top of page
BULGARY - FYANG, SINABIHANG ANG KAKAPAL NG MUKHA NG MGA TODO-SUPPORT SA THAI ACTORS KESA M
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 31, 2021





Hello, Bulgarians! Gagawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino ng Kampeon ng Wika 2021 si Nora C. Villamayor aka Nora Aunor dahil sa kanyang hindi matatawarang ambag sa larangan ng pelikulang Pilipino na sumalamin sa buhay ng mamamayang Pilipino.


Siya ay batikang artista, mang-aawit, prodyuser, at nakatanggap ng iba’t ibang parangal mula FAMAS Award, Gawad Urian Award, Metro Manila Film Festival, Luna Awards, Gawad Tanglaw, at iba pa.


Kinilala sa bansa at international community ang kaniyang mga pelikulang: All Over The World; Guy and Pip; Lollipops and Roses; My Blue Hawaii; And God Smiled At Me; Carmela; Fe, Esperanza, Caridad; Erap Is My Guy; Super Gee; Banaue; Niño Valiente; Tatlong Taong Walang Diyos; Minsa’y Isang Gamu-Gamo; Kaming Matatapang Ang Apog; Bakekang; Little Christmas Tree; Pag-ibig Ko’y Awitin Mo; Atsay; Ikaw Ay Akin; Huwag Hamakin: Hostess; Mahal Mo, Mahal Ko; Ina Ka ng Anak Mo; Annie Batungbakal; Bona; Kastilyong Buhangin; Himala; Till We Meet Again; I Love You Mama, I Love You Papa; Halimaw; Penoy Balut; Bilangin Ang Bituin Sa Langit; Andrea, Paano Ba Maging Isang Ina?; Ang Totoong Buhay ni Pacita M; The Flor Contemplacion Story; Babae; Naglalayag; Thy Womb; Ang Kuwento Ni Mabuti; Dementia; Kinabukasan; Padre De Pamilya; Taklub; Hinulid; at Tuos.


Kikilalanin din ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika bilang Kampeon ng Wika dahil sa adbokasiya na nagpapahalaga sa wikang Filipino at panitikan. Ang Tanggol Wika ay may halos 800 rehistradong kasapi na binubuo ng alagad ng wika, edukador, mananaliksik, at mag-aaral mula sa iba’t ibang unibersidad sa buong bansa.


Patuloy na isinasabalikat ng Tanggol Wika ang pag-aambag sa adbokasiyang pangwika sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga interdisiplinari/multidisiplinaring lektura, forum, webinar, atbp. sa wikang Filipino; paglo-lobby sa mga ahensiya ng gobyerno at sangay lehislatibo para sa mga adbokasiyang pangwika (mula MTB-MLE sa DepEd hanggang sa pagpapabalik ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kolehiyo); pagbubuo ng mga makabuluhang materyal na panturo sa wikang Filipino at sa ibang larangang maituturo sa wikang Filipino tulad ng Kasaysayan, Araling Pangkultura, atbp.; at pagtataguyod ng mga makabuluhang repormang sosyo-ekonomiko sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng Filipino sa mga napapanahong pahayag, praymer, atbp.


Magaganap ang makasaysayang araw na ito sa 9 Nobyembre 2021, ganap na 10:00 NU—12:00 NT SA Legazpi Ballroom Makati Diamond Residences, Brgy. San Lorenzo, Legazpi Village, Lungsod Makati at naka-live stream sa Live sa www.facebook.com/komfilgov

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 30, 2021





Hello, Bulgarians! Sa isang simpleng turn over ceremony, ibinigay ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma ang P49 milyong halaga ng tseke sa Local Government Units (LGUs) bilang STL shares at Commission on Higher Education (CHED) bilang mandatory contribution.


Ilang LGUs mula sa National Capital Region (NCR) ang tumanggap ng Php32 milyon bilang Small Town Lottery (STL) shares habang ang CHED ay tumanggap ng Php17 milyon bilang Mandatory Contribution. Ang turn over ceremony ay ginanap sa likod ng PCSO Conservatory Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City noong Huwebes, Oktubre 28.


Ang mga tatanggap ng Php32,089,135.42 ay ang Taguig City na may Php7,556.34, Pateros City Php32,280.46, Makati City Php 25,647.27, San Juan City Php98,695.12,


Mandaluyong City Php 63,566.83, City of Manila Php9,287,534.54, Parañaque City Php214,884.70, Muntinlupa City Php232,289.36, Marikina City Php384,369.48, Quezon City Php15,069,633.41, Las Piñas City 2,731,702.76, Pasay City Php3,290,194.87 at Pasig City Php637,780.28.

Bukod sa pamamahagi ng LGU STL shares, naglalabas din ang PCSO ng halagang Php17,005,497.30 sa Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Bureau of Treasury. Ito ay bilang pagsunod sa mandatory contribution nito alinsunod sa RA#7722 na nagbibigay ng 1% ng kabuuang benta ng lotto sa Commission on Higher Education (CHED).


