top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | August 27, 2021




Hello, Bulgarians! Ang Social Security System (SSS) ay naglabas ng P732.15 milyon sa pagbibigay ng benepisyo sa kawalan ng trabaho sa 54,282 na miyembro mula Enero hanggang Hunyo 2021, mas mataas ng 407 porsiyento mula sa parehong panahon ng nakaraang taon. Maging ang bilang ng makikinabang na miyembro ay tumaas din mula 11,917 hanggang 54,282 ng 355 porsiyento.


Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer, Aurora C. Ignacio, na ang matarik na pagtalon ng benepisyo na nilalabas ay naiugnay sa pagtaas ng kamalayan ng mga miyembro sa pagkakaroon ng nasabing benepisyo para sa mga hindi sinasadyang nahiwalay sa trabaho dahil sa COVID-19 pandemya.


“We’re glad that this program was able to assist our workers in the private sector especially during these times that majority were left jobless due to the pandemic. Aside from that, the safety and convenience of our online services and checkless disbursements helped our qualified members to get their benefits on time which really served their purpose,” pahayag ni Ignacio.


Ang Unemployment benefit ay isa sa mga landmark na probisyon ng Republic Act No.11199 o Social Security Act of 2018 na mula Marso 5, 2019. Ang mga kuwalipikadong sakop na empleyado, kasama ang kasambahay at Overseas Filipino Workers (OFW) na hindi sinasadyang nawalan ng trabaho dahil sa pagbagsak ng ekonomiya, natural na kalamidad /sakuna na sanhi ng mga tao, installation ng labor-saving devices; kalabisan; retrenchment o downsizing; pagsasara o pagtigil sa operasyon; at sakit o karamdaman ng empleyado na patuloy na nagtatrabaho ay ipinagbabawal ng batas o nakagagambala sa kalusugan ng kanyang mga kapwa empleyado.


Bukod dito, ang mga miyembro ay hindi dapat higit sa 60 taong gulang sa oras ng involuntary separation. Sa kaso ng mga mineworkers at racehorse jockeys, hindi sila dapat higit sa 50 at 55 taong gulang. Ang mga miyembro ay dapat nagbayad din ng hindi bababa sa 36 buwanang mga kontribusyon, 12 buwan na dapat bayaran sa loob ng 18 buwan na panahon bago ang involuntary separation.


Ang mga kuwalipikadong miyembro ay makatatanggap ng buwanang cash benefit na katumbas ng 50 porsiyento ng average monthly salary credit (AMSC) ng miyembro para sa maximum na dalawang buwan. Halimbawa, ang miyembro-aplikante na may AMSC na P16, 000 ay makatatanggap ng dalawang buwan na unemployment benefits na nagkakahalaga ng P16,000 (P8,000 para sa bawat buwan).


Ang benefit claim ay dapat isumite sa loob ng isang taon mula sa petsa ng involuntary separation ng miyembro. Gayunpaman, kung ang isang taon na deadline para sa pag-file ay tumapat sa Marso 5, 2020 hanggang sa huling arawng Enhanced Community Quarantine/ General Community Quarantine, ang involuntary separated na miyembro ay maaari pa ring mag-file ng kanilang mga paghahabol hanggang 60-araw mula sa pagdeklara ng gobyerno ng katapusan o ang huling araw ng ECQ / GCQ.


Ang step-by-step guide para sa pagsusumite online ng unemployment benefit claim application ay maaaring ma-access sa link: https://bit.ly/31tMWsY.


Ipinaalala rin ng SSS Chief sa mga miyembro nito na magparehistro online sa SSS website upang gumawa ng kanilang sariling mga account sa My.SSS para sa pagpapatala ng disbursement account sa pamamagitan ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) bago ang pagsusumite online ng aplikasyon sa unemployment benefit claim.


Ang step-by-step guide para sa My.SSS registration at disbursement account enrollment ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng Links: https://bit.ly/3m59GJ9 and https://bit.ly/39kVTcb.

