top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 27, 2021





Hello, Bulgarians! Sikat ngayon at mas ginagamit ng mga Pilipino ang digital na pagbabayad kaysa dati. Noong nakaraang buwan, iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas na ang digital na pagbabayad ay bumubuo ng 20.1 porsiyento ng lahat ng mga transaksiyon sa 2020, higit doble ang bilang mula 10 porsiyento mula sa dalawang taong nakalipas. Ang malakas na momentum na ito ay lumilikha ng mga pagkakataon, partikular na para sa mga enterprising Filipino na nakikibahagi sa e-commerce.


Upang matulungan ang micro, small, and medium enterprises (MSMEs) na mapakinabangan ang lumalagong trend, ang Union Bank of the Philippines (UnionBank), ang digital trailblazer ng rehiyon at ang nangungunang bangko sa bansa para sa MSMEs ay naglunsad ng groundbreaking feature na mas madali at secure ang mga e-payments hindi lamang para sa mga customer kundi pati na rin para sa MSMEs — ang bagong UPAY para sa MSME.


Inihayag ito sa Bank’s 12th E-TalkTales media event, pinangunahan ni UnionBank Vice-President at MSME Segment Head Jaypee Soliman, at UnionBank Merchant Acquiring and Payment Gateway Head Gerry Austria kung saan ang talakayan sa kritikal na papel ng pag-digitize ng mga pagbabayad ay mabilis umuusbong sa merkado ng bansa.


Sinimulan ni Soliman ang talakayan tungkol sa estado ng digital na pagbabayad sa bansa, na binanggit ang makabuluhang paglaki sa bilang ng mga Pilipinong gumagamit ng solusyon sa pagbabayad na ito. Isang indikasyon na ang mga Pilipino ay mas bukas na ngayon sa ideya ng pagiging cash-lite society.


Ang UPAY ay isang groundbreaking digital payments solution na idinisenyo upang gawing accessible sa MSMEs ang pagtanggap ng maraming opsiyon sa pagbabayad.


Nag-aalok ito ng fully integrated, single platform payment collection na kompleto sa iba pang feature na maaaring gawing mas madali ang pagbabayad para sa mga entrepreneur, kabilang ang pag-generate ng payment link na may multiple collection channel, at ang opsiyong bumuo ng InstaPay QRPH para sa mga digital at physical channel.


“UPAY for MSMEs is a payment gateway that is embedded in our MSME Business Banking App.


Businesses of all sizes and types now have the power to generate payment links, request payments, send it to their customers and provide multiple payment options, all these reconciled and credited to a single UnionBank account,” pahayag ni Soliman.


“When we conceptualized UPAY for MSMEs, we wanted to do away with all the different hassles that the merchant is experiencing to set up his payments, one of which is having to connect to a point-of-sale system, having to have different devices, having to have to download different apps,” saad ni Austria.


“Second, it’s the efficiency in doing business. You don’t need to be in your physical store to actually have a customer pay you. You can actually be vacationing somewhere else and someone wants to buy a product which they saw through your post on Instagram or Facebook. You can actually just create a payment link and send it to that customer, so it’s very convenient for both the merchant and the customer,” dagdag pa ni Austria.


Sa pamamagitan ng bagong feature, gustong i-level ng UnionBank ang playing field para sa MSMEs sa pamamagitan ng paggawa ng feature na naa-access, na dati ay available lang sa mas malalaking merchant bilang bahagi ng mga enterprise platform.


Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kompanya at sa artikulong ito, pakibisita

www.unionbankph.com/msme/upay



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 26, 2021



Hello, Bulgarians! Kamakailan ay nakubra na ng dalawang bagong milyunaryo ang jackpot prize sa magkasunod na Lotto 6/42 draw na binola noong ika-28 at 30 ng Oktubre 2021.


Sa bola na ginanap noong ika-28 ng Oktubre, biglang-yaman ng mahigit na P5.9 milyon ang isang mananaya matapos niyang makuha ang tamang kombinasyon na 37-09-25-14-28-04, ang masuwerteng ticket ay kanyang nabili sa isang lotto outlet sa Valenzuela City, Metro Manila. Isa siyang Sales Agent, 27-anyos at nag-iisa sa buhay. Ayon sa kanya, mahigit siyam na taon na siyang tumataya ng lotto at ang mga numerong nabanggit ay kanyang alagang numero noon pa man. “Ako ay buong-pusong nagpapasalamat sa Diyos sa biyayang dumating sa akin at lalung-lalo na sa PCSO, dati hindi ako naniniwala, akala ko hindi totoo ang PCSO, subalit lumabas ang mga numero ko”. “Nais kong gamitin ang pera para sa negosyo, bibili ako ng bahay at lupa para sa pamilya ko.”


