top of page
IG alfredvargasofficial.jpg
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 31, 2026



FRANKLY - ALFRED- 7-ANYOS KONG ANAK, NANGANIB, IPINAHIYA SA MARAMING TAO, NA-TRAUMA!_FB Alfred Vargas

Photo: Alfred Vargas / FB


Inamin ng aktor-pulitiko na si Alfred Vargas na parang gumuho ang kanyang mundo nang malaman niya na ibinasura ng Manila City Prosecutor’s Office ang Child Abuse Complaint na isinampa niya at ng misis na si Yasmine laban sa aktor na si Rob Sy at partner nito.


Sa bagong statement na inilabas ng aktor-pulitiko sa kanyang social media accounts, ipinauna niya ang pasasalamat sa lahat ng suportang natatanggap nila kaugnay ng kaso.

“Labis-labis ang aming pasasalamat sa walang patid na mga mensahe ng suporta na aming natanggap at patuloy na natatanggap mula sa inyong lahat,” bungad ni Alfred.


“Aaminin ko na nanlumo ako pagkabasa ko ng desisyon, parang gumuho ang mundo ko. Naawa ako sa aking mga anak, nahiya ako sa kanila. I felt like I failed them as a parent,” patuloy niya.


Dahil sa nangyari, napatanong ang aktor kung sino pa ba ang puwede nilang takbuhan ngayon.


“Wala na ba kaming matatakbuhan? Wala na bang tutulong sa anak kong biniktima ng paulit-ulit na bullying?” aniya.


Para kay Alfred, hindi lang ‘away-bata’ tulad ng sinasabi ng iba ang naranasan ng kanyang anak.


“Seven years old lang ang anak ko. Sinaktan s’ya nang paulit-ulit, binigyan ng trauma, nalagay sa panganib ang buhay niya, ipinahiya sa harap ng maraming tao. Sinira ang kanyang dignidad.


“Tapos, sasabihin na ‘away-bata’ lang at wala na kaming magagawa? Paano na ‘yung anak ko na biniktima? Wala ba s’yang karapatang mabuhay nang ligtas at walang takot?” pahayag niya na ramdam na ramdam mo ang sakit na nararamdaman para sa kanyang anak.


Kaya naman labis na na-appreciate ni Alfred ang lahat ng nag-message sa kanila ng mga encouraging words at nagpahayag ng pagsuporta.


“But in our moment of doubt, all of you gave us clarity and purpose. You gave us strength. Nalaman namin na ‘di kami nag-iisa.


“Yasmine, my children, and I are overwhelmed with gratitude,” ang mensahe ni Konsehal Alfred Vargas sa kanilang mga supporters.





MAGBABALIK-AKSIYON na si Coco Martin! 


Muling mapapanood gabi-gabi sa telebisyon ang “Ang Hari ng Aksyon sa Ating Henerasyon” kasama ang prime actress na si Julia Montes sa Coco Martin’s Sigabo simula Hunyo 22.


Tatak-Coco Martin na walang humpay na aksiyon ang handog ng aktor sa mga manonood sa Sigabo


Ang inaabangang ABS-CBN serye ay mula sa orihinal na konsepto ni Coco, kasunod ng makasaysayang pag-ere ng mga programang minahal ng sambayanang Pilipino na pinagbidahan niya na FPJ’s Ang Probinsyano (AP) at FPJ’s Batang Quiapo (BQ).


Siksik sa aksiyon, kilig at katatawanan, at puno ng mahahalagang aral ang masusubaybayan ng mga manonood gabi-gabi mula Lunes hanggang Biyernes.

Bagong putahe naman ang handog ni Coco at ng ABS-CBN na tiyak na tatatak sa puso ng mga Pilipino, katulad ng matagumpay na pag-ere ng FPJ’s Ang Probinsyano, na naging longest-running action-drama series sa Pilipinas, at ng FPJ’s Batang Quiapo, na naging pinakapinanonood na primetime series sa loob ng tatlong taon.

