top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | March 12, 2023




Hindi na naisalba ang buhay ni Filipino bantamweight champ Kenneth Egano matapos itong ma-comatose makaraan ang boxing match nitong weekend sa Cavite.


Naideklara pang kampeon ang Saranggani native sa eight-round match kontra Jason Facularin, pero nag-collapsed na ito habang hinihintay ang resulta.


Ang laban ay inere ng Manny Pacquiao's Blow-by-Blow. Sinagot lahat ng MP promotions at ng Games and Amusement Board (GAB) ang gastusin sa Imus Doctors Hospital. “There is nothing more precious than human life,” wika ni Pacquiao matapos malaman ang kalagayan ni Engano.


Mayroong impresibong rekord ang 23-anyos na Davao-City born boxer na 6-1 kartada kasama ang tatlong panalo mula sa knockouts, habang nag-debut ito nung Pebrero sa Blow-by-blow sa Lagao Gym, General Santos City ng pataubin si Jegear Bereno sa second round knockout.


Pinaplano pa sanang magkaroon ng rematch sa dalawang boksingero sa Hulyo, subalit naganap ang hindi inaasahang pangyayari na inilarawan ni Pacquiao na isang delikadong isport. “Boxing is truly a dangerous sport and the boxers deserve nothing but respect as they put their lives on the line. Other sports you play, but you don’t play boxing,” saad ni Pacquiao.


Very unfortunate. Kaya po talaga seryoso ang boksing. Buhay po talaga ang tinataya ng mga boksingero natin. Kaya po talagang we will never compromise the health and safety ng mga boksingero natin, habang nagpapatunay at nagpapaalala sa atin na ang laban po ng mga boksingero literal po na laban ng buhay. Laban po ng kinabukasan ng pamilya nila,” paliwanag ni GAB chairman Richard Clarin na idinagdag na patuloy na babantayan ang mga isinasagawang mismatches at iligal na kalakaran sa pampalakasan, gayundin ang pagdadagdag ng medical check-up bago at matapos ang laban ng isang boksingero.

 
 

ni Clyde Mariano / Gerard Arce @Sports | March 11, 2023




Humataw ng husto sa finals si Joseph Arcilla upang siguraduhin ang kauna-unahang gintong medalya ng bansa para sa men’s singles ng Soft tennis event sa 32nd Southeast Asian Games championships kahapon ng hapon sa Olympic Complex, Soft Tennis Sports Center sa Phnom Penh, Cambodia.


Ito na rin ang ika-26 na gintong medalya ng bansa ang kauna-unahan kahapon nang talunin si Muhammad Hemat Bhakti Anugerah ng Indonesia sa iskor na 4-1, upang makuha ang 2nd medal sa biennial meet matapos ang 2019 SEAG kasama ang men's team event.


Samantala, makaraan ang mga silver at bronze medal finishes sa nagdaang SEAG, nakuha na ni Janry Ubas ang mailap na gold medal sa Men's Long Jump event sa ika-limang pagsabak.

Nagawang malundag ni Ubas ang 7.85m sa final round para kunin ang ginto at tapusin ang 8-year drought ng Pilipinas sa Men's Long Jump. Naka-silver finish din si Ubas sa men's decathlon final.



Nagtala naman ng ika-24 na gold medal para sa Pilipinas si Teia Salvino kung saan nawasak niya pareho ang PHL at SEAG records sa 100m backstroke ng swimming.


Sumunod na naka-gintong medalya para sa ika-25 ginto ang Women's Soft Tennis Team nina Noelle Zoleta, Noelle Mañalac, Christy Sañosa, Princess Catindig, Virvienica Bejosano at Fatima Amirul.


Para sa 21st gold ng bansa, nakapagtala ng golden performance si Juancho Miguel Besana sa Men’s Vault Final sa final score na 14.425. Bukod sa dalawang gold medal sa parallel bars at vault, naka-silver finish si Tokyo Olympian Carlos Edriel Yulo sa men's ring final at sa team artistic ng gymnastics event.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | May 11, 2023



Nakuntento sa tatlong pilak na medalya si Pinay weightlifter Vanessa Sarno sa women’s under-71kgs category matapos lumista ng pambihirang World record ang Chinese lifter na si Liao Guifang, Martes ng hapon sa 2023 Asian Weightlifting Championships sa Jinju Arena sa Jinju, South Korea.


Bumuhat ang 19-anyos na tubong Bohol ng kabuuang 239 kilograms mula sa 107kgs sa snatch at 132kgs sa clean and jerk, habang gumawa ng nakakalulang 120kgs sa snatch at kabuuang 268kgs kasama ang 148 sa clean and jerk, para sa bagong World record na inilista ni Loredana Toma ng Romania sa 119kgs sa snatch at Zhang Wengli ng China sa 267kgs, habang hawak din ni Wengli ang rekord sa clean and jerk sa 152kgs noong Nob. 6, 2018 sa Ashgabat World Championships.


Nakuha ni 2020 Tokyo Olympics bronze medalist Chen Wen-Huei ng Chinese Taipei ang dalawang bronze medals sa 131 sa clean and jerk at 232kgs sa total lift, habang nakuha ni 2021 Southeast Asian Games -under64kgs champion Pham Thi Hong Thanh ng Vietnam ang bronze medal sa snatch sa 103kgs.


Nabigong mapantayan ni Sarno ang dalawang gintong medalya sa 2020 edisyon sa Tashkent, Uzbekistan, kung saan bumuhat ito ng 128kgs sa clean and jerk at 229 total lift para sa unahang puwesto, subalit nahigitan nito ang 101kgs na nakuha sa snatch noong Abril 16-25, 2021.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page