top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 04, 2021





Hello, Bulgarians! Ang pagharap ni presidential aspirant at dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.’ bilang tampok na kandidato sa “Kandidatalks” series ng Go Negosyo ay nakaabot sa mahigit isang milyong katao at nakakuha ng 379,000 kabuuang views nang ipalabas ito Facebook page ng Go Negosyo noong ika-1 ng Disyembre.


Sa nasabing programa, ibinahagi ni Marcos ang kanyang mga plano kapag siya ay naging susunod na Pangulo ng Pilipinas. Kabilang ang pag-rationalize sa buwis at paglalaan ng mga bahagi ngg Internal Revenue Allotment (IRA) sa micro, small, medium enterprises (MSMEs), pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at transportasyon at pagpapatuloy ng “Build Build Build” program ni Pangulong Duterte.


Sinabi ni Marcos na mahalaga ang tulong na bigay ng MSMEs para makabangon ang bansa mula sa pandemya. “People need jobs, and the biggest bang for our buck are the MSMEs,” wika niya, sa pagsasabing ang epekto ng pagtulong sa MSMEs ay agad mararamdaman kahit na ng malalaking korporasyon.


“Most people are willing to become entrepreneurs, but we [now] find MSMEs in a difficult situation,” wika pa niya, sa pagsasabing karamihan sa mga ito ay baon na sa utang. “If we have ayuda for individuals, we should have ayuda for MSMEs.”


Sinabi rin ni Marcos na dapat ding ikonsidera ng gobyerno ang pagbibigay ng tax amnesty sa MSMEs na naapektuhan ng pandemya at i-rationalize ang istraktura ng pagbubuwis at maliliit na negosyo. Naniniwala siya na makakahikayat ito sa kanila na sumunod sa mga requirements sa buwis at pataasin ang kanilang credit rating. Dagdag pa rito, dapat hindi patawan ng VAT ang produkto ng MSMEs, tulad ng mga kooperatiba na kumikita ng P10 milyon o mas mababa.


Naniniwala rin si Marcos na maaaring gamitin ang bahagi ng IRA ng mga lokal na pamahalaan para tulungan ang mga MSMEs, lalo pa’t madadagdan na ang kanilang alokasyon sa ilalim ng Mandanas ruling. Sinabi pa niya na ang mga organisasyon tulad ng Go Negosyo ay makatutulong kung maaasahan ba ang business plan ng mga MSMEs.


“They have the capacity from the added IRA, now the capability and training has to go into that”, wika ni Marcos, na nagsabi pang ang pagpapaunlad sa maliliit na negosyo, dapat magsimula sa mga lugar na mababa ang bilang ng kaso ng COVID at mataas ang vaccination rate.


Nang tanungin ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion kung alin sa mga programa ng kanyang ama ang nais niyang ipagpatuloy, sagot ni Maarcos ay: “The most important thing is the sense of nationhood that we felt when he was President,” sa pagsasabing sa panahon ng kanyang ama, ang pagkakaroon ng kaalaman sa kultura at pagiging mulat ang nagsilbing pagkakakilanlan ng mga Pilipino.


Sa nasabing forum, tinanong si Marcos ng nangungunang negosyante tungkol sa kanyang plano pagdating sa pagpapalago ng produksiyon sa sektor ng agrikultura.


“One of the first things we felt during COVID was the food supply problem,” wika ni Marcos.


“It showed the weaknesses in our agricultural system.” Bilang pagpapaalala sa “Masagana 99” program ng kanyang ama, sinabi niya ang pagkilos ng bansa, dapat higit pa sa pagtatanim ng palay, ngunit dapat umabot sa R&D at suporta sa mga magsasaka sa pamamagitan ng loan at access sa agricultural inputs. Aniya, dapat mag-mechanize na ang sektor ng agrikultura para mapababa ang production cost at dapat lumaki ang mga maliliit na sakahan sa pamamagitan ng pagtatayo ng mas maraming kooperatiba.


Idinagdag pa niya na dapat magkaroon ang bansa ng estratehikong supply ng bigas at hindi lang dapat maging importer. “This was what NFA used to do: stabilize market prices of commodities and keep prices at a level where farmers can still earn,” wika ni Marcos. Ayon sa kanya, ang ilang pagkilos ng gobyerno tulad ng Food Terminal Inc. at Kadiwa stores ay matagumpay dahil isinama n’yo ang solusyon sa pagiging produktibo ng sektor ng agrikultura.


