top of page
Search

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | November 7, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, ipagpatuloy natin ang diskusyon hinggil sa magiging kapalaran ng animal sign na Pig o Baboy ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa susunod na taon o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Pig o Baboy ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Pig o Bakal na Baboy - silang mga isinilang noong 1971

  • Water Pig o Tubig na Baboy - silang mga isinilang noong 1982

  • Wood Pig o Kahoy na Baboy - silang mga isinilang noong 1935 at 1995

  • Fire Pig o Apoy na Baboy - silang mga isinilang noong 1947 at 2007

  • Earth Pig o Lupa na Baboy - silang mga isinilang noong 1959 at 2019

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Metal Pig, Water Pig at Wood Pig, kaya sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang magiging kapalaran ng Fire Pig o Apoy na Baboy ngayong 2020 hanggang 2021.


Bukod sa malakas ang loob, sobrang ambisyosa rin ng Apoy na Baboy. Kaya naman sa tunay na hindi uubra sa kanya ang simpleng buhay lamang, bagkus, nais niyang makamit ang matataas na lebel ng pagkilala at karangalan sa lipunan na kanyang ginagalawan na kadalasan, dahil likas siyang mabuti at mabait sa kapwa, kusa naman itong ipinagkakaloob sa kanya ng langit.


Dahil sa ugaling ito ng Apoy na Baboy na may pagka-ambisyosa, pero mabait at may mabuting asal, ang nasa itaas o langit ang gumagawa ng paraan upang ang mataas na karangalan at pagkilala ng lipunan ay makamit ng Apoy na Baboy, kaya nagkakaroon talaga siya ng mga kaibigan at kakilala na sikat at mayayaman. Ang mga kaibigang ito ang kadalasang tumutulong at nagsasama o umiimpluwensiya sa Apoy na Baboy, upang lalo niya pang itaas ang kanyang mga pangarap sa buhay. Kapag naman tinutukan niya at hindi siya bumitaw, ang lahat ng ito ay isa-isa niyang matutupad sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, humigit-kumulang sa 2040 sa edad niyang 33 pataas. Ibig sabihin, sa panahong ito, isa-isa nang magkakabunga at matutupad ang lahat ng pangarap at ambisyon ng Fire Pig nang walang kahirap-hirap.


Sa kasalukuyan, sinasabing habang unti-unting natatapos ang 2020, kasabay ng walang makapipigil sa nakatakda, paganda na rin nang paganda ang kapalaran niya, hindi lamang sa materyal na bagay, career at propesyon kundi sa halos lahat ng aspeto ng kanyang buhay, lalo na sa pakikipagrelasyon, pag-ibig at aspetong pandamdamin.

Habang kasabay din nito, kusang darami ang mga oportunidad ng pagkakakitaan, hindi lamang sa pagtatapos ng 2020, bagkus, darating at darating ang maraming suwerte at magagandang kapalaran, hanggang sa pagbungad ng 2021.


Ibig sabihin, hindi lang paganda nang paganda ang magiging buhay ng Fire Pig sa pagpasok ng 2021, bagkus, lalo pa itong gaganda at mas maraming suwerte, surpresang buwenas at magagandang kapalaran siyang matatanggap sa nasabing panahon.

At dahil likas na may sariling desisyon ang Apoy na Baboy at hindi rin sila basta nagpapaimpluwensiya kung kani-kanino, ito ang magiging susi upang madoble pa ang kabuhayan ng Apoy na Baboy sa 2021.


Ngunit may dapat siyang gawin upang mapanatili ang kanyang magandang kapalaran, ito ay dapat niya lang ingatan at labanan ang sandali na kapag nararamdaman niyang dumarami na ang kanyang pera at ipon, hindi niya maiwasang hindi gumastos, na nagiging dahilan upang hindi niya namamalayan at nahahalata na simot at ubos na ang naipon niyang pera.


Kaya kung magiging matipid ang Apoy na Baboy at matututunan ang tamang paghawak ng pera, malaki ang posibilidad na siya ay yumaman at ito ay magaganap sa edad niyang 45 pataas.


Sa pag-ibig, damdamin at pakikipagrelasyon, likas na mapusok ang Apoy na Baboy at nahihirapan siyang itago ang kanyang mainit at nag-aapoy na damdamin na kadalasan, ang mapusok na pag-ibig na ito ay humahantong sa kasawian. Kaya kung matututunan niyang kontrolin ang kanyang emosyon at ‘wag na ‘wag bibigay bigla, mas magiging makabuluhan at malinamnam ang naghihintay sa kanyang pag-ibig at pakikipagrelasyon na hindi pa naman mangyayari sa panahong ito ng kanyang buhay, bagkus, ang masarap at very satisfied na pag-ibig at pakikiparelasyong ito ay nakatakda niyang mararanasan sa 2028.