 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 30, 2026



Donny at Belle - Vice Ganda YT

Photo: Donny at Belle - Vice Ganda YT



Na-corner ni Unkabogable Vice Ganda ang aktor na si Donny Pangilinan nang tanungin ang huli ukol sa panliligaw niya sa ka-love team na si Belle Mariano (DonBelle).

Sa latest vlog ni Vice ay mapapanood ang pagkukulitan at tsikahan nila ng DonBelle habang nagro-road trip.


Sa kanilang kuwentuhan ay tinanong ni Vice si Donny.

“Matagal mong niligawan si Belle? Na-enjoy mo ‘yung panliligaw mo kay Belle?” pang-uurirat ni Vice.


Hindi agad nakasagot ang aktor pero hindi na rin siya nag-deny. Nagkatawanan na lang silang tatlo.


Hindi rin naman direktang umamin si Donny pero parang ganoon na rin base sa kuwento niya.


“Pero ano, ha, grabe ‘yung effort ko nu’n, ‘di ba?” sey niya sabay tingin kay Belle.

“Oo,” pag-amin naman ng aktres.


“I think, ibinigay ko naman ‘yung kaya kong ibigay. ‘Yun ang masasabi ko, Vice,” sey pa ni Donny.


Dagdag pa ng aktor, “S’yempre, first time ko ‘yun…” at tapos ay hindi na niya naituloy pa kaya nagkatawanan na naman.


Si Vice na ang nagtuloy ng gustong sabihin ni Donny. 

“First time mong nanligaw,” aniya.


Sagot naman ng aktor, “First time ko na ganu’n ka-effort talaga. Kasi we were in the middle of so many things, ‘di ba? So, parang kailangan mo pang isipin ‘yun. For me kasi, ‘di na effort ‘yun. Parang gusto ko lang din gawin.”


Inamin naman ni Belle na sobrang na-appreciate niya ang effort ni Donny para sa kanya.

“Ang layo n’ya kasi, ‘di ba? Laguna siya. Ako, Antipolo. He drives all the way from Laguna to Antipolo. So, ang layo ng idina-drive niya.


“Tapos, pagdating pa ru’n, susunduin n’ya ako, magda-drive pa kami somewhere.

“Sabi ko, ‘Grabe, this guy spends what, more than 5 hours on the road just to see me. Wow! Grabe ‘yung effort n’ya,’” kuwento ni Belle.

Tanong ni Donny, “Na-miss mo?”


Sagot naman ni Belle, “Bakit, ginagawa mo pa rin naman, ah.”

Kilig na kilig naman si Vice sa dalawa at aniya, nagiging fan na raw siya ng DonBelle at nagtawanan.


Samantala, inamin din ng DonBelle na nagkaroon din sila ng mga away noong mga panahong magka-love team pa lang sila.


Isa sa mga binalikan nila ay noong nag-away sila sa kotse matapos dumalo sa isang event.


“Pagkakaalala ko, galing tayong party nu’n, tapos nag-away tayo kasi sabi ko, ‘Oh, my God, I didn’t enjoy.’ Tapos, inilabas ko ‘yung galit ko sa kanya,” kuwento ni Belle.


Napikon daw siya kay Donny dahil habang nagra-rant siya ay hindi siya pinapansin kaya sinabi niyang “Stop the car” at gusto na raw niyang bumaba.


“Sabi ko, ‘Stop the car, kung ‘di mo ako kayang pansinin, tigilan na natin ‘to,’” tsika ni Belle.

Pero hindi naman inihinto ni Donny ang kotse.


Katwiran naman ng aktor, ayaw niyang sabayan ang galit ni Belle para hindi na lalo pang lumaki ang pagtatalo nila.


Ang isa pa, nag-away sila sa San Francisco, USA dahil nag-golf daw si Donny.

