top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 28, 2021





Hello, Bulgarians! Ang grupo ng print media ay nanawagan sa suporta ng gobyerno sa oras ng kanilang pangangailangan. Ang United Print Media Group (UPMG), asosasyon ng 32 pangunahing kumpanya ng publikasyon sa Pilipinas ay humihingi ng tulong sa pamamagitan ng paraan ng batas mula sa House of Representatives at Senado upang matulungan silang matugunan ang kanilang mga alalahanin.


Sinabi ni UPMG President Barbie Atienza, sa House of Representatives Committee on Creative Industry and Performing Arts noong Huwebes, Oktubre 21, na ang print media ay nasa kritikal na sitwasyon at nangangailangan ng tulong ng gobyerno.


This is a very important and vital industry that definitely needs a lot of help. We need to solicit help by form of legislation,” saad ni Atienza, na nabanggit ang mga hamon na kinahaharap ng print media, tulad ng natural calamities, pandemya, maging ang banta sa paglitaw ng digital industry at ang halaga ng mga materyales, buwis at iba pa.


Nanawagan din si Atienza sa House of Congress na magpasa ng batas upang magbigay ng VAT exemption sa pagbili ng papel at tinta sa pagtaas ng presyo, na aniya ay nagdudulot ng pagbaba ng pagbili ng papel.


Ayon kay Atienza, ang pagbaba ng mga publikasyon ay hahantong sa mas maliit na access at kamalayan sa mga kasalukuyang kaganapan, paglaganap ng fake news, pagbaba ng propesyunal at responsableng pamamahayag, at pagbaba ng interes sa pagbabasa at pagsusulat.

Humingi si Atienza ng VAT exemption para sa mga advertiser, tax reduction at tax assistance package para sa print media industry na aniya ay nasa panahon ng disaster bago pa man ang pandemya at nangangailangan ng tulong nitong mga nakaraang taon.

Iminungkahi rin niya ang pagsama ng news and current affairs subjects sa primary, secondary at tertiary education sa pamamagitan ng suporta ng Department of Education and Commission on Higher Education.


Sinabi ni House Committee on Creative Industry and Performing Arts chairman at Pangasinan Rep. Christopher de Venecia na gagawa sila ngayon sa pagbalangkas at paghahain ng mga panukalang batas upang matulungan ang industriya ng print media na manatiling nakalutang at makabangon mula sa pandemya.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 24, 2021



Hello, Bulgarians! Bilang pakikiisa ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pagdiriwang ng Pambansang Buwan ng mga Katutubong Mamamayan at paghahanda sa International Decade of Indigenous Languages (IDIL) 2022–2032, inaanyayahan ang mga mananaliksik, guro, mag-aaral, at may interes sa wika at kultura ng kanilang komunidad sa ikatlong Lagsik*-Wika: Serye ng Webinar sa Pagdodokumento ng Katutubong Wika.


Gaganapin ito sa ika-27 ng Oktubre 2021 (Miyerkules), alas-10:00 hanggang alas-11:30 ng umaga.

Layunin ng webinar na lalo pang pasiglahin ang larang ng dokumentasyong pangwika, at mapukaw ang interes ng mga kalahok na maidokumento ang wika ng kanilang komunidad.


Libre ang webinar at magkakaloob ng e-sertipiko sa mga aktibong kalahok. Dahil serye ang webinar, hinihiling na panoorin ang una at ikalawang bahagi nito sa link na https://bit.ly/UnangLagsikWika at https://bit.ly/IkalawangLagsik.


Para sa pagpapatala, magtungo sa link na https://bit.ly/Lagsik3. Matatanggap ng mga napiling kalahok ang akses sa zoom isang araw bago ang webinar. Sa mga hindi mapipili, maaari pa ring sumubaybay sa Facebook live ng Komisyon sa Wikang Filipino.


Bukas ang rehistrasyon hanggang 25 Oktubre, ganap na alas-11:59 ng gabi.


Para sa mga tanong o paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan kay G. Kirt John C. Segui sa email na kjsegui@kwf.gov.ph.


