top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 19, 2021



Hello, Bulgarians! Paano planong tulungan ng mga kandidato para sa nasyonal na posisyon sa 2022 ang micro, small and medium enterprises ng bansa?


Ito ang layong sagutin ng “Kandidatalks” sa serye ng mga palabas kung saan tampok ang mga kandidato para sa mga pambansang puwesto sa darating na halalan sa 2022.


Nakatakda ang premiere ngayong Nobyembre 19, inaasahang na ang “Kandidatalks” ay makakakuha ng pinakamaraming manonood sa Go Nego Show ng Go Negosyo, na nakakuha ng halos mahigit kalahating milyon na kabuuang views sa tatlong beses kada linggo nitong palabas.


Isang proyekto ng Go Negosyo bilang espesyal na serye sa Go Nego Show na ipinalalabas nang live sa Facebook, tututok ang “Kandidatalks” kung ano ang naghihintay sa MSMEs sa darating na 2022 elections.


Gagawing magaan at masaya nina “Kandidatalks” hosts Betong Sumaya at Love Añover usapan habang kinikilala ng mga manonood ang mga kandidato sa personal na antas.


Dadalo rin si Go Negosyo Lead Adviser Josephine Romero bilang moderator ng talakayan, pati na si Presidential Adviser for Entrepreneurship and Go Negosyo founder Joey Concepcion.


Inaasahang itataas ng “Kandidatalks” ang antas ng talakayan tungkol sa 2022 elections, at idinisenyo ito para hikayatin ang publiko na makinig sa mga plataporma ng mga pambansang kandidato, lalo na tungkol sa kanilang plano kung paano tutulungan ang mga entrepreneurs.


Dagdag pa rito, magpapamigay ang show ng P2 milyon sa kabuuan ng “Kandidatalks” series upang tulungan ang masusuwerteng manonood na magtatag o magpalaki ng kanilang negosyo.


Ang serye ay gagawin kasabay ng ika-16 anibesaryo ng Go Negosyo ngayong Nobyembre.


“Napakaraming MSMEs sa bansa at malaki ang kanilang kontribusyon sa ekonomiya. Nais nating malaman ang mga plano ng mga national candidate para tulungan ang ating entrepreneurs,” wika ni Concepcion.


Idinagdag pa niya na maraming isyung kinahaharap ang entrepreneur ng bansa. Pangunahin dito ay kung paano sila makababangon mula sa COVID pandemic dahil marami sa kanila ang baon sa utang at maraming empleyado na umaasa sa kanila. Ang papel ng kababaihan, na bumubuo sa malaking bahagi ng entrepreneur ng bansa ay magiging bahagi rin ng talakayan.


“Mahalaga ang liderato para maalis ang Pilipinas mula sa pandemya at patungo sa landas ng pagbangon at pag-unlad,” ani Concepcion.


Inaasahang dadalo ang mga kandidato para sa pangulo, pangalawang pangulo at mga senador sa “Kandidatalks”. Ang premiere ng show ay gagawin ngayong Nobyembre 19, alas-6: 00 ng gabi, at marami pang show ang ipalalabas sa pamamagitan ng streaming ngayong Disyembre.


Ang mga kandidato mismo ang namili kung kailan nila gustong humarap sa “Kandidatalks”. Si Ernesto Abella ang panauhin sa unang broadcast ngayong Nobyembre 19, na susundan ni Vice-President Leni Robredo sa Nov. 22, Sen. Manny Pacquiao sa Nov. 24, Ka Leody de Guzman sa Nov. 26, at dating Sen. Bongbong Marcos sa December 1.


Nakatakda ring humarap sina Sen. Ping Lacson (Dec. 20), Sen. Christopher “Bong” Go, at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa “Kandidatalks”, pati na ang mga vice-presidential candidates na sina dating Manila Mayor Lito Atienza sa Dec. 3, dating Davao City Mayor Sarah Duterte Carpio, Sen. Francis Pangilinan, Sen Vicente Sotto, at Dr. Willie Ong.


Para makapanood ng “Kandidatalks”, i-like lang ang Go Negosyo page sa Facebook, at panoorin ang Facebook Live streaming ng “Kandidatalks”, mamaya, Nobyembre 19, alas-6:00 ng gabi.


Ilalagay din sa Go Negosyo Facebook page ang update para sa iba pang schedule.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 18, 2021





Hello, Bulgarians! Ang Social Security System (SSS) ay nakapag-ayos ng kabuuang 7,158 online Funeral claim applications mula Enero hanggang Hunyo 2021, na nagkakahalaga ng P166.31 milyon, mas mataas ng 313.7 porsiyento mula sa ikalawang semestre ng 2020.


Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, na mas maraming miyembro ang komportable na sa paggamit ng iba’t ibang online service facility nito, na makikita sa napakalaking pagtaas na natanggap at naproseso para sa settlement.


“Now that the My.SSS Portal is very accessible for members and claimants to virtually transact with SSS and conveniently receive their cash benefits through their disbursement accounts; we are highly receiving positive feedbacks from stakeholders that our services have greatly improved through the years. Long queues in branches have been reduced while the processing time for benefit settlements has also been shortened,” sabi ni Ignacio.