Ang isa pang instant milyunaryo ay mula sa Ormoc City, Leyte na nanalo ng jackpot prize na P5,940,000 matapos niyang tamaan ang mga tamang numero na 26-05-42-32-15-19 noong ika-30 ng Oktubre, 2021. Siya ay 55-taong gulang, walang asawa at high-school graduate. Sa kasalukuyan, mayroon siyang maliit na sari-sari store na kanilang ikinabubuhay.


Ayon sa kanya, ang kanilang buong pamilya ay mananaya ng lotto, kaya noong namatay ang kanyang ama, hiniling niya rito na sana ay gabayan siya sa mga numerong kanyang tinatayaan.


“Natutuwa ako at nalulungkot kasi may tax pero salamat pa rin sa Diyos. Plano kong magtayo ng lotto outlet, magdagdag ng puhunan sa tindahan at magbigay sa aking mga kapatid.”


Nagpapasalamat si PCSO General Manager Royina M. Garma sa lahat ng mga Pilipinong sumusuporta at tumatangkilik sa mga “Larong May Puso” katulad ng STL, Lotto and Digit games, Keno and Instant Sweepstakes Scratch-it tickets. Halika na! Tumaya at manalo, baka kayo na ang susunod na milyunaryo.


Para sa karagdagang impormasyon at ibang detalye ng mga laro, produkto at serbisyo ng PCSO mangyaring bisitahin ang PCSO official website www.pcso.gov.ph, PCSO FB page https://www.facebook.com/pcsoofficialsocialmedia at ang PCSO GOV para sa YouTube.



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | November 25, 2021





Hello, Bulgarians! Access sa credit, pagsama sa public procurement programs at pagtulong sa MSMEs pagdating sa imprastruktura para makasabay sa new normal.


Ito ang ilan lamang sa mga planong ibinahagi ni Vice-President Leni Robredo nang humarap ito sa “Kandidatalks” show ng Go Negoshow ng Go Negosyo kapag siya ang naging susunod na pangulo ng Pilipinas.


Ang forum kasama ang Bise-Presidente ay nakaakit ng mahigit 366, 000 viewers nang ipalabas ito nang live sa Facebook at ibinahagi ng siyam na pambansang media outlets noong Nobyembre 22. Isang proyekto ng Negosyo bilang espesyal na serye sa Go Negoshow, nakatuon ang “Kandidatalks” kung ano ang naghihintay sa small, medium at micro-entrepreneurs (MSMEs) sa darating na 2022 national elections.


Sinabi ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, na sinamahan ang mga host na sina Josephine Romero, Betong Sumaya at Maey Bautista, na ang pagiging tanging babae ni Robredo sa karera sa pagka-pangulo sa 2022 ay napakahalaga para sa entrepreneurs, lalo pa’t babae ang bumubuo ng 90 porsiyento ng maliliit na entrepreneurs sa bansa. “She has the unique chance of helping and inspiring all the nanays who have turned to entrepreneurship to improve their lives,” ani Concepcion.


Naalala ni Concepcion na si Robredo ay matagal nang masugid na tagasuporta ng MSMEs at idinagdag pa na nauunawaan niya ang buong balangkas at ang kanyang mga proyekto ay may parehong layunin na matulungan sila. Si Robredo ay bahagi rin ng ilang proyekto ng Go Negosyo, tulad ng Filipina Entrepreneurship Summit, 55 Inspiring Stories of Women Entrepreneurs, at ang ASEAN 2017 Prosperity for All Summit.


“Our office has benefited from Go Negosyo’s Mentor Me programs,” wika ni Robredo, na partikular na binanggit ang mga farmer entrepreneurs ng Camarines Sur. “We have been a partner of Go Negosyo’s programs from the time I became vice-president,” dagdag pa nito kasabay ng pagbanggit sa Angat Buhay summit noong 2016.


Sa “Kandidatalks”, ipinabatid ng Bise-Presidente ang kanyang mga plano sakaling manalo bilang pangulo. Kabilang na ang paglalaan ng Php100 bilyong stimulus package para sa MSMEs bilang bahagi ng COVID recovery plan ng bansa upang hindi na kailangang magtanggal ng mga empleyado ang maliliit na negosyo. Kabilang sa recovery plan ay skills training, livelihood grants at online jobs-matching, na kasalukuyang ginagawa ng kanyang tanggapan.


Sinabi ng Bise-Presidente na kailangan ng tulong ng MSMEs para maiakma ang kanilang negosyo sa imprastruktura para maging handa sila sa new normal. Kabilang ang paglikha ng green spaces at pagpapaganda ng bentilasyon, at gawin silang handa na i-digitize ang kanilang mga negosyo, na mangangailangan ng espesyal na loan. “The mindset in planning should be geared toward creating more green spaces, more open spaces, and well-ventilated infrastructures,” wika niya.


