top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | April 12, 2023



Namumurong makuha ng defending champions De La Salle-College of Saint Benilde Lady Blazers na buong buhos na inihataw ni Jhasmin Gayle Pascual upang madaling tapusin ang first-time finalists na Lyceum Lady Pirates sa bisa ng straight set 25-17, 25-19, 25-19 sa Game 1 ng best-of-three championship round ng 98th NCAA women’s volleyball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre, San Juan City.


Naging mainit ang mga atake at execution ng Lady Blazers sa tatlong sets habang napanatili nito ang composure sa second set, kung saan kinailangan nilang maghabol matapos makauna ng kalamangan ang Lady Pirates.


Humataw ng game-high 15 puntos mula sa 12 atake at 3 blocks ang last season Finals MVP na si Pascual, na tanging nagtapos sa doble pigura, upang makabuwenamano ng panalo sa serye at lumapit sa back-to-back title kahit na wala ang 97th season MVP na si Mycah Go na nagpapagaling sa knee injury.


Na-maintain lang namin yung aming composure sa laro and we remain calm and relax, basta sunod lang sa instructions at game plan ng coaches,” pahayag ni Pascual, kung saan nanatili ang buong koponan sa eskwelahan kahit na Holy Week break upang magsanay, habang sinabayan na rin ng kaunting pahinga. “Nakapagpahinga naman kami, pero trabaho na ulit, and we try to scout yung LPU kung ano yung weaknesses nila at saan sila papalo.”


Nag-execute naman sila at kung anong napag-usapan namin kagabi nagawa nila. Bumalik pa nga ako nu'ng gabi para sa extra reminders at corrections,” wika ni CSB head coach Jerry Yee.


Samantala, lumapit din sa three-peat ang Altas sa pangunguna ni Louie Ramirez para walisin sa straight set ang SBU Red Spikers sa 25-20, 25-16, 25-22 sa sariling Finals series.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 10, 2023




May tamang panahon pang nalalabi para sa Philippine national Bokator upang mas mapaghandaan pang maigi ang preparasyon sa darating na 32nd Southeast Asian Games kasunod ng matagumpay na partisipasyon sa nagdaang first Kun Bokator Championship 2023 sa Phnom Penh, Cambodia noong isang linggo.


Ito ang inilahad ni Pilipinas Sambo Federation Inc. President at SEA Games Deputy Chef-de-mission Paolo Tancontian na unang pagkakataon na sumabak ang national squad sa bagong combat sport event na ilalatag ng host country sa darating na Cambodian meet simula Mayo 5-17 sa capital city.


Nag-uwi ng anim na medalya ang lahat ng atletang ipinadala sa traditional martial arts sport ng Cambodia na unang beses na lalaruin sa biennial meet kabilang ang dalawang gintong medalya na ibinulsa nina Alyssa Kylie Mallari at Rhichien Yosorez sa magkahiwalay na event.


Naibulsa ni International Federation of Muaythai Association (IFMA) Youth World Championships double gold medalists Mallari ang titulo sa Bokator Spirit Performance, habang nadale ni Yosorez ang kampeonato sa Gold Barehand performance.


Silver medal naman si Johnden Aldana Jr. sa men’s 55kg combat at ang tatlong bronze medals mula kina Vietnam SEA Games champion Islay Erika Bomogao sa women’s combat 45kg, Jeilord Alvarez sa male combat 60kg at Orlando Castillo Jr. sa male combat 65kg.


May time at panahon pa tayo para makapaghanda at makapag-ensayo. Tingin ko malaki ang pag-asa ng bansa na magwagi ng medals sa Cambodia,” pahayag ni Tancontian na kasama niya bilang opisyales si Muay Association of the Philippines (MAP) secretary-general Pearl Managuelod at head coach Ace Larida sa kompetisyon. “Napakagaling ng performance nila, at sa tingin ko eh mas may igagaling pa ang mga ito.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | April 5, 2023



Mas determinado pang maipakita at mapagtulungan ni Myla “Bagyong” Pablo at bagong koponan na F2 Logistics Cargo Movers ang susunod na kabanata ng kanilang kampanya sa susunod na komperensya matapos maibulsa ang kauna-unahang podium finish sa Premier Volleyball League (PVL) sa All-Filipino Conference 2023 nitong nagdaang Marso.


Inilahad ni Pablo sa kanyang social media post ang saloobin sa pinagdaanang pagsubok at tagumpay sa pangangapa sa bagong koponan matapos lisanin ang runner-up na Petro Gazz Angels bago ang pagsisimula ng komperensiya kasunod ng nakuhang kampeonato noong 2022 Reinforced Conference.


This is my 1st conference with my new team, F2 Logistics Cargo Movers, and it has never been easy for me or the team since we need to connect and work together immediately to offer our best effort each game,” bulalas ng 29-anyos na outside hitter na unti-unting ginagamay ang posisyon sa koponan na binubuo ng halos matagal ng magkakasama sapol pa noong collegiate league, kung kaya’t sari-saring kuwestiyon at katanungan kung anong mararating nito sa panibagong season. “Many questioned our lineup, we even faced a lot of hate along the way, but that didn't stop us from believing that we could compete for a podium finish or even the title, it only strengthened our team.”


Gayunpaman, hindi nagpaawat ang beteranong koponan na makatapos ng third finish kahit na pansamantala itong nawala dahil sa injury, na tulung-tulong na binuhat nina kapitana Aby Marano, Kim Kianna Dy, Kim Fajardo, Ara Galang, Dawn Macandili, Majoy Baron at Cha Cruz-Behag, na matagal nagkasama sa DLSU Lady Spikers, gayundin sina Ivy Lacsina, Elaine Kasilag, Shiola Alvarez, Chinnie Arroyo at Iris Tolenada.


What motivates us to win every game is the unwavering love and support of our fans, family, and the entire F2 Cargo Movers family. We promise to come back stronger!” pahayag ni Pablo na sinundan ng pagpabor nina Dy at Marano.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page