Bilang pagsunod sa Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Services Delivery Act of 2018, ipinatupad ng SSS ang mandatory online filing ng funeral claims sa pamamagitan ng My.SSS Portal, kasama ng iba pang serbisyo at programa, noong Hulyo 2020 upang mabigyan ang mga naghahabol ng mas madali, mas simple, at mas mabilis na paraan ng paghahain ng mga aplikasyon para sa claim ng benepisyo sa funeral sa pamamagitan ng brand campaign nito, ExpreSSS.


Ang funeral benefit, na umaabot sa P20, 000 hanggang P40, 000 ay ibinibigay sa sinumang gumastos sa libing ng namatay na miyembro ng SSS, permanent total disability pensioner o retirement pensioner.


Upang magsumite ng mga aplikasyon, ang naghahabol ay kailangang may rehistradong account sa My.SSS Portal sa SSS Website at naka-enroll sa disbursement account sa ilalim ng Disbursement Account Enrollment Module (DAEM) na matatagpuan sa E-services Menu ng parehong portal. Ang miyembro-claimant na walang My.SSS account ay maaari na ngayong magpatuloy sa registration link http://member.sss.gov.ph/members.


Sa ilalim ng kasalukuyang Circular No. 2021-007 na inilabas ng SSS noong Hulyo 2021, ang pagkakaroon ng SSS Unified Multi-Purpose ID (UMID) o SSS digitized ID o aplikasyon para sa UMID card ay hindi na pre-requisite para sa online filing ng funeral claim.


Samantala, ang mga claimant na hindi miyembro ng SSS ay maaaring magsumite ng kanilang duly-accomplished funeral claim application at supporting documents sa pinakamalapit na SSS branch.


Ang step-by-step na pamamaraan sa pagsusumite ng aplikasyon sa funeral claim online at over-the-counter, pati na rin ang listahan ng mga kinakailangan sa dokumentaryo ay maaaring ma-access sa pamamagitan ng link na ito https://bit.ly/3dai4TK.


Ang mga nagsumite ng kanilang aplikasyon online ay makatatanggap ng abiso sa e-mail na successful submission of the funeral claim application na nagsasaad ng kinauukulang sangay na itinalaga para sa pagproseso ng paghahabol at ang kasunod na pag-apruba o pagtanggi nito.


Ang mga pagbabayad ng funeral benefit ay dapat awtomatikong maikredito sa UMID card ng claimant na naka-enroll bilang ATM o ang kanilang gustong disbursement account na nakarehistro ng claimant sa pamamagitan ng DAEM, kung walang UMID card na naka-enroll bilang ATM.


Para sa karagdagang impormasyon, sundan ang SSS sa Facebook at YouTube sa “Philippine Social Security System,” Instagram sa “mysssph”, Twitter sa “PHLSSS”, bisitahin ang USSSapTayo Portal sa crms.sss.gov.ph o sumali sa Viber Community nito sa “Mga Update sa MYSSSPH”


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 17, 2021





Hello, Bulgarians! Inilunsad kamakailan ng Government Service Insurance System (GSIS) ang online version ng GSIS Guide to Transactions and Processes (GTAP). GTAP ang unang electronic at online Citizen’s Charter (gabay sa basic frontline at iba pang serbisyo sa mga pampublikong kompanya) sa gobyerno ng Pilipinas.


Maaaring ma-access ang GTAP sa pamamagitan ng website ng GSIS at malapit nang maging available sa mobile application na GSIS Touch. Maaari itong ma-access ng publiko sa pamamagitan ng pag-type ng https://gtap.gsis.gov.ph/ sa web browser.


“Last year, GTAP was only accessible through kiosks situated in GSIS offices nationwide. Now, we made it available online to protect our members and pensioners from the virus. You can now download and install GTAP in any mobile phone to be guided in transacting with GSIS.


You can also access it in our website@ www.gsis.gov.ph. So far, GTAP is the first of its kind in the government. We transformed our Citizen’s Charter into a user-friendly and more accessible form in the process of complying with Republic Act No. 11032 or the Ease of Doing Business and Delivery of Government Services Act,” saad ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet.


Nagsimula ang GTAP noong nakaraang taon bilang information kiosk na matatagpuan sa GSIS main office at branch offices sa buong bansa. Sa halip na basahin ang charter ng GSIS mula sa tarpaulin, maaaring gamitin ng mga miyembro ang touch screen feature nito upang basahin ang impormasyon sa mga serbisyo ng GSIS; mabilis na gabay sa step-by-step na proseso; eligibility at mga requirement; at GSIS personnel na may pananagutan sa bawat transaksiyon.


“Through GTAP, GSIS translates its commitment to provide uninterrupted and flexible service especially during the pandemic. COVID-19 has dramatically changed the public service delivery landscape and we have to respond accordingly by using contactless and convenient methods of serving our members and pensioners,” dagdag ni Macasaet.


Noong unang ipinataw ang community quarantine sa buong bansa, agad na kumilos ang GSIS na tumanggap ng mga aplikasyon ng loan at claim sa pamamagitan ng contactless na pamamaraan upang magpatuloy sa paglilingkod sa publiko.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page