top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 26, 2022


Hello, Bulgarians! Pararangalan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pitong guro mula sa iba’t ibang panig ng bansa bilang Ulirang Guro sa Filipino. Sa taong ito, dalawang guro sa elementarya ang pararangalan, sina Warren A. Norberte ng Lungsod Butuan SPED Center at Gladys M. Jovellano ng Bagacay Elementary School.


Dalawang guro rin ang nagwagi mula sa sekondarya, sina Alma T. Bautista ng Santos Ventura National High School at Christina D. Macascas ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Tatlo naman ang mula sa kolehiyo, sina Lita A. Bacalla at Rowena C. Largo na parehong nagmula sa Cebu Normal University, at Alvin Rom De Mesa ng Leyte Normal University.


Ang Ulirang Guro sa Filipino ay taunang gawad na ipinagkakaloob ng KWF sa mga gurong nakapag-ambag sa pagpapalaganap at promosyon ng wikang Filipino at/o mga wikang katutubo ng Pilipinas at kultura sa larangan ng pagtuturo sa kanilang komunidad sa pamamagitan ng pananaliksik, seminar, pagsasanay, palihan, at iba pang katulad na gawain.


Gaganapin ang Araw ng Parangal sa 4 Oktubre 2022. 10:00 sa Hotel Lucky Chinatown, Binondo, Maynila. Mapapanood din ito nang live sa Facebook page ng KWF.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 24, 2022



Hello, Bulgarians! Hinihikayat ng Social Security System (SSS) ang lahat ng mga magsasaka, mangingisda at iba pang self-employed na nasa impormal na ekonomiya na magparehistro sa SSS at magbayad ng kanilang mga kontribusyon sa ilalim ng bago at mas flexible na iskedyul. Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Michael G. Regino na ang bagong scheme ng pagbabayad ng kontribusyon ay magpapahintulot sa mga nabanggit na miyembro na magbayad ng mga kontribusyon para sa alinman sa huling 12-buwan sa kasalukuyang buwan.


Sinabi ni Regino na kung magbabayad ang magsasaka ng kanyang SSS kontribusyon sa Oktubre 28, 2022, sa ilalim ng bagong programa, maaari pa rin niyang bayaran ang kanyang buwanang kontribusyon sa nakalipas na 12 buwan bago ang Oktubre 2022 o mula Oktubre 2021 hanggang Setyembre 2022.


Ipinaliwanag niya na nagtakda ang SSS ng bagong contribution payment scheme na naaayon sa panahon ng pag-aani ng mga magsasaka at mangingisda. Batay sa pag-aaral ng SSS, ang mga magsasaka at mangingisda ay karaniwang may dalawang panahon ng pag-aani sa isang taon at mga apat hanggang limang buwang salat.


Dagdag pa niya na ang mga self-employed na miyembro ng SSS ay may karapatan sa mga benepisyo sa social security, tulad ng sickness, maternity, retirement, disability, funeral at death. Kuwalipikado rin sila para sa mga loan programs, kabilang ang salary, calamity at educational assistance. Bukod sa SSS coverage, sinabi ng SSS chief na ang mga self-employed member ay mayroon ding karagdagang coverage mula sa Employees’ Compensation (EC) Program para sa mga contingencies na may kinalaman sa trabaho.


Sinabi ni Regino, na maaari nilang bayaran ang kanilang mga kontribusyon sa SSS sa pamamagitan ng mga digital payment platform tulad ng SSS Mobile App, Bayad o GCash mobile apps at ShopeePay. “May opsyon din silang magbayad sa pamamagitan ng internet banking facility ng Security Bank at Union Bank of the Philippines basta mayroon silang existing deposit account sa nasabing mga bangko.


Ang pinakahuling datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ay nagpakita na ang bansa ay mayroong 9.4 milyong self-employed skilled agricultural, forestry, at fishery workers. Sa mga ito, sinabi ni Regino, na nasa 636,000 lamang ang nakarehistro sa SSS.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | September 23, 2022



Hello, Bulgarians! Hinikayat ng Top executives ng Pag-IBIG Fund ang mga employer na may unremitted contributions para sa kanilang mga empleyado na gamitin ang penalty condonation program ng ahensya at ayusin ang kanilang mga obligasyon – bago pa man at sa panahon ng pandemya – nang maging libre sa anumang buwanang singil sa penalty sa mga naantalang remittances.


“We at Pag-IBIG Fund recognize the significant role that the business community plays in allowing Filipino workers to gain Pag-IBIG membership, and in helping our nation continue to recover from the pandemic. That is why we are providing the means for employers to settle the unremitted Pag-IBIG contributions of their employees free from penalty charges. With this program, we expect more Filipino workers to enjoy the benefits of being a Pag-IBIG member in line with the call of President Ferdinand R. Marcos, Jr. to provide a better life for all Filipinos,” sabi ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar of the Department of Human Settlements and Urban Development at Chairperson of the 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.


Sa ilalim ng charter ng ahensya, responsibilidad ng mga employer ang pagpaparehistro at pagpapadala ng mga mandatoryong buwanang kontribusyon ng mga empleyado sa Pag-IBIG, na binubuo ng mga kontribusyon ng empleyado at counterpart share ng employer. Sa pamamagitan ng penalty condonation program nito, maaari na ngayong bayaran ng mga kuwalipikadong employer ang kanilang mga empleyado na walang bayad na kontribusyon sa Pag-IBIG nang walang penalty charges.


Samantala, sinabi ni Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Acmad Rizaldy P. Moti na ang programa ay sadyang malawak ang saklaw upang makatulong sa pagpapalakas ng aktibidad ng ekonomiya. Ang programa ay sumasaklaw hindi lamang sa lahat ng unremitted na Pag-IBIG na kontribusyon ng mga employer sa panahon ng pandemic, kundi pati na rin sa lahat ng unremitted na kontribusyon bago pa man ang pandemic. Sinabi pa niya na bukod sa penalty charges sa kanilang mga naantalang remittances na 100% na pinahintulutan, ang mga employer na hindi kayang bayaran nang buo ang kanilang mga obligasyon ay maaari ding pumili ng payment plan na may mababang buwanang singil sa interes na 0.5%.


“The Pag-IBIG Penalty Condonation Program we are offering is more extensive in coverage compared to the previous programs we implemented. As we seek to provide utmost assistance to the business community, the program covers not only the unremitted contributions during the Covid-19 pandemic, but also those prior to the health crisis. With the program's favorable terms, employers are provided the means to update the monthly contributions of their employees, while maintaining a healthy cash flow to sustain their operations. This is our way of helping the business community – whose support has been instrumental in allowing Pag-IBIG Fund to post record-highs in our membership savings collections over the past many years – continue with their recovery from the effects of the pandemic,” pahayag ni Moti.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page