Abstrak ng mga Panayam at ang Tagapanayam

Mga Hamon at Oportunidad sa Pagmamapang Pangkultura: Ilang Tala sa Pananaliksik sa Lingguwistikong Etnograpiya ng Wikang Asi ng Romblon

Asst. Prof. Wennielyn F. Fajilan, PhD.


Layunin ng panayam na maibahagi ang danas ng mananaliksik bilang grantee ng proyektong Lingguwistikong Etnograpiya ng Pilipinas ng KWF noong 2018–2020.


Partikular na bibigyang-pansin ang pangangalap ng datos mula sa limang bayan ng Asi na ginawa noong Marso hanggang Hulyo 2018 sa mga isla ng Banton, Simara, Sibale, at Tablas. Ibabahagi ng mananaliksik ang mga natatanging hamon na naranasan sa pagdodokumento ng katutubong karunungan ng komunidad bago, habang, at pagkatapos ang inter-aksiyon sa mga kalahok.


Nakatuntong ang pagtalakay sa katangian ng mananaliksik bilang tagapagmana ng lahing Asi-Simaranhon na lumaki sa labas ng kanyang bayan. Sa gitna ng danas na ito, natanto ng mananaliksik na matingkad na matingkad ang mga salik na kakayahang pangwika, pakikipagkapwa at pagpapahalaga sa makabayang pananaliksik upang mapagtagumpayan ang anumang pagmamapang pangkultura.


Si Dr. Fajilan ay isang guro, mananaliksik, manunulat at tagasalin. Bahagi siya ng faculty ng Departamento ng Filipino at kawaksing mananaliksik sa Research Center for Social Sciences and Education ng Unibersidad ng Santo Tomas. Nagtapos siya ng Batsilyer sa Araling Pilipino, cum laude; Master sa Araling Pilipino at Doktorado sa Pilosopiya sa Filipino Major sa Araling Salin sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Nakapag-akda na siya ng mga pananaliksik, maikling kuwento, dula, teksbuk, gabay pangguro, at salin.


Nakatuon ang kanyang mga pananaliksik sa pagsasaling pambata, araling kultural, at araling Romblomanon. Ang kanyang disertasyon tungkol sa pagsasaling pambata ang nagwagi ng 2019 KWF Gawad Julian Cruz Balmaseda at inilathala ng KWF Publikasyon noong Agosto 2021. Kasalukuyan siyang kawaksing editor ng Hasaan, ang opisyal na journal sa Filipino ng UST at tagapangulo ng UST Sentro sa Salin at Araling Salin, isang linangan ng propesyonal na pagsasalin at mga tagasalin sa Filipino.


Ang Pagtatagpo ng Ili, mga Umili, at Mengidi: Isang Personal na Repleksyon

G. Joao Paulo D. Reginaldo

Sa panayam na ito, magbabalik-tanaw at isasalaysay ang mga karanasan bilang isang mananaliksik sa kalinangan (karawdyan) at wika (esel) ng mga katutubong Iguwak sa mga bulubundukin ng Hilagang Luzon. Iinog ang paglalahad sa tatlong magkakaugnay na konsepto at katanungan tungkol sa mga aspekto ng fieldwork: una, anu-ano ang kahalagahan at dapat isaalang-alang sa pagpasok sa mga ili?; ikalawa, sinu-sino ang mga umili at paano makikitungo sa kanila? At ikatlo, anu-ano ang mga gampanin at pananagutan ng isang mengidi sa pagsasagawa ng pananaliksik? Pagkatapos sagutin ang mga katanungan, lalagumin ang mga ito at bibigyang-diin ang naging bunga ng pagtatagpo ng mga ili, umili, at mengidi. Sa huli, maglalatag ng ilang payo (bilin) para sa mga mananaliksik na nagnanais na magsagawa ng kanilang pag-aaral sa mga katutubong pamayanang kultural sa Pilipinas.


Si. G. Reginaldo ay kasalukuyang instructor sa Departamento ng Kasaysayan at Pilosopiya, Kolehiyo ng Agham Panlipunan, Unibersidad ng Pilipinas sa Baguio.