Ang mga lokal na pamahalaan ay tumatanggap ng porsiyento mula sa kabuuang kita sa mga operasyon ng PCSO sa kanilang mga lugar. Ang mga bahaging ito ay maaaring gamitin ng LGU para sa kani-kanilang proyekto.


Ang pagtutulungan sa pagitan ng PCSO at LGUs ay may mahalagang papel sa pagbuo ng pondo, na buong bansa ang makikinabang. Ang PCSO ay nagbibigay ng pondo para sa mga proyekto at mga gawaing pangkawanggawa sa buong bansa habang ang LGU ay maaring gamitin ang pondo ng PCSO para sa mga proyektong kapaki-pakinabang sa kani-kanilang munisipalidad, bayan at lungsod. Dalawang magkahiwalay na ahensya ang nagtatrabaho nang magkatulad patungo sa pagbuo ng bansa.

Hinikayat ni GM Garma ang iba pang LGU na muling isaalang-alang ang pakikipag-partner sa PCSO dahil hindi lamang ito nagbibigay ng karagdagang trabaho sa lugar, ngunit nakakatulong din na mapalakas ang ekonomiya. Maaari din silang mag-avail ng STL at lottery shares bilang karagdagang kita sa kani-kanilang area of ​​responsibility.


“PCSO is not gambling, it does not take skill to win in our games, it is truly a game of chance!


That alone differentiates us from other gaming institutions; Larong may Puso po kami kasi portion po ng aming kinikita ay bumabalik sa pagtulong sa mga kababayan natin nangangailangan ng medikal na atensyon at bukod d’yan marami din po kami natutulungan na mga institusyon, hospital, biktima ng kalamidad at mga lokal na pamahalaan.


Magtulungan po tayo para sa ating mga kababayan,” pagtatapos ni PCSO GM Garma.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | October 28, 2021





Hello, Bulgarians! Sa isang simpleng turn over ceremony, ibinigay ni PCSO General Manager Royina Marzan Garma ang P49 Million na halaga ng tseke sa Local Government Units (LGUs) bilang STL shares at Commission on Higher Education (CHED) bilang mandatory contribution.

Ilang LGU mula sa National Capital Region (NCR) ang tumanggap ng Php32 Million bilang Small Town Lottery (STL) shares habang ang CHED ay tumanggap ng Php17 Million bilang Mandatory Contribution. Ang turn over ceremony ay ginanap sa likod ng PCSO Conservatory Building, Shaw Boulevard, Mandaluyong City, ngayong Oktubre 28.


Ang mga tatanggap ng Php32,089,135.42 ay ang Taguig City na may Php7,556.34, Pateros City Php32,280.46, Makati City Php 25,647.27, San Juan City Php98,695.12, Mandaluyong City Php 63,566.83, City of Manila Php9,287,534.54, Parañaque City Php214,884.70, Muntinlupa City Php232,289.36, Marikina City Php384,369.48, Quezon City Php15,069,633.41, Las Piñas City 2,731,702.76, Pasay City Php3,290,194.87 at Pasig City Php637,780.28.

Bukod sa pamamahagi ng LGU STL shares, naglalabas din ang PCSO ng halagang Php17,005,497.30 sa Commission on Higher Education (CHED) sa pamamagitan ng Bureau of Treasury. Ito ay bilang pagsunod sa mandatory contribution nito alinsunod sa RA#7722 na nagbibigay ng 1% ng kabuuang benta ng lotto sa Commission on Higher Education (CHED).

Ang mga lokal na pamahalaan ay tumatanggap ng porsyento mula sa kabuuang kita sa mga operasyon ng PCSO sa kanilang mga lugar. Ang mga bahaging ito ay maaaring gamitin ng LGU para sa kani-kanilang mga proyekto.

Ang pagtutulungan sa pagitan ng PCSO at LGUs ay may mahalagang papel sa pagbuo ng pondo, na buong bansa ang makikinabang. Ang PCSO ay nagbibigay ng pondo para sa mga proyekto at mga gawaing pangkawanggawa sa buong bansa habang ang LGU ay maaring gamitin ang pondo ng PCSO para sa mga proyektong kapaki-pakinabang sa kani-kanilang mga munisipalidad, bayan at lungsod. Dalawang magkahiwalay na ahensya ang nagtatrabaho nang magkatulad patungo sa pagbuo ng bansa.

Hinikayat ni GM Garma ang iba pang LGU na muling isaalang-alang ang pakikipag-partner sa PCSO dahil hindi lamang ito nagbibigay ng karagdagang trabaho sa lugar, ngunit nakakatulong din na mapalakas ang ekonomiya. Maaari din silang mag-avail ng STL at lottery shares bilang karagdagang kita sa kani-kanilang area of ​​responsibility."PCSO is not gambling, it does not take skill to win in our games, it is truly a game of chance! That alone differentiates us from other gaming institutions, Larong may Puso po kami kasi portion po ng aming kinikita ay bumabalik sa pagtulong sa mga kababayan natin nangangailangan ng medikal na atensyon at bukod dyan marami din po kami natutulungan na mga institusyon, hospital, biktima ng kalamidad at mga lokal na pamahalaan. Magtulungan po tayo para sa ating mga kababayan" pagtatapos ni PCSO GM Garma.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page