Plano rin niyang suportahan ang MSMEs sa tulong ng pagpapalakas ng access sa pautang sa pamamagitan ng direct lending sa mga bangko na pag-aari ng gobyerno at pagbibigay ng insentibo sa buwis sa social enterprises. Plano rin niyang isama ang MSMEs sa pagbili ng pampublikong sektor. Kung maganda ang presyo at kalidad, sinabi niya na dapat bumili ang pamahalaan sa MSMEs.


“When I was a member of the 16th Congress, I filed the Sustainable Public Procurement Bill, which aimed to amend the procurement law,” wika niya. Ipinaliwanag ni Robredo na bilang nangungunang consumer sa bansa, hindi dapat tumingin sa presyo ang pamahalaan kundi dapat ikonsidera ang epekto ng mga pagbili nito sa lipunan, ekonomiya at kalikasan. Ayon sa kanya, hindi makasabay ang MSMEs sa malalaking bidders at kailangan may criteria, bukod sa presyo, pagdating sa pagbili ng pamahalaan.


Sinabi pa niya na kailangan ng maliliit na negosyo ang oportunidad para sa pagbabago, at dito papasok ang incubator programs na makatutulong at makahihikayat sa startups.


Ibinahagi rin ng Bise-Presidente sa “Kandidatalks” ang ilan sa mga proyekto ng kanyang tanggapan na nakatulong sa maliliit na entrepreneur na makayanan ang pandemya.


Nakatulong ang Angat Buhay program, na simulan ng Office of the Vice-President apat na taon ang nakalipas, para makatugon sila nang mabilis sa panahon ng pandemya. “It started with the PPEs,” wika ni Robredo. Kinuha ng kanyang tanggapan ang ilang komunidad ng mananahi para gumawa ng PPE na kanilang ipinamahagi sa mga ospital.


“We were able to hit two birds with one stone,” ani Robredo.


Ibinahagi rin niya na naging sunud-sunod na ang mga proyekto, na nagbigay sa kanila ng pagkakataong maglunsad ng iba pang proyekto, tulad ng pagtulong sa mga school-based eateries na maglagay ng online presence at pagbibigay kabuhayan sa public transport workers sa pamamagitan ng paghahatid ng mga produkto mula sa mga palengke sa mga komunidad.


Nakapagtanong din ang maliliit na entrepreneurs kay Robredo. Tinanong ni Merechel Mercado, na mayroong island-hopping business, ang Bise-Presidente kung bakit mahalagang tulungan ang maliliit na negosyo. Sinabi ng VP na sa mahigit 950,000 enterprises, 99.5 porsiyento ay MSMEs, at 88.77 porsiyento sa mga ito ay microenterprises. “Small enterprises play a big role in our economy,” wika pa niya, kasabay ng pagsasabing lumilikha ang mga ito ng 5.3 milyong trabaho.


“They are the backbone of the economy, but they are the ones who have a hard time,” sabi pa ni Robredo, na ipinaliwanag na madalas kulang ang kapital at iba pang pagkukunan ng MSMEs para makasabay sa mga krisis.


“What we realized during the pandemic is that there are many good people out there; they just need to know how to help,” dagdag pa ni Robredo, na iginiit na nakatutulong ang mga organisadong programa.


Ipinalabas nang live ang “Kandidatalks” sa Facebook page ng malalaking print at online media outlets at ilan sa mga nangungunang kompanya at organisasyon ng bansa.


Sunod na haharap sa “Kandidatalks” si Sen. Manny Pacquiao noong Nov. 24, Ka Leody de Guzman sa Nov. 26, dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa December 1, at Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa Dec. 20. Nakatakda ring humarap sina Sen. Christopher “Bong” Go, at Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa Kandidatalks, pati na ang mga kandidato bilang Bise-Presidente na sina dating Manila Mayor Lito Atienza sa Dec. 3, at Sen. Vicente Sotto sa Dec. 8.


Inaasahan ding dadalo sa show sina Davao City Mayor Sara Duterte Carpio, Sen. Francis Pangilinan, at Dr. Willie Ong.


Ang “Kandidatalks” ay kaalinsabay ng ika-16 anibesaryo ng Go Negosyo ngayong Nobyembre.


Para makapanood ng “Kandidatalks”, i-like lang ang Go Negosyo page sa Facebook, at panoorin ang Facebook Live streaming ng “Kandidatalks” tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes alas-6:


00 ng gabi. Ilalagay din sa Go Negosyo Facebook page ang update para sa iba pang schedule.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page