top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 12, 2021





Hello, Bulgarians! Makikita sa datos mula sa Philippine Airlines na ang positivity rate sa mga papasok na pasahero mula Estados Unidos ay napakababa sa 0.3 porsiyento lang, na katumbas lang ng 0.6 pasahero sa average na 200 pasahero bawat flight. Kahit sa punong 777 flight na may 377 pasahero, ito’y katumbas lang ng 1.13 pasaherong nahawa bawat flight.


Sapat nang dahilan ito para bigyan ang mga balikbayan ng chance na makauwi sa bansa ngayong Pasko, ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion.


Ginawa ni Concepcion ang apela sa pambansang pamahalaan sa gitna ng patuloy na pagpapabawal sa mga biyahero mula North America, na tahanan ng maraming Pinoy OFWs, immigrants at kanilang mga pamilya.


Hindi kabilang ang US at Canada sa mga bansang nasa Green list ng Pilipinas, kaya kailangang sumailalim ng mga biyahero galing sa mga bansang ito na magpa-COVID test matapos ang limang araw sa quarantine facility. Ang panahon sa quarantine ay sinasabing pangunahing dahilan kaya karamihan sa mga biyahero mula North America ay ipinagpapaliban ang pagbiyahe sa Pilipinas ngayong Kapaskuhan.


Ipinanukala ni Concepcion na ang mga biyahero mula North America ay masuri na bago sumakay at muling sumailalim sa testing sa bahay o sa isang quarantine hotel pagdating sa Pilipinas. Ang panukalang sistema ay mangangailangan ng kumpirmadong schedule mula sa mga pasahero.


“Testing before departure and testing upon arrival with no quarantine required will be beneficial for a lot of balikbayans wanting to see their families. They can do testing at their homes if within NCR or in a facility for one day if they are from other places,” wika ni Concepcion, sa pagsasabing, “magbibigay ito ng kapayapaan ng isip sa mga magbabalik na Pilipino at kanilang mga bahay sa buhay. Ang paghihintay sa negatibong test result ay maliit na bagay kumpara sa kasiguruhang ito.”


Samantala, batay sa risk assessment na isinagawa ni Fr. Nick Austriaco ng OCTA Research sa dagdag na COVID cases sa bansa noong Oktubre, nakita na mayroon lang 0.9 porsiyentong positivity rate, batay sa buwanang average na 6,000 swabs na isinagawa sa inbound passengers, katumbas ng 54 kaso kada buwan o 1.8 kaso bawat araw, na mas mababa kumpara sa lokal na hawaan ng virus.


Napansin din ng OCTA Research na mula sa lokal na hawaan ang halos lahat ng bagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayon, at dahil walang lumilitaw na bagong variants mula sa Delta, maaari itong gamiting batay sa pag-aaral ng banta sa pagtanggap ng biyahero mula North America.


Nabakunahan na ng National Capital Region ang mahigit 85 porsiyento ng target population nito, at ang bilang ng bagong kaso ay bumagsak sa average na 600 kaso kada araw, ayon sa OCTA Research. Ang totoo, bumagsak ang tinatawag na key indicators sa antas na hindi pa nakita bago natukoy ang Delta variant sa bansa. Ang average na average daily attack rate (ADAR) sa NCR ay bumagsak din sa 4.45 kada 100,000 indibidwal at ang reproduction rate ay bumagsak sa 0.43 sa NCR.


“The increased vaccination rates and the dip in new COVID-19 cases should be reason enough for the IATF to consider easing restrictions on travelers coming from North America,” wika ni Concepcion. “Our kababayans want to come back and reunite with their loved ones.”


Samantala, patuloy namang bumababa ang bilang ng kaso ng COVID sa US, habang bumagsak din ang bilang ng mga nao-ospital at namamatay.


Sa forum na ginawa ng Go Negosyo noong nakaraang buwan, ibinahagi ni US Ambassador Jose Romualdez na 90 porsiyento ng mga Pilipino na nakabase sa US ay nabakunahan na at marami nang sabik bumalik sa Pilipinas, ngunit nag-aalala sa quarantine protocols na ipinatutupad sa mga bansang hindi kabilang sa Green countries tulad ng US.


Ayon kay Concepcion, ang pagpapaluwag ng panuntunan sa pagbiyahe para sa North America ay magpapalakas ng aktibidad ng ekonomiya sa ikaapat na bahagi ng taon, lalo na kung isasama ang mga biyahero mula sa ibang bansa sa panukalang mas pinagaan na panuntunan sa pagbiyahe.