Itutuloy

 
 

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | November 5, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, ipagpatuloy natin ang diskusyon hinggil sa magiging kapalaran ng animal sign na Pig o Baboy ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa susunod na taon o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Pig o Baboy ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Pig o Bakal na Baboy - silang mga isinilang noong 1971

  • Water Pig o Tubig na Baboy - silang mga isinilang noong 1982

  • Wood Pig o Kahoy na Baboy - silang mga isinilang noong 1935 at 1995

  • Fire Pig o Apoy na Baboy - silang mga isinilang noong 1947 at 2007

  • Earth Pig o Lupa na Baboy - silang mga isinilang noong 1959 at 2019

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Metal Pig, gayundin ang Water Pig, at sa pagkakataong ito, pag-usapan naman natin ang magiging kapalaran ng Wood Pig o Kahoy na Baboy ngayong 2020 hanggang 2021.

Kung ikaw ay isinilang noong 1935 at 1995, ikaw ay mapabibilang sa Wood Pig o Kahoy na Baboy.


Sinasabing bukod sa pagiging palakaibigan, sobrang determinasyon mo talaga ang makatulong sa mahihirap at mga dapat tulungan, kumbaga, ikaw ay likas na mapagkawang-gawa, at dahil sa kabutihang ito na nananahan sa kaibuturan ng iyong kalooban, palagi kang pagpapalain ng nasa itaas. Katulad ngayong panahon ng pandemya, kung ang iba ay masisimot dahil walang mga hanapbuhay, ikaw naman ay palaging bibigyan ng kakaibang suwerte at magagandang kapalaran ng langit upang lagi kang may maitulong at may maibigay sa iyong kapwa.


Gayunman, dapat pa ring isaisip ng isang Wood Pig na hindi naman dapat palaging tumutulong dahil ang kalimitang mangyari ay hindi niya napapansin na inaabuso na ng iba ang kanyang kabaitan at pagtulong. Sinasabing kung matututunan ng Wood Pig kung sino ang dapat tulungan at dapat tanggihan, lalong uunlad ang kanyang kabuhayan hanggang sa siya ay tuluyang yumaman.


Sa career, negosyo at aspetong pagkakaperahan, sinasabing ngayong 2020 hanggang 2021, malaki ang tsansa ng Kahoy na Baboy na makapagbenta ng malalaking halaga kung saan dapat sa taong ito ay ‘wag siyang tumigil ng pag-aalok dahil siguradong may malaki siyang makukumisyon dito.


Dagdag pa rito, ang lahat ng gawin o negosyong nagbebenta ay bagay na bagay din sa Kahoy na Baboy, higit lalo kung personal o direkta niyang aalukin ang kanyang mga kaibigan at kakilala. Sa ganitong business– pag-aalok, pagde-dealer, pagte-trading, tunay ngang mas madaling uunlad hanggang sa tuluyang yumaman ang isang Wood Pig.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, mahihirapang mamili ang Wood Pig sa mga lalaki o babaeng malalapit sa kanya dahil wala siyang tulak na itapon o iitsapuwera sa nasabing mga kaibigang lalaki o babae na nakapaligid sa kanya. At dahil hindi marunong tumanggi, mas malamang na maraming makakarelasyon ang Wood Pig ngayong 2020 hanggang 2021, hanggang sa magkandalitu-lito na siya kung sino ba talaga ang kanyang pipiliin upang mahalin habambuhay.


May babala rin na matapos na umibig at makipagrelasyon sa una, may darating na namang ikalawa, ikatlo at marami pang masasarap pero panandaliang relasyon na mararansan ang Wood Pig ngayong 2020 hanggang 2021.

Itutuloy

 
 

Water Pig, masyadong maramdamin kaya mabilis panghinaan ng loob at nasisira ang diskarte


Love life, ‘di dapat madaliin ng Water Pig para iwas-heartbreak

ni Maestro Honorio Ong - @Forecast 2020 | November 3, 2020



Sa pagpapatuloy ng pagtalakay sa magiging kapalaran ng bawat animal sign, ipagpatuloy natin ang diskusyon hinggil sa magiging kapalaran ng animal sign na Pig o Baboy ngayong Year of the Metal Rat hanggang sa susunod na taon o Year of the Metal Ox.

Alalahaning ang Pig o Baboy ay nahahati sa limang uri batay sa taglay nilang elemento at ito ay ang mga sumusunod:

  • Metal Pig o Bakal na Baboy - silang mga isinilang noong 1971

  • Water Pig o Tubig na Baboy - silang mga isinilang noong 1982

  • Wood Pig o Kahoy na Baboy - silang mga isinilang noong 1935 at 1995

  • Fire Pig o Apoy na Baboy - silang mga isinilang noong 1947 at 2007

  • Earth Pig o Lupa na Baboy - silang mga isinilang noong 1959 at 2019

Sa nakaraang isyu, tinalakay natin ang pangunahing ugali at magiging kapalaran ng Metal Pig o Bakal na Baboy, at ngayon, pag-usapan natin ang magiging kapalaran ng Water Pig o Tubig na Baboy ngayong 2020 hanggang 2021.


