ni Fely Ng - @Bulgarific | October 13, 2021

Hello, Bulgarians! Marami sa mga Pilipino ang nabago ang pamumuhay dulot ng pandemic, lalo na pagdating sa trabaho ng mga karpintero, mangingisda, at iba pang eksperto sa konstruksiyon. Pero bilang mga mandirigma ng buhay, palagi tayong nakahahanap ng rason para bumangon; para ipakita na sa anumang hamon, handa tayong lumaban ng may puso at tapang.
Ngayong pandemic, sinubok ang ating mga abilidad. Higit pa roon, dito rin nalaman ng karamihan na kailangan palagi ng kasangga sa pagharap sa mga hamon ng buhay at kakampi na patuloy tayong sasamahan kahit sa pangkabuhayan.
Kaya ipinakikilala ang Bostik Epoxies o ang Samahan ng mga Palaban na magsisilbing kasangga ng ating mga manggagawang Pilipino. Ipinapakita nito kung gaano katibay, kakapit, at katatag ang bawat isa kaya naman sila’y tunay na palaban saan mang sulok ng Pilipinas.
Kabilang dito ang Bostik El Heneral All Purpose Epoxy na ginagamit sa mga woodworks, glass, ceramic, at porcelain dahil ito’y may excellent bonding properties na siguradong magdidikit at mag-aayos ng ganitong klaseng materyales. Pinapatibay din ng El Heneral ang mga surfaces mula sa cracking at iba’t ibang chemicals na puwedeng makasira sa mga ito.
Sumunod naman sa Samahan ng mga Palaban ay ang Bostik El Kapitan Marine Epoxy na magsisilbing kasangga ng mga Pilipinong mangingisda sa kanilang paglalayag. Ang Bostik El Kapitan ay makapit na epoxy at ginagamit para sa mga bangka na madalas pumapalaot.
At pangatlo sa Samahan ng mga Palaban ay ang Bostik El Supremo Builders Epoxy na kasangga ng mga MATATAG na eksperto sa konstruksiyon. Ang Bostik El Supremo ay ginagamit ng mga engineers at contractors sa “pang-heavy duty” na materyales, tulad ng bakal at kongkreto dahil alam nila kung gaano kahirap at kaselan ang pagtayo ng establisimyento. Mula ngayon, siguradong pangmatagalan ang mga maitatayo ng ating mga eksperto dahil meron silang kakampi at kasama sa kahit anong hamon ng buhay.
Marahil, kalakip na ng mga mabubuting nangyayari sa ating buhay ang mga hindi natin ninanais. Pero, tulad nga ng Bostik Epoxies, kung meron man dapat tayong matutunan sa lahat ng mga napagdaanan natin, ‘yun ay maging PALABAN at MAGKAISA sa anumang kinahaharap na problema.
Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.