Nagtuturo siya ng kasaysayan na nakatuon sa kasaysayan ng mga kalinangan at katutubong pangkat sa Pilipinas at Timog-Silangang Asya. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts in Social Sciences (History-Political Science), cum laude sa Unibersidad ng Pilipinas-Baguio at kumuha ng mga units ng MA ASEAN Studies sa University of the Philippines Open University (UPOU). Noong 2018, nabigyan siya ng grant ng KWF sa ilalim ng Lingguwistikong Etnograpiya ng Pilipinas upang magsaliksik hinggil sa wika at kalinangan ng mga katutubong pamayanang kultural sa Benguet at Kayapa, Hilagang Luzon.

*lagsik ay salitang Sebwano na ang ibig sabihin ay sigla



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 23, 2021






Hello, Bulgarians! Ang Social Security System (SSS) ay nagdagdag ng Pension Loan Program (PLP) at Retirement Benefit Modules sa ExpreSSS e-Learning (ExSSSel) Portal noong Hunyo at Setyembre 2021, kung saan ang 1.8 milyong pensiyunado sa pagreretiro ay maaaring ma-access ang mas detalyadong impormasyon tungkol sa nasabing mga programa.


“We know the vulnerability of our pensioners to the COVID-19 virus. This is why the SSS gave them an opportunity to pursue an additional e-learning experience at the comfort of their homes, anytime and anywhere. With the flexible schedule, ExSSSel Portal will help our pensioners to gain more knowledge about SSS at their own pace and time. They can access it 24-hours a day, 7-days a week. They can also take the exam to assess their understanding, which makes it a more enjoyable and rewarding activity,” saad ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio.


Ang ExpreSSS e-Learning (ExSSSel) Portal ay online computer-based training tungkol sa iba’t ibang SSS programs na unang inilunsad noong Nobyembre 2020 na naglalayong turuan ang mga miyembro, employer at ang publiko sa pamamagitan ng SSS module-based learnings. Maaaring pag-aralan ang mga modyul na ito sa kanilang sariling kaginhawaan nang libre.


Ang ExSSSel Portal ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagsunod sa mga simpleng hakbang na ito: (1) pumili ng module, (2) magrehistro online, (3) pag-aralan ang module, (4) kumuha ng post examination, at panghuli, (5) maghintay para sa e-certificate.


Sa pagpili ng module, ang mga miyembro at interesadong indibidwal ay maaaring pumili mula sa: Modulel 1 (Sickness), Module 2 (Maternity), Modulel 3 (Unemployment), Module 4 (Disability), Module 5 (Salary Loan), Module 6 (Pension Loan Program) at Module 7 (Retirement). Ang mga user ay maaari ring magbukas ng mga module nang sabay-sabay.


Ang mga miyembro at iba pang indibidwal ay maaaring pumunta sa http://bit.ly/ExSSSeL_Portal upang magparehistro. Pagkatapos pumili ng module, makatatanggap sila ng online registration form sa pamamagitan ng Google Form para punan nila.


Gayunman, ang mga gumagamit ng portal ay dapat paalalahanan na makukuha lamang nila ang kanilang e-certificate pagkatapos makakuha ng passing rate na hindi bababa sa 80% pagkatapos ng post-examination. Ang e-certificate ay ipadadala sa kanilang nakarehistrong e-mail address sa loob ng pitong araw na may pasok mula sa oras na kumuha ang kalahok ng post-examination at isumite ang evaluation form.


“For those who already accessed the ExSSSel Portal, we are grateful to your support to our online learning portal and rest assured that we’ll include another set of modules soon. We also encourage the rest of the learning enthusiasts, especially our members, pensioners, and employers, to explore the ExSSSel Portal to be fully knowledgeable on the SSS benefits and privileges,” pagtatapos ni Ignacio.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang alinman sa mga sumusunod na SSS social media accounts tulad ng SSS official FB Page sa “Philippine Social Security System — SSS”; SSS Viber Community sa “MYSSSPH Updates”; Instagram sa “mysssph”; twitter sa “PHLSSS” at YouTube sa “MySSSPhilippines.”


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page