top of page
Search

ni A. Servinio/GA/ Clyde Mariano @Sports | March 16, 2023




Nakamit ng numero unong Milwaukee Bucks ang karangalan na pinakaunang koponan na pasok na sa 2023 NBA Playoffs matapos ang 116-104 tagumpay sa Phoenix Suns kahapon sa Footprint Center. Ito ang ika-50 panalo ng Bucks at hindi na sila mahahabol ng ika-pitong Miami Heat na may 37 panalo at 12 laro pa ang nalalabi sa kalendaryo.


Nagkita ang Milwaukee at Phoenix para sa 2021 NBA Finals at pinaalala ng Bucks bakit sila ang nagwagi sa serye at napigil ang huling hirit ng Suns. Mula sa 97-97 ay bumanat ng walong sunod-sunod na puntos ang Bucks para sa 105-97 papasok sa huling limang minuto at sapat na ito para makuha ang tiket sa playoffs.


Ipinasok ni Giannis Antetokounmpo ang walo ng kanyang 36 puntos sa fourth quarter at may kasamang 11 rebound. Sinuportahan siya ni Brook Lopez na may 21 puntos at 11 rebound.


Samantala, madaling winalis ng University of Santo Tomas Golden Tigresses ang Ateneo Blue Eagles upang makuha ang kanilang ika-apat na panalo sa bisa ng straight set 25-19, 25-23, 25-14, habang nalampasan ng Far Eastern University Lady Tamaraws ang wala pang panalong University of the East Lady Warriors sa five-setter panalo sa 25-19, 18-25, 25-12, 22-25, 15-5, kahapon sa University Athletic Association of the Philippines season 85 women's volleyball tournament sa Filoil EcoOil Centre sa San Juan.


Naging mahusay sa pagkamada ng puntos para sa Golden Tigresses si rookie Regina Jurado sa kabuuang 15 puntos mula sa 12-of-23 atake at tatlong service aces, habang nag-ambag si Eya Laure ng 10pts, 12 digs at anim excellent receptions.



Sa PBA, tulad sa inaasahan dahil malakas at mahaba ang championship experienced at maraming beses nag-champion, sinibak ng league-leading Talk ‘N Text ang North Port, 134-110, at tuluyang binaon ang ambsiyon ng Batang Pier na makaharap ang Phoenix sa playoff sa pangwalo at huling quarterfinal seat sa penultimate stage ng elimination sa Governors Cup sa Philsports Arena sa Pasig.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | March 9, 2023




Nakabangon mula sa pagkakabaon sa 0-2 sets ang Colegio de San Juan de Letran Lady Knights para itulak ang come-from-behind victory kontra Jose Rizal University Lady Bombers sa bisa ng 14-25, 16-25, 25-20, 25-17, 17-15, habang patuloy na binokya ng panalo ng Arellano University Lady Chiefs ang San Sebastian Lady Stags sa fourth set panalo sa 27-25, 18-25, 25-17, 25-15 kahapon sa 98th NCAA Women’s volleyball tournament sa San Andres Sports Complex sa Malate, Manila.


Napagwagian ng Lady Knights ang kanilang ikatlong sunod na panalo upang makuha ang 4-1 kartada para makasosyo sa University of Perpetual Help Sytem Dalta Lady Altas, habang patuloy na binokya ng panalo ang Lady Bombers na lumagapak sa 0-6 kartada.


Nasaklolohan ni Juls Castro ang atake ng Lady Knights higit na sa fourth at fifth set, katulong sina LJ Isar at Cha Cunada upang ibangon muli ang koponan.


Tumapos si Castro ng 16pts mula sa bench, habang bumira sina Judiel Nitura at Cunada ng 15 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod. I’m lucky na nung binunot namin siya, nag-respond naman siya. Actually, matagal na niyang gustong maglaro,” wika ni Letran coach Mike Inoferio. “Actually meron siyang nararamdaman sa tuhod and ayaw naman namin siyang pwersahin.”

 
 

ni Clyde Mariano / Gerard Arce @Sports | March 4, 2023




Tinalo ng Meralco Bolts ang Converge Fiberxers sa overtime, 132-129, at lumapit sa top four at twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum.


Hindi sana umabot ang laro sa overtime kung nai-shoot ni Converge import Jamaal Franklin bago tumunog ang buzzer at naipilit ng Bolts ang extra five minutes at naungusan ng Bolts ang Fiberxers sa ekstrang 5 minuto at nabalewala ang kanyang game high 57 points at 13 rebounds.


Kailangang ipanalo ng Meralco ang huli nilang laro laban sa Phoenix sa Linggo sa Philsports Arena at kunin ang twice-to-beat bonus at palakasin ang ambisyon ni coach Norman Black na masungkit ang unang PBA title bilang coach matapos dalhin sa panalo ang Talk ‘N Text sa Philippine Cup noong 2013.


“It’s a hard earned victory. Converge pushed us on the verge of defeat. The boys stubbornly refused to go down down the stretch. It was a collective efforts and Alein gave us the win,” sabi ni coach Black.


Gumanap na bayani si Maliksi sa pang-anim na panalo ng Meralco sa sampung laro umiskor ng tres sa pasa ni KJ McDaniel 130-170 at nilapatan ni Antonio Jose Caram ng final score nang dalawang technical foul.


Tumawag si coach Alden Ayo ng timeout matapos mag sumablay ang unang free throw ni Jeron Alvin Teng sa hangad muling ipilit ang pangalawang overtime. Subalit sumablay ang shot ni Franklin at naitakas ng Meralco ang panalo.


Muntik nang magkagulo nang sugurin ni Maliksi si Barkley Ebona sa bench ng Converge at sa maagap nang tatlong referees napigilan ang free-for-all.


Kinuha ng league-leading Talk ‘N Text (8-2), San Miguel Beer (7-2) at defending champion Barangay Ginebra ang dalawang twice-to-beat quarterfinal advantage.


Samantala, bumida sina Jennifer Omapas at Jaja Villena para iangat ang Emilio Aguinaldo College sa panalo kontra San Beda University, 25-23, 24-26, 25-19, 18-25, 15-12 at magpakabog pa sa NCAA Season 98 women's volleyball tournament kahapon.


Sa pangunguna ng mag-tandem, nasungkit ng EAC ang unang panalo para 1-3 kartada habang nananatili pa ring walang panalo ang San Beda.


Pinaabot pa ni third year open spiker Omapas ang laro sa fifth set at doon na bumanat ng strong kill at ibigay sa Lady Generals ang gabuhok na pangunguna 8-7 bago sinundan ni Villena ng 5-0 run sa sumunod na eksena.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page