Para sa karagdagang detalye, maaaring sundan ng mga miyembro ang SSS Facebook page sa “Philippine Social Security System,” Instagram account sa “mysssph,” Twitter account sa “PHLSSS,” at SSS Viber Community sa“MySSSPH Updates.”

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

hindi pa nagpapabakuna.


ni Fely Ng - @Bulgarific | August 26, 2021




Hello, Bulgarians! Pinangunahan nina Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion, at MMDA Chairman Benjamin Abalos, Jr., ang talakayan kaugnay sa pinakahuling ulat sa lockdown na ipinatutupad sa National Capital Region (NCR) upang epektibong magamit ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) nang mapigilan ang pagkalat ng Delta variant sa Metro Manila. Ito ay dinaluhan ng mga opisyal sa pamahalaan at mga alkalde sa Metro Manila, at pinanood ng humigit sa 100,000 audiences sa iba’t ibang online platforms.


Kamakailan, ipinanukala ni Concepcion na payagan lamang ang mga bakunado upang makapasok sa iba’t ibang establisimyento sa NCR. Ayon sa IATF-EID, maaari lamang ikonsidera ang nasabing suhestiyon matapos makapagtala ang NCR ng 50 porsiyento sa kabuuang populasyon nito na bakunado.


“This proposal to only allow fully-vaccinated individuals’ full mobility in NCR will not only increase confidence of the consumers in various establishments, as well as banking confidence, which will then drive economic recovery because it can also protect the unvaccinated individuals,” saad nito.


Dahil dito, tiniyak ni Concepcion na dahil sa datos na naitala kamakailan, papalapit na ang NCR sa pagkamit ng population protection: “Ultimately our goal is to hit herd immunity, and because we are nearing population protection in NCR, hopefully we can finally attain this by September.”


Sa kabilang banda, nagpahayag ng suporta si MMDA Chairman Abalos sa panukala ni Concepcion at tiniyak na makikipagtulungan ang pamahalaan sa pampribadong sektor upang ito ay maisakatuparan. Ipinaliwanag din niya na ang ipinapatupad na lockdown ay nakatulong upang mapababa ang pagkalat ng COVID-19 sa NCR.


“We can see from the data that there is a decrease in COVID-19 cases in Metro Manila, and I think that this is because of the lockdown [recent ECQ],” ibinahagi ni Abalos.


Batay sa datos, 70 porsiyento ng kabuuang kaso ng COVID-19 ay nagmula sa hindi pa nababakunahan. Ito ay katumbas ng 15,130 kaso mula sa 21,765 kaso ng COVID-19 sa NCR.


Dahil 43.5 porsiyento ng kabuuang populasyon sa NCR ay bakunado na, mataas ang kumpiyansa ni Abalos na maisasakatuparan na ang panukala ni Concepcion sa mga susunod na buwan. “PA Joey, I think by the end of the month we can reach 50 percent fully-vaccinated individuals in Metro Manila. We’ll do our best to consider your proposal,” tiniyak nito.


Sa kabilang banda, tiniyak ni IATF-EID Chairperson at DOH Secretary Francisco Duque III na ang panukala ni Concepcion ay maaaring makumbinse ang mga hindi pa nababakunahan na magpabakuna na. Kaugnay sa pagkamit sa herd immunity, sinabi ni Duque na dahil sa Delta variant, tumaas na ang threshold upang ito ay makamit kung ikukumpara sa dating porsiyento.


“Herd immunity should be at least 87 percent of the population because of the Delta variant,” ayon kay Duque.


Ipinaliwanag naman ni Epidemiology Bureau Medical Specialist Dr. Alethea de Guzman na dahil sa hakbangin para sa pagbabakuna, maaari nang bumaba ang kaso ng COVID-19 sa katapusan ng taon.


“We can expect case projections to drop around November. The earlier we ramp up our vaccination efforts, the earlier we can perceive the benefits in terms of case reduction and decrease in hospitalization,” saad nito.


Ayon naman kay Dr. Guido David of OCTA Research Group, bumaba ang pagkalat ng COVID-19 sa NCR sa loob ng isang linggo.


“There may be a moderate decrease of cases by September, and this can be attributed to the lockdown,” pahayag ni David.


