top of page
WINNER - LEA, IN-UNFOLLOW SINA RM AT J-HOPE NG BTS, TINAWAG NA CLOUT CHASER NG FANS-IG _ms
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | February 21, 2023




Hello, Bulgarians! Ginanap kamakailan sa Ramada Hotel, Manila ang paggawad ng certificate of accreditation sa JRS Express ng Philippine Judiciary. Layunin ng Korte Suprema ng Pilipinas na lutasin at ihatid ang mga resolusyon sa mga kaso na iniharap sa kanila ng sambayanang Pilipino sa mabilis at mapagkakatiwalaang paraan, na nagsusulong ng tapat na serbisyo at pagbuo ng bansa – tulad ng kanilang opisyal na courier, ang JRS Express.



Alinsunod sa Administrative No. 242-A2022, o Accreditation, bilang Courier Service Provider ng Korte Suprema, ang mga pleading, motions, notices, orders, judgements at iba pang pagsusumite sa korte ay maaari na ngayong ipadala sa pamamagitan ng JRS Express. Ang mga may usapin o partido ay maaari ring magpadala ng mga dokumento sa hukuman tulad ng mga pleading at motion sa Korte Suprema gamit ang opisyal na courier.


Ang JRS Express ang nangungunang kumpanya ng courier para sa next-day delivery services sa Pilipinas. Ito ay 100% Filipino-owned business at 62 taon nang naglilingkod sa mga tao. Ipinagmamalaki ng JRS ang kanilang pagtutuon ng pansin sa pagbuo ng bansa nang walang shortcut, na may higit sa 450 branches na matatagpuan sa mga pangunahing bayan at lungsod sa lahat ng 7,000+ isla sa bansa.




“Our primary purpose is to connect people and products with utmost efficiency and affordability,” pahayag ni John Paul Claparols, Administrative Officer-JRS Business Corporation.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga serbisyo nito, kabilang ang pagpapadala ng mga dokumento sa korte, maaaring bisitahin ang website nito sa www.jrs-express.com.ph at ang mga social media pages nito sa Facebook at Instagram.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | February 20, 2023




Hello, Bulgarians! Dahil sa pagtatangkang pagnanakaw sa online banking laban sa ilang mga miyembro at pensiyonado nito, nagbabala ang Government Service Insurance System (GSIS) sa publiko na maging maingat sa mga scammer at manloloko na nagpapanggap bilang mga empleyado o kinatawan ng GSIS sa pamamagitan ng telepono o sa Internet.

“GSIS will never ask for our members’ and pensioners’ banking or e-wallet information. We strongly advise our members and pensioners against giving away personal information that would compromise not only their accounts but also their safety,” pahayag ni GSIS President and General Manager Wick Veloso.

Habang umuunlad ang digitalization, nagiging mas marunong na ang mga scammer sa paggamit ng social engineering para manloko ng mga tao upang ibahagi ang impormasyon ng kanilang financial account. Sa pamamagitan ng pagpapanggap bilang isang kinatawan ng GSIS, lilinlangin nila ang mga miyembro at pensiyonado na ihayag ang kanilang konpidensyal na impormasyon, tulad ng petsa ng kanilang kapanganakan; one-time password (OTP); card verification value (CVV); personal identification number (PIN), at iba pang impormasyon tungkol sa kanilang mga online banking account.


Siniguro ng GSIS sa publiko na sineseryoso nito ang isyu sa pamamagitan ng pagtiyak na sinusunod ang cybersecurity hygiene sa lugar ng trabaho, at regular na nagpapaalala sa publiko na maging maingat sa paglaganap ng mga scam.


“Our members, pensioners, and stakeholders must protect their sensitive personal data in order to prevent their hard-earned money from being stolen by these scammers. We urge them to immediately report to GSIS any suspicious activity or unscrupulous individual posing as a GSIS employee,” saad ni Veloso.

Para mag-report ng insidente, mangyaring mag-email sa gsiscares@gsis.gov.ph, o tumawag sa 8847-4747 (kung nasa Metro Manila), 1-800-8-847-4747 (para sa Globe at TM subscribers), o 1-800-10 -847-4747 (para sa mga subscriber ng Smart, Sun, at Talk 'N Text).


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | February 19, 2023




Hello, Bulgarians! Magandang balita sa lahat ng mahilig magbasa ng mga katangi-tanging aklat dahil bukas na ang Book Fair ng Komisyon sa Wikang Filipino tuwing Miyerkules ng bawat linggo mula ika-22 ng Pebrero hanggang ika-26 ng Abril 2023, alas-9:00 ng umaga hanggang alas3:00 ng hapon sa Bulwagang Romualdez ng Komisyon sa Wikang Filipino, Malacañang Complex, Lungsod Maynila.


Tampok ang mga aklat na inilalathala ng KWF na naglalayong maabot ang mga Pilipino sa layunin na maibahagi ang mga napapanahon at mahahalagang karunungan at kulturang Pilipino.


Naniniwala ang KWF na mahalaga na mailathala ang mga katangi-tanging aklat hinggil sa usaping pangwika, araling kultural, salin, gramatika, at iba pang disiplina gamit ang wikang Filipino bilang wika ng karunungan.


Para sa karagdagang detalye at impormasyon, maaaring makipag-ugnay sa Sangay ng Edukasyon at Networking sa telepono blg. 0928-844-1349 o magpadala ng e-mail sa jeduclay@kwf.gov.ph para sa mga tanong at paglilinaw.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page