“Many MSMEs are counting on the increased holiday and pre-election spending to help them recover from the losses during the pandemic. They will be able to pay back their loans and earn enough to provide for their workers’ 13th month pay. There are many things that depend on letting our kababayans come home this Christmas,” wika pa niya.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 11, 2021




Hello, Bulgarians! Muling nalampasan ng Pag-IBIG Fund ang dati nitong rekord sa gitna ng patuloy na pandemya sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mahigit P65 bilyong home loan sa nakalipas na siyam na buwan, inihayag ng mga opisyal ng ahensiya noong Biyernes, Nobyembre 5.


Mula Enero hanggang Setyembre, naglabas ang ahensiya ng home loan na nagkakahalagang P65.48 bilyon, na siyang pinakamataas na halagang inilabas kompara sa nakaraang siyam na buwan. Kung ikukumpara sa mga nagdaang taon, ang halagang ibinayad sa taong ito ay lumago ng 80% mula sa P36.43 bilyon na inilabas sa parehong panahon noong 2020 at 11.5% na mas mataas kaysa sa P58.73 bilyon na inilabas sa parehong panahon noong 2019, na kung saan ay taon ng pinakamahusay ang Pondo.


“Even as the country continues to face the challenges posed by pandemic, Pag-IBIG Fund was able to set a new record in terms of housing loan takeouts by the end of the third quarter.


This means that more and more Filipino workers are becoming homeowners which is good news as this growth contributes to the economic recovery efforts of the government led by President Rodrigo Duterte,” saad ni Secretary Eduardo D. del Rosario, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang halagang inilabas noong Setyembre ay tumustos sa pagkuha ng 77% pang tahanan ngayong taon - sa kabuuan ay umabot na sa 63,765 units para sa mga miyembro nito.


Idinagdag niya na mula sa P65.48 bilyon na inilabas, mahigit P6.71 bilyon ang napunta para pondohan ang 15,456 socialized housing unit para sa minimum-wage at low-income sectors at ang mga socialized housing unit na ito ay bumubuo ng higit sa 24% ng buong bilang ng mga tahanan na tinustusan mula Enero hanggang Setyembre.


“We have one more quarter left before 2021 ends and judging by our home loan releases in the previous three quarters, I am confident of achieving another banner year. So far, our average monthly home loan releases hovers around P7 billion. It even peaked at over P9 billion in June.


In the third quarter alone, our home loan releases amounted to P21.14 billion. If this trend holds, home loan releases by the end of the year will likely breach the P90 billion mark and may even reach P100 billion. This shows the grit and resilience of Pag-IBIG to serve our members no matter the circumstance,” pahayag ni Moti.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 10, 2021



Hello, Bulgarians! Nakatutuwang kahit nasa panahon tayo ng pandemya, marami pa ring makabuluhang balita ang ating nababasa. Katulad ng ginawaran ng Komisyon sa Wikang Filipino ng Dangal ng Wika at Kultura 2021 ang Sentro ng Wika at Kultura ng Bukidnon State University dahil sa mataas na antas ng kahusayan at episyenteng pagsasagawa ng mga proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino at sa hindi mapasusubaliang pangunguna at pagtataguyod sa mga gawaing pangwika at pangkultura, gayundin sa buong suporta ng pamunuan ng unibersidad at ng komunidad na kinabibilangan nito. Naisakatuparan ang mga proyekto tungo sa ibayong pag-unlad at pagsulong ng wikang Filipino sa mithiing pangwikang naaayon sa gawaing pang-unibersidad at sa mandato ng KWF. Ang SWK sa unibersidad na ito ay pinamumunuan ni Dr. Rodello D. Pepito at sinusuportahan ng pangulo ng unibersidad na si Dr. Oscar B. Cabañelez.


Ginawaran din ng KWF ng Selyo ng Kahusayang sa Wika at Kultura 2021 ang Sentro ng Wika at Kultura ng Sorsogon State College at Sentro ng Wika at Kultura ng Western Mindanao State University dahil sa mahusay at episyenteng pagsasagawa ng mga proyekto ng Komisyon sa Wikang Filipino at sa hindi mapasusubaliang pangunguna at taguyod sa mga gawaing pangwika at pangkultura tungo sa ibayong pag-unlad at pagsulong ng wikang Filipino.


Ang SWK Sorsogon State College ay pinamumunuan ni Dr. Felisa D. Marbella sa suporta ng pangulo ng unibersidad na si Dr. Helen R. Lara at SWK Western Mindanao State University na pinangangasiwaan ni Dr. Aubrey F. Reyes sa suporta ng pangulo ng unibersidad na si Dr. Ma. Carla A. Ochotorena.


Iginawad ang parangal kahapon, 9 Nobyembre 2021 sa KWF Araw ng Parangal na idinaos sa Legaspi Ballroom, Makati Diamond, Residences, Lungsod Makati.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page