top of page
Search

ni Lolet Abania | June 15, 2022


ree

Nagpositibo sa test sa COVID-19 si re-elected Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotoc, ayon sa kanyang ina na si Senator Imee Marcos.


“My son, the governor of Ilocos Norte, has fallen ill with COVID once again,” ani Imee sa isang interview ng mga reporters ngayong Miyerkules.


Sinabi ng senadora na na-diagnosed si Manotoc ng naturang respiratory disease nitong Lunes, habang nasa maayos na kondisyon naman ang gobernador.


Kaugnay nito, kahit na may bahagyang pagtaas ng mga bagong nai-report na kaso ng COVID-19, ayon kay Sen. Marcos hindi dapat magpatupad ng bagong mga lockdowns, sa halip ipaalala sa publiko ang mahigpit na pagsunod sa minimum public health standards.


“No more lockdowns. Utang na loob. Ingat-ingat na lamang,” giit ng senadora. Gayundin, apela niya sa mga senior citizens na i-avail na ang mga booster shots na ibinibigay ng gobyerno upang maiwasan ang pagkalat pa ng coronavirus.



 
 

ni Thea Janica Teh | September 1, 2020


ree

Pinasok ng isang lalaki sa kanyang opisina sa Mamburao si Occidental Mindoro Governor Eduardo Gadiano ngayong Martes at inambahan ng saksak.


Ayon kay Gov. Gadiano, may kausap siya sa kanyang opisina nang biglang pumasok ang lalaki at umakmang sasaksakin siya. Mabilis na nakailag ang gobernador kaya nakaligtas sa tangkang pagpatay ng suspek na nakorner sa CR ng kapitolyo.


Nadakip na ng Mamburao Police ang 'di pa pinapangalanang suspek na armado ng tatlong kutsilyo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page