top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 10, 2022



Hello, Bulgarians! Nagtipun-tipon muli ang kinatawan ng mga Katutubong Pamayanang Kultural at mga ahensya ng pamahalaan para isapinal ang Adyenda sa Pangangalaga ng mga Nanganganib na Wika noong 30 Hunyo hanggang 2 Hulyo 2022.


Sinimulang buoin ang Adyenda na ito noong 2019 na may pangunahing layunin na ilatag ang pambansang plano para sa pangangalaga, pagpapalakas at pagpapaunlad ng mga katutubong wika ng Pilipinas, lalo na ang mga wikang nanganganib nang mawala.


Layunin din nitong ibalangkas ang mga programa at gawain na magsisilbing gabay ng KWF at ng iba pang ahensya at institusyon na nais makibahagi sa pangangalaga ng mga wika ng Pilipinas. Inaasahan din na sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng prayoridad at magkakaroon ng kaisahan at direksyon ang lahat ng mga inisyatiba at pagsisikap na pangalagaan ang mga katutubong wika ng bansa.


Sa pagsasapinal ng Adyenda binibigyang-diin nito ang kahalagahan ng holistikong tugon sa suliranin ng panganganib ng wika na kadalasan ay dulot ng kahirapan, diskriminasyon at kawalan ng access sa serbisyong panlipunan gaya ng edukasyon at kalusugan. Nais ding kilalanin ng Adyendang ito ang angking kakayahan ng mga Katutubong Pamanayan para pamunuan ang kanilang sarili at pangalagaan ang kanilang wika at kultura.


Ibabahagi naman ang naisapinal na Adyenda sa Pambansang Kongreso para sa mga Nanganganib na Wika na gaganapin sa 24 hanggang 26 Oktubre 2022.


Ang mga dumalong kinatawan ay mula sa Katutubong Pamayanan Kultural ng Karolano, Isinay, Manobo, Tboli, Blaan, Subanën, Ayta Magbukun, Yakan, Kinamiging, Mënuvu Ubo, at Banwaon at mula sa mga tanggapan ng DepEd, DOH, NCCA, NCIP, BFAR-DA, NEDA. NAPC, at KWF.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 7, 2022



Hello, Bulgarians! Nagkasundo ang Philippine Postal Corporation (Post Office) at Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang Memorandum of Agreement (MoA) na gawing online (www.phlpost.gov.ph.) na ang pagbabayad ng customs duties and taxes sa post office.


Layunin ng naturang kasunduan na gawing episyente, hassle free at mapagkakatiwalaan ang pagbabayad ng buwis at maiwasan, kung hindi man ay mabawasan ang korapsyon alinsunod sa Republic Act No. 11032 o mas kilala na “Ease of Doing Business at Efficient Government Service Delivery Act of 2018”.


Ayon sa Post Office, “Ang paghahatid at paglilinis ng mga packages o parsela at mga mail matters ay magiging madali, mabilis at simple, at inaasahan na mapapakinabangan ng mga kostumer at mamimili na nagpapadala sa mga sangay ng post office at sa ibang bansa, upang lalong maisulong ang industriya ng “e-commerce” na inaasahang malaki ang maiaambag sa pag-unlad ng bansa.


Pinangunahan nina Postmaster General Norman Fulgencio at Bureau of Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero ang pirmahan ng kasunduan kasabay ng isinagawang pagdiriwang sa ika-125 taong Anibersaryo ng tanggapan ng Pananalapi (Department of Finance).


“For the first time, in the 75 years of being a Republic, the Post Office Digital Innovation will enhance the competitiveness of the post office in the local and International market”, ayon kay Postmaster General Norman Fulgencio.


Ayon pa sa kanya, “It is important for the public to understand that all mails and parcels may be subject to customs examination, duties, taxes and other fees”.


“This Duterte Legacy signifies the commitment and support of the Post Office especially under the new administration of President Ferdinand Romualdez Marcos Jr. in serving the public who deserve no less than the best postal service by global standards”, dagdag pa ni Fulgencio.


Unang isinagawa ng PHLPost ang paglulunsad ng programa sa pagbabayad ng customs duties and taxes sa pamamagitan ng Post Office website at mobile application noong nakaraang May 19, 2022 sa pagbisita ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Post Office.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | July 6, 2022



Hello, Bulgarians! Muling nalampasan ng Pag-IBIG Fund ang nakaraang rekord sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mahigit P40 bilyon na home loan sa unang limang buwan ng 2022, inihayag ng mga matataas na opisyal, kamakailan.


Mula Enero hanggang Mayo, naglabas ang ahensya ng home loan na nagkahahalaga ng P40.41 bilyon, ang pinakamataas na halagang inilabas sa unang limang buwan sa kasaysayan nito. Kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, ang halagang ibinayad sa ngayon ay lumago ng 15% mula sa P35.28 bilyon na inilabas sa parehong panahon noong 2021.


“Pag-IBIG has once again set a new record in the amount of home loan releases to begin the first five months of the year. We are happy that the number of Filipino workers who are able to become homeowners through the Pag-IBIG home loan programs continue to grow. Our consistent performance also indicates that the home loan policies we have set in place have been effective, and we expect that these would continue to enable even more Filipino workers to have decent and affordable homes in safe, sustainable and resilient communities,” pahayag ni Secretary Eduardo D. del Rosario, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang halagang inilabas noong Mayo ay tumustos sa pagkuha at pagpapatayo ng 36,865 na bahay para sa mga miyembro ng Pag-IBIG Fund, 5% na mas mataas kaysa sa 34,979 na pinondohan sa parehong panahon noong nakaraang taon.


Idinagdag niya na mula sa kabuuang bilang ng mga bahay na tinustusan, 6,787 o 18% ay mga socialized housing unit na ngayon ay pag-aari ng mga minimum-wage at low-income worker.


“Last year, we surpassed the P100-billion peso level in home loan releases, a feat we previously thought was impossible. This year, with our record-high home loan releases from January to May, we are optimistic that Pag-IBIG Fund is well on its way to yet another banner year. Should the current trend hold, we expect to release at least P105 billion pesos in home loans by year's end. I am confident that our outstanding performance on the home loan front will be sustained, especially under the leadership of our Deputy CEO for Home Lending Marilene C. Acosta, who has been instrumental in our record-breaking performance in home loan releases since 2017”, pahayag ni Moti.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page