“Ang lamig-lamig. Naka-shorts ako, alam mo ‘yung pang-workout. Bagot na bagot na ako. Sabi ko, ‘Ano bang gagawin ko rito?’ Umuwi talaga akong mag-isa, iniwan ko s’ya sa golf,” kuwento ni Belle Mariano.


Sabi naman ni Donny Pangilinan, immature pa sila ni Belle Mariano noong time na iyon. Kaya napag-usapan na raw nila na hindi sila dapat mag-walkout sa isa’t isa, at hindi rin dapat dalhin sa trabaho ang pag-aaway nila.


 
 

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 26, 2026



FRANKLY - SHAIRA, TINITIGAN NI JIMIN NG BTS, NAGTATATALON-IG _shairadiaz

Photo: Alfred Vargas



“Hindi pa tapos ang laban.” 


Ito ang pahayag ni Quezon City (QC) Councilor Alfred Vargas matapos ibasura ng Manila City Prosecutor’s Office ang child abuse complaint na isinampa niya at ng misis na si Yasmine Espiritu laban sa aktor na si Rob Sy at sa live-in partner nito.


Ang nasabing kaso ay kaugnay ng umano’y pambu-bully sa kanilang anak.

Batay sa resolusyong inilabas ng piskalya, walang sapat na ebidensiyang naipakita ang kampo ni Alfred na may pananagutan si Rob at partner nito sa inirereklamong insidente.


Sa kanyang Facebook (FB) page, naglabas ng official statement ang aktor-konsehal hinggil sa pagkaka-dismiss ng kaso.


“We have been informed about the decision of the prosecutor. While we have yet to receive the official decision, we say with certainty that we respect the law and due process and we will continue to do so regardless of the outcome,” simula ni Alfred.


Kasunod nito ay ipinahayag niyang magsasagawa sila ng kaukulang legal na hakbang upang makamit ang hustisya para sa kanilang anak.


“In the same light, due process allows us to seek legal remedies. We will exert all available legal avenues to pursue justice for our child.


“‘Di pa po rito nagtatapos ang laban. Thank you for all your prayers,” saad ni Alfred.

Noong April 13 ay naghain sina Alfred at Yasmine ng reklamo para sa umano’y violation of Section 10(a) of Republic Act No. 7610, o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.





BIHIRA ang nakakaalam na pinag-aaral ni Boy Abunda ang mga young stars na sina Kaori Oinuma at Aljon Mendoza.


Sa The Boy Abunda Talk Channel (TBWTC) na mapapanood sa YouTube (YT), humarap ang dalawang dating Pinoy Big Brother (PBB) alumni sa TV host at ibinahagi ang kanilang journey bilang working students.


Ang dalawang scholars ni Kuya Boy ay kasalukuyang nag-aaral sa Philippine Women’s University (PWU) sa Maynila. Si Kaori ay kumukuha ng kursong Psychology, habang si Aljon naman ay Marketing Management.


Ayon kay Kaori, naging masaya ang experience niya sa kanyang pag-aaral dahil mababait ang kanyang mga professors.


“Sobrang welcoming nila, sobrang considerate nila when it comes to schedule namin. ‘Yung mga professors namin, madaling pakiusapan kung meron kaming mga late submissions or mga absences,” pagbabahagi ni Kaori.


Ayon naman kay Aljon, bagama’t may mga challenges din daw siyang kinaharap ay nag-enjoy naman siya sa kanyang pag-aaral.


“Na-enjoy ko pero may mga challenges din. Irregular student kasi ako so may mga classmates ako na nauna mag-graduate sa akin tapos iba na naman ‘yung classmate ko. Medyo mahirap mag-adjust sa environment kumbaga,” kuwento ng aktor.

Malaki ang pasasalamat ng dalawa sa napakalaking oportunidad na ibinigay sa kanila ni Kuya Boy Abunda.


Sa ngayon, looking forward na sina Kaori Oinuma at Aljon Mendoza sa kanilang pagtatapos very soon.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page