Kailangan ding paunlarin ang iba pang aspeto ng agrikultura, tulad ng high value crops, livestock at pangisdaan. “An accompanying program to Masagana 99 was the provision of bancas to fishermen … We need to update that and have bigger and better equipment for our fishermen,” wika pa niya. “Agriculture is a critical element of the socioeconomic structure; it is the foundation. We cannot build industrialization unless we have a strong agricultural foundation,” dagdag pa niya.


Para kay Marcos, krusyal din ang imprastruktura. Aniya, walang pangmatagalang solusyon sa agrikultura ang magtatagumpay kung walang dam, na nagsisilbing irigasyon at flood control, ngayong mayroong climate change. Nais din niyang ipagpatuloy ang “Build Build Build” program kung saan isasama niya ang mga imprastrukturang may kinalaman sa digital at kuryente. Itinuro ni Marcos ang kawalan ng tinatawag na capital-intensive investments sa bansa dahil sa mataas na presyo ng kuryente. Kaya naman, iginiit niya na dapat magkaroon ng mas maraming renewable energy.


Nais din ni Marcos na paunlarin ang transport at logistics system ng bansa dahil mahalaga ito kapag nagsimula nang bumabangon ang ekonomiya at tumaas ang demand. Aniya, dahil sa pandemya, lumabas ang kahinaan ng supply line ng bansa, tulad ng lumitaw na hamon sa paghahanap ng cold storage para sa mga bakuna at paghahatid ng mga produkto noong lockdown.


Nakatuon ang “Kandidatalks” series sa kung ano ang naghihintay sa mga MSMEs ng bansa sa darating na halalan. Tumatayong host sina Betong Sumaya at Love Añover, kasama si Go Negosyo Senior Adviser Josephine Romero. Para makapanood ng “Kandidatalks”, i-like lang ang Go Negosyo page sa Facebook, at panoorin ang Facebook Live streaming ng “Kandidatalks” tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes alas-6: 00 ng gabi.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 03, 2021





Hello, Bulgarians! Mula sa mahabang linggong pagdiriwang ng ika-87 Anibersaryo, nakipag-ugnayan ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa ating mga kababayan sa pagbibigay ng iba’t ibang tulong sa Norte.


Kamakailan, bumisita si Vice-Chairperson at General Manager Royina Marzan Garma sa Cagayan upang ibigay ang tulong sa Cagayan, Nueva Vizcaya at Kalinga. Kasama niya si Northern and Central Luzon Department Manager Maria Lourdes Soliman, Cagayan Branch Manager Mr. Heherson Pambid at ang mga Branch Head sa mga kalapit na probinsiya. Ang turnover activity ay ginanap sa Camp Marcelo Adduru, Tuguegarao City, Cagayan.


Kabuuang halaga ng P5.2-M na tulong na binubuo ng food packs, gamot, medical supplies at kagamitan ang ibinigay sa mga Munisipyo ng Cagayan na kinabibilangan ng Aparri,

Camalaniugan, Sta. Ana, Rizal, Sta. Praxedes, Iguig, Sanchez Mira, Sto. Niño, Baggao, Tuao, Buguey, Abulugm Pamplona, Sta. Teresita, Lasam, Solana at Tuguegarao City; Ang mga munisipalidad ng Nueva Vizcaya na binubuo ng Bagabag, Sta. Fe, Bayombong, Kayapa, Solano, Dupax del Norte, Villaverde, Diadi, Quezon, Aritao at Bambang; at Munisipyo ng Kalinga kabilang ang Balbalan, Rizal, Pasil, Pinukpuk at Tabuk City. Ang iba pang nakatanggap ng nasabing tulong ay ang Cagayan PNP Provincial Office, PNP Regional Office 02, Solana Christian Fellowship, University of Saint Louis – Tuguegarao City, Cagayan Bureau of Fire Protection, Kalinga Provincial Hospital at Nueva Vizcaya Provincial Integrated Health Office.


Binanggit ni GM Garma na ang iba’t ibang tulong na ibinigay ay bahagi ng mga proyekto ng Corporate Social Responsibility (CSR) ng ahensiya, bilang karagdagan sa tulong-medikal ng programa at serbisyo ng kawanggawa nito. Ito ang paraan ng PCSO para ibalik sa mga taong patuloy na tumatangkilik sa mga produkto ng ahensiya.


Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, umapela si GM Garma sa mga naroroon sa aktibidad na suportahan ang mga produkto ng PCSO at gayundin sa mga dati nang tumatangkilik, na patuloy na maging katuwang ng ahensiya sa pamamagitan ng pagtaya sa lotto, digit games, at ticket ng STL. “Nakikiusap po ako sa inyo, suportahan po natin ang mga larong may puso ng PCSO dahil kung wala pong tataya sa aming mga laro, wala rin po kaming magagamit na pantulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong-medikal at wala rin po kaming maibibigay ng tulad ng mga ipinamigay namin ngayon,” sabi ni GM Garma.


Bilang tugon sa tulong ng PCSO, nagpapahayag ng kanyang taos-pusong pasasalamat at mensahe ng pagkilala sa ngalan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Kalinga sinabi ni Dra. Sheena Bangcaya ng Kalinga Provincial Hospital at Mayor ng Asela Sacramed ng Sanchez Mira, Cagayan “No amount of words can express how thankful we are to PCSO.” Habang ibinahagi kung gaano sila kasaya at nagpapasalamat hindi lang sa mga natanggap nilang tulong noong araw na iyon, kundi sa lahat ng mga naunang tulong na ipinaabot sa kanila ng PCSO tulad ng ambulansiya at mga gamot.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | December 01, 2021



Hello, Bulgarians! Matagumpay na naisagawa ang makasaysayang lagdaan ng Memorandum ng Kasunduan (MOA) ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at Gunglo dagiti Mannurat nga Ilokano iti Filipinas (GUMIL Filipinas) na dinaluhan ni Dr. Arthur P. Casanova, Tagapangulo, KWF, Dr. Benjamin M. Mendillo Jr., Fultaym Komisyoner para sa Wikang Ilokano, Remy Albano, Pangulo, Gumil Filipinas (GF) at Bise Gobernador ng Lalawigan ng Apayao, at Neyo E. Valez, GUMIL Filipinas (GF) Secretary General sa Bulwagang Balmaseda, Komisyon sa Wikang Filipino, 26 Nobyembre 2021.


Binanggit ni Tagapangulong Casanova na ang kasunduan ay hakbang ng KWF upang isakatuparan ang mandato ng ahensiya na paunlarin at payabungin ang wikang Filipino kasabay ang pagpapayabong ng mga katutubong wika sa bansa. Naibahagi rin niya na ang wikang Ilokano ay may bahagi sa kanyang puso dahil ang kanyang ina ay nagmula sa Urdaneta, Pangasinan at ginamit nila ang wikang Ilokano sa kanilang tahanan.


Binigyang-diin ni Komisyoner Casanova na ang kasunduan ay dokumento na magsisilbing patunay na pinahahalagahan ng KWF ang mga katutubong wika kabilang ang wikang Ilokano.


Kinilala ni Komisyoner Mendillo ang kahalagahan ng kasunduan dahil ito ay nagpapakita ng pagkakaisa ng KWF at Gumil Filipinas (GF) ng kanilang adhika na mapataas ang antas wikang Ilokano. Dagdag pa nito, kinikilala ng KWF ang GUMIL Filipinas (GF) bilang malaking institusyon at matibay na haligi upang mabantayan at mapaunlad ang wikang Ilokano.


Naniniwala rin siya sa galing at talino ng mga namumuno ng institusyon at sa kanilang pagtuturo ng tamang Ilokano. Dagdag pa ni Dr.Mendillo, kinikilala ng KWF ang mga pagsisikap ng GUMIL Filipinas sa kanilang patuloy na ginagawang pag-aaral ng wikang Ilokano.


Nagpasalamat naman ang pangulo ng GUMIL Filipinas na si Bise-Gobernardor Remy N. Albano mainit na pagtanggap sa KWF at sa pakikiisa ng ahensiya kahalagahan ng wikang Ilokano at umaasa silang magiging matagumpay ang kasunduan ng dalawang panig.


Nagpasalamat din siya kay Tagapangulong Casanova dahil sa pagkakataong makatrabaho ng GUMIL Filipinas ang KWF sa mga usapin hinggil sa wikang Ilokano.


Ang masigasig na pakikipag-ugnayan ni Komisyoner Mendillo, Jr. ang naging daan upang maisakatuparan ang kasunduan at magkaroon ng mga proyektong pangwika ang KWF at GUMIL Filipinas sa mga darating na panahon kabilang ang paggawa ng diksyunaryong Ilokano para sa 2022.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page