top of page
IG alfredvargasofficial.jpg
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 19, 2026



FRANKLY - ANDREA, UMAMING IBINIGAY ANG LAHAT-LAHAT KAY RICCI AT WALANG PAGSISISI-IG _blythe & _ricciirivero

Photo: IG _blythe & _ricciirivero


Tatlong taon na simula nang mag-break sina Andrea Brillantes at Ricci Rivero at since then ay wala na raw silang communication, ayon sa aktres.


“Wala pong contact at all,” sey ni Blythe (real name ni Andrea) sa panayam sa kanya sa vlog ni Karen Davila.


Sundot na tanong sa kanya, “And you’re happy with that?”

Mabilis na sagot ni Andrea, “Of course!” sabay tawa.


“I think he is happy too. I mean, I don’t think kailangan mong mag-keep ng contact sa mga... like you need to keep in contact with some exes,” dagdag niya.


Sa tanong kung paano siya naka-get over sa kanyang past relationship, sey ng aktres, “Madali kasi akong tumanggap po, eh. Bilang isang tao, madali akong tumanggap at mag-let go.”


Paliwanag niya, “Because before I leave relationships or sa work o kahit na ano, bago ko i-let go, ibinibigay ko kasi lahat, ang lahat-lahat ko at ‘pag ‘di talaga kaya, alam kong hindi na kaya at wala akong regrets kasi alam kong naibigay ko na ang lahat ko at wala akong pagkukulang.”


Sey pa niya, “Eh, di mag-focus na lang ako sa work ko. There’s more to life than just boys and relationships. Kaya ako mas naka-move on.”


Sa ngayon ay may bago nang nagpapasaya kay Andrea Brillantes, ang kanyang non-showbiz boyfriend na si Franchesko Juan V. Capistrano o kilala bilang Pankie.





Habang natutulog sa US…

MADIR NI CAROL BANAWA, PUMANAW NA



NAGLULUKSA ngayon ang dating aktres-singer na si Carol Banawa dahil sa pagpanaw ng kanyang ina.


Inanunsiyo niya ang malungkot na balita sa kanyang Instagram (IG) account last Sunday.


Ayon kay Carol na based sa US, payapang pumanaw ang kanyang ina sa pagtulog nito.


“Last night, our beloved Mama passed away peacefully in her sleep, surrounded by the people who loved her most. Our hearts are broken, and we already miss her more than words can ever express,” simula niya.


Inalala rin niya ang mga mabubuting katangian ng kanyang nanay.

“We will miss the way she could light up a room simply with her presence. We will miss her laughter, her stories, her warmth, and the love she gave so freely to everyone around her. She had one of the kindest hearts — humble, generous, selfless, and always thinking of others before herself. No matter what she went through, her trust and faith in God never wavered. She carried herself with so much grace, strength, and love, and she touched so many lives because of it,” aniya.


“Mama loved deeply and wholeheartedly, and anyone who knew her was blessed by her kindness and care,” patuloy niya.


Pamamaalam ni Carol sa ina, “But now, Mama, you finally get to rest. Now, you get to be with Papa and Kuya again — the two people you loved and missed so dearly.


While we grieve deeply here on earth, we also find peace and joy knowing that you are now with our Lord Jesus Christ, whom you loved with all your heart.”


Mensahe pa niya, “Do not worry about us, Mama. We will be okay. You raised us with so much love, strength, faith, and resilience, and we will continue to do our best to make you proud every single day.


“So this is not goodbye. Until we all see each other again.

“Please give Papa and Kuya the biggest hug from all of us. We love you so much,

Mama. Forever and always.”


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 18, 2026



FRANKLY - RICO, ‘DI MAKAPANIWALANG MAGBIBIDA SA PELIKULA-FB Rico Blanco

Photo: FB Rico Blanco



Hindi makapaniwala si Rico Blanco na darating ang pagkakataon na magiging leading man din siya at magbibida sa isang pelikula.


Ang singer-actor ang leading man ni Sue Ramirez sa latest Regal Entertainment offering na Project Baby na ipapalabas ngayong June 10.


Ayon kay Rico sa ginanap na grand mediacon para sa nasabing romantic-comedy film last Saturday, kinabahan talaga siya sa pelikulang ito.


“Sinasabi ko kay Sue, kinakabahan ako rito,” sey niya. 


Aniya, “Mas kabado pa ako rito ‘pag may major concert o malaking music event.”

Paliwanag niya, “Kasi po, as you all know, bihira ko pong gawin ‘to and I feel... minsan, ‘di ko alam kung totoo ba ‘yung nangyayari. That, you know, at this point in my life, ngayon pa ako magkakaroon ng lead role in a Regal movie.”


Dagdag pa niya, “This morning, ginaganu’n (kinukurot) ko po ‘yung sarili ko because I can’t believe all of this is happening.”


Overwhelming din para kay Rico na umabot na sa mahigit 6.5 million ang views ng trailer ng movie at puring-puri ng mga tao ang chemistry nila ni Sue.


“So, when you said millions of views ‘yung trailer, it’s still... it’s just unbelievable to me,” nakangiting wika ng dating bokalista ng Rivermaya.


“I’ve done so many things in my career that I’m so grateful for. Nalagpas-lagpasan na po lahat ng dreams ko. Ito po, I’ll be honest, ‘di ko po ito dinream at all. Tapos, nangyayari sa akin. So I’m just filled with so much gratitude,” pahayag pa ni Rico.


Ayon naman kay Eric Quizon na siyang direktor ng movie, ang producer na si Keith Monteverde ang talagang nakaisip na kunin si Rico bilang leading man ni Sue.


“Actually, si Keith ang nag-suggest. Nu’ng sinabi namin, it’s odd, it seems like an odd couple, pero puwede. So, that’s how we came about it,” kuwento ng direktor.


