ni Lolet Abania | October 17, 2021


ree

Maglalabas ng isang resolusyon ang mga alkalde sa National Capital Region (NCR) sa Lunes hinggil sa paglabas ng mga kabataan kasabay ng pagsasailalim sa mas pinaluwag na Alert Level 3 COVID-19 restrictions sa rehiyon hanggang sa katapusan ng buwan.


Sa isang interview kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos ngayong Linggo, ang mga bata na edad 17 at pababa ay papayagang lumabas ng bahay para mag-exercise, bumili ng essential goods at services, gayundin ang intrazonal at interzonal travel.


Samantala, ayon kay San Juan City Mayor Francis Zamora, “Patuloy pang inaayos ang mga panuntunan kaugnay sa paglabas o pagbiyahe ng mga bata sa ilalim ng Alert Level 3.” “Intrazonal and interzonal travel shall be allowed subject to reasonable restrictions based on age, comorbidities as may be determined by local government units,” dagdag ni Zamora, batay aniya sa IATF resolution.


Sinabi pa ni Zamora na hawak lamang ng mga LGUs ang intrazonal at interzonal travel ng mga menor-de-edad.


“Bukas ilalabas ang mga panuntunan sa paglabas ng mga bata... Ang IATF ang nagtatakda ng mga panuntunan at hindi ang mga alkalde,” dagdag pa ng mayor.


Una nang inanunsyo na ang NCR ay isasailalim sa Alert Level 3 hanggang katapusan ng Oktubre.


 
 

ni Lolet Abania | August 3, 2021


ree

Naglabas na ng bagong guidelines ang Department of Transportation (DOTr) na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan magpapatuloy at mananatili ang operasyon ng mga pampublikong transportasyon sa National Capital Region (NCR) sa kabila ng pagpapatupad muli ng enhanced community quarantine (ECQ) sa rehiyon.


Gayunman, ayon sa DOTr, papayagan lamang na pasakayin sa public transport ang mga authorized persons outside residence (APORs). “Restrictions will be applied on passengers. There will be stricter enforcement to ensure that only APORs are permitted to use public transport, as mandated by the IATF,” ani Transportation Secretary Arthur Tugade sa isang email statement ngayong Martes.


“APORs are reminded to be ready to present transport marshals identification cards issued by the IATF or other documents or IDs as proof that they are authorized to travel,” dagdag ni Tugade. Isinailalim ang Metro Manila sa general community quarantine (GCQ) “subject to heightened and additional restrictions” mula Hulyo 31 hanggang Agosto 5, 2021. Kasunod nito ang ECQ na pinakamahigpit na quarantine protocol mula Agosto 6 hanggang 20, 2021.


Narito ang mga guidelines para sa ipapatupad na ECQ sa public transport:

*Ang mga public utility vehicles (PUV) gaya ng mga bus at jeepneys ay papayagan na mag-operate ng 50% capacity lamang. Ipinagbabawal ang mga nakatayong pasahero habang isang pasahero lamang ang maaaring maupo sa hilera ng driver.

* Papayagang bumiyahe ang mga motorcycle taxi services at mga transport network vehicle services (TNVS).

* Hinikayat naman at papayagan din ang mga bisikleta at electric scooters na bumiyahe, habang ang mga tricycle ay papayagang magsakay ng isang pasahero lamang.

* Magpapatuloy ang operasyon ng Light Rail Transit Lines 1 at 2 (LRT1 at LRT2) at ng Metro Rail Transit Line 3 sa panahon ng ECQ, kasabay nito ang mahigpit na pagpapatupad ng mga transport marshals ng health protocols.

* Isasagawa ang temperature checks sa entrance ng mga istasyon ng tren habang ang mga pasaherong nakitaan ng sintomas ng COVID-19 ay hindi papayagan.

* Mananatiling operational ang mga domestic flights at sea travel sa NCR habang nakadepende ang quarantine restrictions sa destinasyong pupuntahan.


“We are more adamant now, as we reinforce the government initiatives and measures to prevent the spread of the highly-transmissible Dela variant,” sabi ni Tugade.

 
 

ni Lolet Abania | March 28, 2021



ree

Papayagang mag-operate ang mga public utility vehicles (PUVs) ng 50% kapasidad lamang habang nasa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila at karatig lalawigan na magsisimula bukas, Lunes.


Ito ang inanunsiyo ni Department of Transportation (DOTr) Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure Steve Pastor para sa mga PUVs, kabilang dito ang mga public utility bus, UV Express Service, public utility jeepneys, shuttle service, tricycle, taxis at transport network vehicle services (TNVS).


Ayon pa kay Pastor, ang mga PUVs ay dapat na sumunod sa one-seat apart na ipatutupad sa mga pasahero. "Hindi puwedeng lumagpas sa capacity ng sasakyan kahit may plastic barriers," ani Pastor. Babala naman ni Pastor, sakaling ang mga PUV drivers ay hindi sumunod sa one-seat apart na panuntunan o lalagpas sa itinakdang kapasidad, may kaukulang parusa para sa overloading.


Sinabi rin ni Pastor na papayagan din ang mga private motorcycles na makabiyahe subalit iyon lamang nasa listahan ng authorized personnel ang maaaring lumabas ng kanilang bahay.


"We will still allow back rides for private motorcycles [as long as the riders are] APORs," ani Pastor. Gayunman, ayon kay Pastor, kailangang ihanda ng mga PUV drivers ang kanilang quick response codes upang maipakita sa mga enforcers na meron silang special permit para mag-operate.


Binanggit din ni Pastor na magbibigay sila ng free rides para sa mga medical workers, kung saan mayroong 20 routes na ipatutupad habang nasa ilalim ng ECQ. Matatandaang ang libreng shuttle service na nagsimula noong March, 2020 ay nagserbisyo sa mahigit na 2 milyong healthcare frontliners.


Gayunman, ayon sa DOTr official, ang mga habal-habal drivers ay huhulihin kapag nag-operate sila ngayong ECQ.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page