Sinasabing walang papantay kung pinakamabuti at pinakamasarap makisama ang usapan sa Water Pig o Tubig na Baboy kung ikukumpara sa iba pang animal signs na ipinatawag ni Lord Buddha sa kanyang palasyo. Wala rin sa kanilang “masamang tinapay”, malisya o anumang uri ng pag-iimbot sa kanilang puso, bagkus, puro at malinis ang kanilang motibo sa pakikipagkaibigan, ganundin sa pakikipagrelasyon.


Ang kabutihan at kagandahang ito ay nakadagdag pa sa pagiging masayahin at paeasy-easy lang na buhay ng Water Pig na sa tuwing makikita mo ay tiwala at walang mabigat na problemang nangyayari sa kanyang karanasan. Kumbaga sa panlabas at panloob na pagkatao, anuman ang sitwasyong nararanasan niya– masaya o malungkot, napakahusay niyang magdala na para talagang laging masaya at walang problema.


Samantala, sa kabila ng sobrang bait at masarap makisama, ang isa sa kahinaan ng pagkatao ng Water Pig ay sa panahong pinupulaan mo siya kung saan masyado siyang maramdamin na sa sandaling nakarinig siya ng pamimintas at paninira sa kanyang pagkatao, tunay ngang tuluy-tuloy nang guguho ang masaya niyang aura o personalidad. At dahil sa mga kritisismo o paninirang ito na sa halip na idepensa ang kanyang sarili ay tatanggapin na lang niya ito hanggang sa tuluyang masira ang kanyang diskarte at pagkatao.


Gayunman, kung hindi magiging praktikal at magpapakatatag ang Water Pig sa mga pula at paninira na matatanggap niya mula sa kanyang mga kasama at kaibigan, magiging miserable at malungkot ang kanyang buhay. Gayundin, halos hindi na niya magagawa ang mga proyekto na dapat niyang gawin dahil sa mga panahong ito, sa halip na lumaban ay mas pinipili niyang magtago at manatili sa bahay kahit sa mahabang panahon kung saan mas sanay siyang tulog nang tulog sa bahay at hindi na lumbas pa ng kanyang kuwarto.


Sa career, business at aspetong pangkabuhayan, ngayong 2020 hanggang 2021, tuluy-tuloy na papasok ang magagandang oportunidad sa buhay ng Water Pig na dapat lamang sunggaban. Ibig sabihin, aangat nang todo ang graph ng pag-unlad ng Water Pig, basta anumang oportunidad ang dumating sa kanyang harapan, hindi siya dapat tumanggi. Bukod sa maraming oportunidad ng pagkakakitaan, madali ring magwawagi ang Tubig na Baboy sa lahat ng uri ng competitions at pakikipagsapalaran. Kaya naman kung may pakikihamok na haharapin ang Water Pig ngayong 2020 hanggang 2021, tiyak na ang kanyang panalo at pagwawagi.


Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon, kung hindi pa talaga handa ang Water Pig sa papasukin niyang pag-aasawa o pagtatayo ng sariling pamilya, hindi dapat magmadali dahil kapag minadali mo ang mga gawaing may kaugnayan sa puso at pakikipagrelasyon, may babala na sa kalungkutan at pagluha mauuwi ang lahat. Sa halip, mas maganda kung sa 2022 ka pa magseseryoso at planuhin ang pagtayayo ng sariling pamilya.


Kung may pamilya o karelasyon ka na ngayon, higit na magiging masarap at masaya ang magiging karanasan mo sa pag-ibig at romansa kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.


Sa pangkalahatan, malaking pag-unlad ang maibubulsa ng Water Pig na kailangan lamang na siya ay mag-ipon at magtipid na rin para sa future. Habang sa pag-ibig naman, ngayong 2020 hanggang 2021, nakatakda ka nang makaranas ng masaya, mainit at panghabambuhay na romansa, na hinding hindi makalilimutan sa tanang buhay ng Water Pig na tiyak na mangyayari sa panahong ito ng kanyang buhay.


May pahiwatig din para sa mga mag-asawa na maaaring mabuntis o makabuntis ang Water Pig ngayong 2020 hanggang 2021 at tiyak na ang isisilang na sanggol ay magdadala ng dagdag pang suwerte at ligaya sa buong pamilya.

Itutuloy

 
 
RECOMMENDED
bottom of page