top of page
Search

ni Gerard Arce @Sports | July 21, 2023




Mga laro bukas (Sabado)

(Philsports Arena)


Classification match

9:00 n.u. – Chery Tiggo vs Choco Mucho

Semifinals

11:30 n.u. – F2 Logistics vs PLDT

4:00 n.h – Creamline vs Cignal

6:30 n.g. – Kinh Bac Bac Ninh vs Kurashiki Ablaze


Tinapos ng Petro Gazz Angels ang kampanya sa Invitational Conference sa 9th place nang takasan ang delikadong Akari Chargers, 25-19, 25-18, 20-25, 20-25, 15-7 sa 5th set kahapon sa Premier Volleyball League (PVL) classification match sa Philsports Arena sa Pasig City.


Kinapos pa-semis ang All-Filipino Cup runner-up sa komperensiya, subalit nanatiling mataas ang tingin sa huling bahagi ng season matapos patalsikin ng Choco Mucho sa huling laro ng prelims.


Naglatag ng 7 puntos at isang block kabilang ang 14 excellent sets ang 28-anyos na veteran setter na si Djanel Welch Cheng at si leading scorer Gretchel Soltones sa triple-double na 19 pts, 14 excellent receptions at 11 excellent digs. Nag-ambag si Jonah Sabete ng 15pts, Aiza Pontillas 10pts at Marian Buitre 10pts. “It’s a short of tournament, kaya test of character ito sa amin. We gave the fans what they expected, walang easy win, level up ang competition sa PVL, so everyone should step up, kase 'di na biro ang labanan, kaya we expect na mas tataas pa ang level next conference. So we need to expect more sa sarili namin kahit kulang kami,” paliwanag ni Angels coach Oliver Almadro.


Tatapusin ng Akari ang komperensya sa 10th place na nakakuha ng isang panalo sa elimination kontra Gerflor na pinagbidahan ni Christine Soyud sa 19pts, gayundin si Faith Nisperos sa 11 pts habang may 8 puntos lang si Dindin Santiago-Manabat.


Lumapag sa 11th place ang Foton Tornadoes matapos tapusin sa 12th place ang Gerflor sa iskor sa 26-24, 13-25, 25-21, 26-24 habang napunta sa last place 13th spot ang Farm Fresh Foxies.

 
 

ni Gerard Arce @Sports | July 20, 2023




Laro Ngayon semis


4:00 n.h. – PLDT vs Cignal

6:30 n.g. – F2 Logistics vs Creamline


Maagang magpapasikatan para sa unang panalo sa semifinal match ang mahigpit na magkatunggali at top-teams ng kanilang group na F2 Logistics Cargo Movers at defending champions Creamline Cool Smashers, habang magkakaalaman ng malinaw na koneksyon sa pagitan ng PLDT High Speed Hitters at Cignal HD Spikers sa pagsisimula ng single-round robin ng 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference ngayong araw sa Philsports Arena sa Pasig City.


Matatandaang naging matindi ang pagtatapat ng Cargo Movers at Cool Smashers sa All-Filipino best-of-three semifinals sa unang komperensya na umabot sa winner-take-all match at kinalauna’y pinagtagumpayan ng Cool Smashers, habang tumapos sa 3rd place ang F2 Logistics.


Maghaharap ang dalawang premyadong koponan sa pinakatampok na laro ng 6:30 p.m., pagkatapos ng pagtatapat ng High Speed Hitters at HD Spikers sa 4 p.m.


samantalang gaganapin sa umaga ang classification match sa pagitan ng Quezon City Gerflor Defenders at Foton Tornadoes sa unang laro ng 9 a.m. na susundan ng last season runner-up na Petro Gazz Angels at Akari Chargers ng 11:30 a.m.


Parehong nagpalakas ang koponan sa off-season nang magdagdag ng tatlong manlalaro ang Cargo Movers mula kina Jolina Dela Cruz at Mars Alba galing ng De La Salle at Jovelyn Fernandez mula FEU Lady Tamaraws, habang nakuha ng Creamline si Bernadeth Pons mula sa beach volley national team.


Gayunpaman nakatakda pa ring sandalan ng bawat koponan ang kani-kanilang star players mula sa Cargo Movers kina Mayla Pablo, Kim Kianna Dy, Majoy Baron, Aby Marano, Elaine Kasilag, Dawn Macandili, Kim Fajardo at Ivy Lacsina, habang powerhouse na maituturing ang Creamline sa pangunguna ni kapitana Alyssa Valdez kasama sina three-time conference MVP Diana Mae “Tots” Carlos, Jema Galanza, Michelle Gumabao, Ced Domingo, Kyla Atienza, Jeanette Panaga, Risa Sato at ace playmaker Julia Morado-De Guzman.


 
 

ni Gerard Arce @Sports | July 16, 2023




Giniba ng Magnolia Hotshots Timplados ang Rain or Shine E-Painters kagabi, 103-88 sa PBA on Tour na idinaos sa Dumaguete City.


Pinagbidahan ni Jio Jalalon ang kampanya ng Timplados. Samantala, kinumpleto ng Pilipinas ang isang sensational run upang masungkit ang unang gintong medal sa women's 400-meter hurdles event sa 2023 Asian Athletics Championship sa Bangkok, Thailand kagabi.


Samantala, mas pinalakas ng PLDT High Speed Hitters ng kanilang pakikipaglaban para sa semis nang gibain ang Quezon City Gerflor Defenders sa bisa ng 25-18, 25-17, 26-24, habang nailista ng Foton Tornadoes ang pambihirang come-from-behind panalo laban sa Farm Fresh Foxies sa 18-25, 23-25, 31-29, 25-20, 18-16 para sa unang panalo kahapon sa unang dalawang laro sa 2023 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.


Naging mahusay ang depensang ipinakita ni floor defender Kath Arado nang maglista ng double-double pigura sa 20 excellent digs at 11 excellent receptions upang tumabla sa 2-1 kartada kasama ang Chery Tiggo Crossovers na makakaharap sa huling araw ng eliminasyon sa Martes para sa isa sa dalawang puwesto patungong semis.


Nanguna sa puntusan sina Fiola Ceballos sa 13 puntos na galing lahat sa atake, kasama ang tig-9 na digs at receptions na sinegundahan ni middle blocker Dell Palomata sa 12pts mula sa 9 na atake, 2 blocks at isang ace, gayundin ang lahat ng 11 puntos galing kay Michelle Morente at Honey Royce Tubino sa 10pts. Namahagi ng 16 excellent sets si Rhea Dimaculangan kasama ang 2 puntos, habang may tatlo lang ang kababalik lang na si Mika Reyes.


Tuwang-tuwa kami kasi hindi naman kami napanghinaan ng loob kahit ‘yung nangyari noong last game. Motivated pa rin ‘yung mga players, lalo na ako, after noong nangyaring injury kay ate Jovy Prado,” pahayag ni Arado, patungkol sa injury na nakuha ni Prado sa huling laban kontra Creamline Cool Smashers. “Grabe kasi ‘yung motivation ni ate [Jovy] kahit nasa labas siya. Gina-guide niya pa rin ako, gina-guide niya ‘yung bawat isa kaya parang hindi siya nawawala sa loob ng court.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page