top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 25, 2022





Hello, Bulgarians! Muling nagtala ng record-high ang Pag-IBIG Fund sa kanilang home loan na umabot sa halos P100 bilyon, kahit sa gitna ng patuloy na paglaban sa pandemya para sa 2021.


Naglabas ng nagkakahalagang P97.28 bilyon para sa home loan at pansamantalang nag-release para sa loan ng house construction at renovation na nagkakahalagang P3.5 bilyon, sa kabuuan ay umabot sa P100.8 bilyon. Pinakamataas na halagang inilabas ng ahensiya sa isang taon. Ang halagang ibinayad noong 2021 ay lumago ng 58% kumpara sa P63.75 bilyon na inilabas noong 2020 at nalampasan ng 16% ang P86.74 bilyon na inilabas noong 2019, dating record-high ng ahensiya.


“While the country is still facing challenges caused by the pandemic, I am happy to report that Pag-IBIG released more than P100 billion in home loans in 2021, surpassing its ‘best-ever’ figure which it achieved in 2019, before the health crisis started. This is very good news for our members because bigger releases mean that more Filipino workers have become homeowners even during the pandemic. The growth in home loan disbursements also contributes to the economic recovery efforts of the government,” pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, na namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at ng 10-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang inilabas na halaga ay tumustos sa pagkuha ng 94,533 housing unit para sa mga miyembro nito, na tumaas ng 48% kumpara sa 63,750 housing unit na pinondohan noong 2020. Sa halagang inilabas, P9.71 bilyon ang tumustos sa pagkuha ng 22,028 socialized housing unit para sa mga miyembro kabilang sa minimum-wage at low-income sectors, o 23% ng kabuuang bilang ng mga bahay na pinondohan para sa buong taon ng 2021.


“We previously thought that releasing P100 billion in home loans in one year was impossible.


Yet, even when our home loan releases were at P57 billion in 2016, we still targeted the release of P100 billion by 2022. And, thanks to the commitment of your Lingkod Pag-IBIG and the support of our stakeholders, we have already surpassed P100 billion in home loan releases in 2021 - a year earlier than our target date and even during a pandemic! What truly is significant behind this number is that we were able to serve more Filipino workers during the most difficult times and we remain a catalyst for the Philippine housing industry to thrive even amid the pandemic. I am grateful to everyone who helped make this seemingly impossible goal come true.” Pahayag ni Moti.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 22, 2022





Hello, Bulgarians! Nilinaw ng Social Security System (SSS) na ang mga trabahador na nahawaan ng COVID-19 na nasa kanilang tahanan ay sakop sa ilalim ng Sickness Benefit Program nito, taliwas sa mga kamakailang ulat sa media.


Ipinaliwanag ng SSS na ang mga miyembro na hindi makapagtrabaho dahil sa pagkakasakit o injury at naka-confine sa ospital o sa bahay ng hindi bababa sa apat na araw ay maaaring maka-avail ng sickness benefit. Bukod sa mga may trabahong miyembro, nagbibigay din ang SSS ng benepisyo sa pagkakasakit sa mga self-employed, voluntary at overseas Filipino worker (OFW) na miyembro.


Ang SSS Sickness Benefit Program ay daily cash allowance na binabayaran para sa bilang ng araw na hindi makapagtrabaho ang kuwalipikadong miyembro dahil sa pagkakasakit o pinsala, kabilang ang mga manggagawang nahawaan ng COVID-19. Ang mga miyembro ay maaaring mag-avail ng maximum 120-araw sa sickness benefit sa loob ng isang (1) taon.


Ang mga miyembrong nahawaan ng COVID-19 na nasa home confinement ay maaaring maging kuwalipikado sa ilalim ng programa kung nagbayad sila ng hindi bababa sa tatlong buwanang kontribusyon sa loob ng huling 12-buwan bago ang semestre ng pagkakasakit o pinsala at naka-confine sa ospital o sa bahay nang hindi bababa sa apat na araw.


Para sa mga may trabahong miyembro, dapat ginamit nila ang lahat ng kanilang kasalukuyang sick leave sa kumpanya na may bayad at ipaalam sa kanilang employer ang tungkol sa kanilang pagkakasakit. Sa kabilang banda, ang mga self-employed, voluntary at overseas Filipino worker na miyembro at ang mga nahiwalay sa trabaho ay dapat direktang ipaalam sa SSS sa pamamagitan ng paghahain ng aplikasyon para sa sickness benefit.


Gayundin, kailangang magpakita ng positive Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test o Rapid Antigen Test (RAT) ang mga miyembrong nahawaan ng COVID na ginawa sa pasilidad na kinikilala ng Department of Health; o RAT result gamit ang Food and Drug Administration-approved test kit; o non-FDA-approved RAT result kasama ang kopya ng Certificate of Completion of Quarantine na inisyu at nilagdaan ng isang Medical Officer mula sa yunit ng lokal na pamahalaan o ng Barangay Health Emergency Response Team.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | January 20, 2022





Hello, Bulgarians! Nagsimulang mag-alok noong Enero 14, ang Social Security System (SSS) ng Calamity Assistance Package sa mga miyembro at pensiyunado na apektado ng Bagyong Odette.


Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Aurora C. Ignacio, na ang Calamity Assistance Package ay binubuo ng Calamity Loan Assistance Program (CLAP) at tatlong buwang advance pension para sa mga pensiyunado, na iaalok hanggang Abril 13, 2022, samantalang ang Direct House Repair and Improvement Loan para sa mga miyembro, sa mga lugar na apektado ng Bagyong Odette na idineklara ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay magbubukas sa mga kuwalipikadong miyembro sa loob ng isang taon pagkatapos mailabas ang SSS Circular No. 2021-020.


Maaaring maka-avail ng SSS Calamity Assistance Package ang mga miyembro at pensiyunado sa MIMAROPA, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at CARAGA, gayundin sa iba pang lugar na idineklara ng NDRRMC na nasa state of calamity dahil sa bagyo.


“It is unfortunate that the recent typhoon affected the daily lives and livelihood of our members and pensioners in these several areas. Through the SSS Calamity Assistance Package, we can extend financial aid to our members and pensioners as they try to recover from the effects of Typhoon Odette,” saad ni Ignacio.


Ang member-borrower ay magkakaroon ng anim na buwang moratorium para sa buwanang amortisasyon at pagbabayad ng interest. Sisimulan lang nilang bayaran ang kanilang loan amortization sa ika-7 buwan mula sa pag-apruba nito at babayaran ng equal monthly installment.


Ang mga interesadong miyembro ay maaaring maghain ng kanilang aplikasyon sa Member Loans Department sa SSS Main Office para sa mga nasa NCR, o sa Housing and Acquired Asset Management Sections na matatagpuan sa SSS San Pablo para sa mga nasa Southern Luzon, SSS Cebu para sa mga nasa Central Visayas, SSS Bacolod para sa Western Visayas, SSS Davao para sa Southern Mindanao, SSS Cagayan De Oro para sa Northern Mindanao, at SSS Zamboanga para sa Western Mindanao.


Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang uSSSap Tayo Portal sa https://crms.sss.gov.ph, sundan ang SSS sa Facebook sa “Philippine Social Security System - SSS,” Instagram at YouTube sa “mysssph,” Twitter sa “PHLSSS,” o sumali sa Viber Community nito sa “MYSSSPH Updates.”


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page