Ang kuwento ng Project Baby ay tungkol sa isang babaeng nasa treintahin na at gusto nang magkaroon ng anak dahil feeling niya ay nawawalan na siya ng oras para magkaroon pa ng baby.


Kakaiba ang kuwento ng movie at talaga namang sa trailer pa lang ay maaaliw ka na sa mga eksena nina Sue at Rico.


Mula sa panulat ni Jose Javier Reyes, showing na sa June 10 ang Project Baby at kasama rin dito sina Alice Dixson, Matt Lozano, Charut, Arra San Agustin, Yasser Marta, Kimson Tan, Jassil Sarinas at Alex Calleja.





HATID ng ABS-CBN ang walang prenong chikahan at opinyon ng mga celebrities tungkol sa maiinit at napapanahong isyu sa bagong online podcast na Hot Takes.

Tampok sa digital show ang mas malalim na pananaw ng mga celebrities sa totoo nilang karanasan sa industriya ng showbiz. 


Napapanood ito sa ABS-CBN Entertainment YouTube (YT) at Facebook (FB) page kasama ang mga hosts na sina Gary Ann Lastrilla at Krish Ramos.


Patok agad ang naturang podcast matapos umabot sa higit isang milyong views ang parehong episodes nina JM Ibarra at Fyang Smith, at ni Kai Montinola.


Sa isang episode, ibinida ng dating Pinoy Big Brother (PBB) Gen 11 housemates na sina JMFyang ang kanilang reyalisasyon pagdating sa mga reality shows, habang ibinahagi ni Kai ang kanyang opinyon pagdating sa love team culture sa bansa.


Matapang namang hinarap nina Sofia Andres at Charlie Dizon ang mga usapin tungkol sa double standards na nararanasan ng mga babaeng artista, habang naglabas ng hugot ang content creator na si Daniel Laudit o mas kilala bilang Mentor Daniel, pagdating sa mga kapwa-influencers na nagbabahagi ng kanilang opinyon tungkol sa mga isyu.


Mas marami pang prangkang diskusyon ang mapapanood sa mga susunod na episodes kasama sina Jake Cuenca, ang certified matchmaker na si Coach Vee, influencer na si JinHo Bae at marami pang iba.


Napapanood ang Hot Takes tuwing Huwebes, 9 AM, sa ABS-CBN Entertainment YT at sa ABS-CBN FB page.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 17, 2026



FRANKLY - DINA, IBINULGAR NA NAMATAY NA, PINABALIK LANG DAHIL ‘DI PA ORAS-IG _houseofd_official

Photo: IG _houseofd_official



Naniniwala ang aktres na si Dina Bonnevie na mayroon talagang life after death dahil siya mismo ay naranasan ito nang maging ‘clinically dead’ siya ilang taon na ang nakararaan.


“I got clinically dead in 1989. I was dead for 1 minute and 10 seconds because of severe asthma attack. Pero nakabalik ako,” kuwento niya sa solo pocket mediacon niya for Love is Never Gone (LING) kamakailan.


Ayon sa aktres, nag-guest daw siya sa show ni Alma Moreno noon na Loveliness at may performance sila together.


Pero may smoke machine raw sa studio at sobrang allergic siya rito kaya nakiusap siya kay Alma na alisin na ito.


Pero hindi raw naalis kaya habang nagpe-perform sila ay panay ang buga ng usok ng smoke machine. Kaya naman bago pa matapos ang number nila ay nahirapan na raw siyang huminga.


Isinugod daw siya sa ospital at hindi na raw siya nakakakita that time. Naririnig lang niya ang sinasabi ng mga doktor.


“Tapos, biglang tumahimik lahat. Sabi ko, ‘Oh, ok na pala ako,’ tumahimik na lahat. So, tumayo na ako ru’n from the bed,” kuwento ng aktres.

Niyaya raw niya ang sister na umuwi na, pero paghawak niya rito ay tumagos ang kanyang kamay.


“Sabi ko, ‘Where’s my hand?’ Then I looked at the bed, nandu’n ‘yung body ko. Sabi ko, ‘Nasaan ako?’ And then, I saw this cord from my neighbor to where I was. May silver cord na nakadugtong. Sabi ko, ‘Ano to?’” lahad ni Dina.


Hanggang sa napasok daw siya sa isang mahaba at madilim na tunnel at paglabas niya ay may mga boses siyang narinig.


“Tapos, biglang may nag-appear na light, a very bright light na papunta sa akin. Sabi ko, ‘Ano ‘yun?’” pagre-recall ng aktres.


“Parang the light just enveloped me. Sabi ko, ‘Ano to?’ Sabi ko, ‘Sobrang sarap ng feeling, ayoko nang umalis dito, parang this love, talagang 1001%, parang more than a mother’s love, more than a daughter’s love.’ Talagang parang I felt so loved by this light,” sey niya.

Kasunod nito ay nakakita raw siya ng screen kung saan ay ipinakita ang snapshots ng kanyang buhay.


Nang matapos na ang flashback ng kanyang life ay parang may boses daw na nagtanong sa kanya kung gusto raw niyang sumama. Pero bigla raw niyang nakita sa dulo ng tunnel ang eldest daughter niyang si Danica kaya nilapitan daw niya at paghawak niya sa kamay nito ay nagising na raw siya sa hospital.


Wala raw siyang sinabihan ng experience niyang ito dahil baka raw masabihan siyang sira ang ulo niya. Pero natatandaan niyang kumonsulta siya sa parapsychologist na si Jaime Licauco hinggil dito at sinabi raw sa kanya na may dahilan kung bakit siya pinabalik at hindi pa niya oras.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page