Sinuportahan ito ni Visiting Professor of Biological Sciences of University of Santo Tomas at Professor of Biology and of Theology in Providence College Fr. Nicanor Austriaco sa pagsasabing napababa talaga ng kasalukuyang lockdown ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila.


“August ECQ has in fact slowed down the surge of Delta in NCR. It may be a bit different than that of April ECQ, but it has significantly contributed to lessening of cases. Fully-vaccinated individuals in NCR have contributed to slowing down of the virus in NCR,” ani Austriaco.


Inihayag naman ni Dr. John Wong, epidemiologist, senior technical adviser, at head ng Epimetrics, Inc., na mayroon din dapat ilang hakbangin upang maiwasan ang malalang kaso ng COVID-19 at pagkamatay bunsod nito maliban pa sa ilang hakbangin upang makamit ang herd immunity.


“Severe infections and deaths needed to be prevented alongside implementing various measures to attain herd immunity,” paliwanag nito.


Nagpaalala naman si Concepcion na ang NCR ang ‘target model’ ng panukala dahil nasa Metro Manila ang sentro ng mga kaso ng COVID-19, at kung saan nakasentro rin ang GDP ng bansa. “Once 50 percent of Metro Manila population has been fully-vaccinated, considering limiting the mobility of the unvaccinated can be the safer option to open the economy and protect everyone,” giit nito. Tiniyak din ni Concepcion na hindi nito layong i-discriminate ang mga hindi pa nababakunahan dahil isa lamang itong pansamantalang hakbangin upang matalo ang COVID-19.


Dinaluhan ang nasabing town hall nina IATF-EID Chairperson and DOH Secretary Francisco Duque III; DOH Epidemiology Bureau Medical Specialist Dr. Alethea De Guzman; medical advisers, namely, Visiting Professor of Biological Sciences, University of Santo Tomas at Professor of Biology and of Theology of Providence College in United States Fr. Nicanor Austriaco; epidemiologist, senior technical adviser at head of Epimetrics Inc. Dr. John Wong; University of the Philippines Professor Ranjot Rye; Dr. Raymundo Lo of Philippine Society of Pathologists, Inc., at health advocate Dr. Tony Leachon. Si ‘A Dose of Hope’ Project Lead Josephine Romero naman ang siyang nag-moderate sa nasabing programa.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.


 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | August 23, 2021




Hello, Bulgarians! Kaugnay sa pagpapalabas ng PhilHealth Circular No. 2021-0013 na sinuspinde ang pagbabayad ng mga claims na napapailalim sa pagsisiyasat na nauugnay sa mga maanomalya at abuso sa karapatan, nilinaw ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na ang patakarang ito ay mula pa noong 2016 (PhilHealth Circular 2016-026). Sa bagong Circular, ipinakilala ng korporasyon ang mga karagdagang probisyon na makasisiguro na ang wastong proseso ay sinusunod bago ang anumang TSPC (Temporary Suspension of Payment of Claim) sa wakas ay naibigay upang mapawi ang mga takot sa diumano’y hindi makatuwirang pagsisiyasat.


Ang Circular ay inisyu sa kalooban ng wastong pamamahala ng pondo at kontrol sa pandaraya. Ang pagkontrol sa anomalya ay pangunahing prinsipyo sa pamamahala ng mga pondo. Samakatuwid, nakita ng PhilHealth na kinakailangang magpatupad ng mga hakbang upang matiyak ang seguridad at pagpapanatili ng mga pondong ipinagkatiwala rito.


Ang lahat ng health care providers ay maaaring makatiyak na ang patakarang ito ay ipatutupad tungkol sa angkop na proseso at umiiral na mga patakaran at regulasyon. Gayundin, ang patakarang ito ay makaaapekto lamang sa mga mapanlinlang laban sa pondong ipinagkatiwala ng Korporasyon sa mga kasapi nito.


Tiniyak ng PhilHealth sa mga miyembro nito at accredited provider na lahat ng mabubuting paghahabol ay hindi maaapektuhan ng patakarang ito.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page