top of page
Search

ni Mylene Alfonso @News | August 5, 2023



ree

Muling bumagal ang inflation rate o ang antas ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at serbisyo nitong Hulyo 2023.


Ayon kay National Statistician at Civil Registrar General Philippine Statistics Authority Undersecretary Claire Dennis Mapa, naitala sa 4.7% ang inflation rate nitong Hulyo na mas mababa sa naitalang 5.4% noong Hunyo 2023 at 6.4% noong Hulyo 2022.


Ang average inflation naman mula Enero hanggang Hulyo ay nasa antas na 6.8%.


Kabilang sa mga nag-ambag sa pagbagal ng inlfation ay ang mababang singil sa kuryente, renta sa bahay, mababang presyo ng LPG, gayundin ang pagkain gaya ng manok, tilapia at puting asukal.


Sa transportasyon naman, isa sa nagpabagal sa inflation ay ang mababang pasahe sa jeepney, pamasahe sa eroplano at pamahase sa bus.


Samantala, pagdating sa overall inflation nitong Hunyo, ang pangunahing nag-ambag ay ang food and non-alcoholic beverages kabilang ang pagbaba ng presyo ng bigas, sibuyas at itlog.



 
 

ni Mylene Alfonso | February 9, 2023



ree

Inanunsyo ng National Economic and Development Authority (NEDA) na patuloy na nagtatala ang Philippine Labor Market ng positibong kita para sa mas maraming Pilipino na makakamit ang de-kalidad na trabaho sa gitna ng pagbubukas ng ekonomiya.

Kahapon nang iulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na bumaba sa 4.3 percent ang unemployment noong Disyembre 2022, mula sa 6.6 percent sa parehong panahon noong nakaraang taon. Isinasalin ito sa 1.1 milyon, na mas kaunti kumpara noong Disyembre 2021.

Sa muling pagbubukas ng ekonomiya, 1.7 milyon pang Pinoy ang lumahok sa labor force, kung saan tumaas sa 66.4% ang participants mula sa 65.1% noong nakaraang taon.

“The government remains committed to providing more, better and green job opportunities to Filipinos and sustaining a vibrant labor market through the strategies articulated in the Philippine Development Plan 2023-2028,” pahayag ni NEDA Secretary Arsenio M. Balisacan.

Samantala, ang underemployment noong Disyembre 2022 ay bumaba sa 12.6% mula sa 14.7% sa parehong panahon noong 2021, katumbas ng 614,000 na mas kaunti ang kakulangan sa trabaho.

Ang parehong nakikita at hindi nakikitang mga rate ng underemployment ay bumagsak sa 8.1 mula sa 9.8%, at 4.5% mula sa 4.9%, ayon sa pagkakabanggit sa huling buwan ng 2022.


 
 

ni Lolet Abania | June 17, 2022



Napili sina dating Senate president at beteranong mambabatas na si Juan Ponce Enrile, at outgoing Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra na maging bahagi ng gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.


Sa isang statement ngayong Biyernes, sinabi ni Press Secretary-designate Trixie Cruz-Angeles na si retired General Jose Faustino Jr. ay naidagdag din sa listahan ng mga opisyal ng Marcos’ Cabinet.


Ayon kay Angeles, si Enrile ang magiging Presidential Legal Counsel, si Guevarra bilang Solicitor General, at si Faustino ang siyang senior undersecretary at officer-in-charge, at sa kalaunan ay kalihim ng Department of National Defense (DND).


Sa Hunyo 30, nakatakdang maupong pangulo ng bansa si P-BBM. Sinabi ni Angeles na ang bagong nominasyon ang highlight ng commitment ni P-BBM hinggil sa aniya, “to encouraging economic development and inclusive growth.”


Si Marcos, anak ng yumaong dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ay nangakong ipaprayoridad ang agrikultura, healthcare, edukasyon, infrastructure development, digital infra, job creation, at ang utilization ng renewable energy.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page