top of page
GMMTV vs Showbiz All-Star - Star Magic.jpg
Search

ni Fely Ng @Bulgarific | July 21, 2022


Hello, Bulgarians! Nilagdaan kamakailan ng Social Security System (SSS) Bangued Branch at local government unit (LGU) ng San Isidro, Abra ang Memorandum of Agreement (MOA) na makikinabang ang 107 job order (JO) at contract of service (COS) na manggagawa sa ilalim ng KaSSSangga Collect Program.

Sa ilalim ng partnership, ang JO at COS ay irerehistro bilang mga self-employed member ng SSS.


Samantala, ibabawas ng LGU ang mga buwanang kontribusyon mula sa suweldo ng mga manggagawa sa JO at COS at ipapadala ito sa SSS Bangued Branch ayon sa iskedyul.

Ang regular remittance ng mga SSS contribution ang daan upang maging kwalipikado ang mga manggagawa ng JO at COS para sa mga benepisyo sa social security tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, death and funeral, at mga benepisyo sa ilalim ng Employees’ Compensation Program tulad ng sickness, disability at death.


Maaari rin silang mag-avail ng SSS short-term loan privilege gaya ng salary and calamity.

Bilang karagdagan, ang “SSS eWheels sa Barangay” ay isinagawa rin upang dalhin ang mga serbisyo ng SSS sa mga barangay sa San Isidro at turuan ang mga residente kung paano gamitin ang iba’t ibang digital platform tulad ng SSS Website (www.sss.gov.ph), My. SSS Portal at usSSSap Tayo Portal.

Tinulungan din ng SSS ang mga nasasakupan ng LGU sa kanilang kontribusyon at pag-verify ng mga loan, pagpapatala ng disbursement account, benepisyo at mga loan application, at iba pang mga serbisyo sa SSS online.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | July 20, 2022





Hello, Bulgarians! Inihayag kamakailan ng mga opisyal ng Pag-IBIG Fund na mas abot-kaya na ang home financing para sa mga miyembro nang ibinaba ang interest rates sa housing loan nito.

“We are keenly aware of the need to provide affordable housing to our members who dream of having their own homes. With Pag-IBIG Fund’s strong performance and robust fiscal standing, we are happy to announce that we have reduced the interest rates on our housing loan, making homeownership even more attainable for all Filipino workers. This is in line with the directive of President Ferdinand Marcos, Jr. to address the country’s housing backlog and help our fellow Filipinos gain better and dignified lives under the Pambansang Pabahay para sa Pilipino Housing or 4PH Program,” pahayag ni Secretary Jose Rizalino L. Acuzar, namumuno sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) at sa 11-member Pag-IBIG Fund Board of Trustees.

Sa ilalim ng bagong rates, ang Pag-IBIG housing loan ay may mas mababang interes na 6.25% kada taon sa ilalim ng 3-year repricing period mula sa dating 6.375%.

Ang mga rate ng interes para sa 5, 10, 15, 20, 25 at 30-taon na repricing period ay nabawasan din sa 6.5 porsyento mula sa 6.625 porsyento, 7.125 porsyento mula sa 7.375 porsyento, 7.75 porsyento mula sa 8.00 porsyento, 8.50 porsyento mula sa 8.912 porsyento mula sa 9.375 porsyento at 9.75 porsyento mula sa 10.00 porsyento, ayon sa pagkakabanggit. Ang mga bagong rate ay nagsimula noong Hulyo 1.

Samantala, ang home loan rate ng ahensya sa ilalim ng 1-year repricing period nito ay nananatiling 5.75% kada taon, habang ang special interest rate para sa home loan ng mga minimum-wage earners sa ilalim ng Affordable Housing Program ay nananatiling 3 percent kada taon, ang pinakamababa sa merkado.

Ayon kay Pag-IBIG Fund Chief Executive Officer Marilene C. Acosta, nagawang bawasan ng ahensya ang kanilang home loan rates dahil sa malakas nitong fiscal standing, record-high collections at high performing loans ratio.


“We at Pag-IBIG Fund take to heart our responsibility to provide our members with affordable home financing. With our performing loans ratio at a high 92.53% and collections from both membership savings and loan payments at a record-high, we are able to effectively fund the high demand for our home loans without the need to borrow from the market. As a result, we were able to reduce the interest rates on our housing loan, despite the upward market trend. This is truly Lingkod Pag-IBIG, Tapat na Serbisyo Mula Puso, at work,” dagdag pa ni Acosta.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | July 16, 2022





Hello, Bulgarians! Pinalawig ng Government Service Insurance System (GSIS) ang condonation at restructuring program para sa mga housing accounts nito hanggang Disyembre 2025.

“Layunin naming ma-update ang housing accounts ng aming borrowers para maging maginhawa ang kanilang pagbabayad, at maging homeowners din sila. Maaaring palawigin hanggang 10 taon pa ang pagbabayad, basta hindi aabot sa 70 years old ang buyer o borrower,” pahayag ni GSIS President and General Manager Wick Veloso.

Nagbigay ang GSIS ng mga opsyon sa pagbabayad para sa mga aplikante, kabilang ang pag-waive ng mga natitirang penalty at surcharge, pati na rin ang karagdagang diskuwento sa natitirang interes.


Ayon kay Veloso, may apat na paraan ng pagbabayad sa GSIS: pagbabawas sa suweldo, buwanang cash o manager’s check, post-dated checks, o sa pamamagitan ng GSIS Housing Online Payment (GHOP).

Ang GHOP ay isang online portal ng pagbabayad na naa-access sa pamamagitan ng account ng borrower sa Union Bank of the Philippines (UnionBank).


Ang mga barrower ay dapat magparehistro upang magamit ang GHOP.


Para sa mga katanungan, maaaring mag-email sa ghop@gsis.gov.ph o hard@gsis.gov.ph.

Ang housing condonation program ay isa sa tatlong bahagi sa ilalim ng GSIS’s umbrella program, ang Pabahay para sa Bagong Bayani na Manggagawa ng Pamahalaan (PBBM).

Ang pangalawang inisyatiba sa ilalim ng PBBM housing program ay pagtatayo at pagbuo ng mga mid-to-high rise na mga gusali. Matutugunan nito ang mga pangangailangan ng miyembro sa mga partikular na lugar.


Ang unang set ng condo ay itatayo sa GSIS properties sa Fairview, Quezon City, simula ngayong taon. Ang dalawang-silid-tulugan na unit na ito ay mabibili sa pamamagitan ng installment sa loob ng 30 taon, nang walang kinakailangang paunang bayad.

Panghuli, ang ikatlong inisyatiba ng PBBM ay ang Lease with Option to Buy (LWOB) program, kung saan ang GSIS ay nagpapaupa ng mga available na housing unit. Ibibigay ang prayoridad sa mga kasalukuyang nakatira na gustong bilhin ang mga unit sa anumang oras sa panahon ng pag-upa. Parehong magagamit ang mga opsyon na cash at installment sa mga empleyado ng gobyerno.

Ang mga detalye tungkol sa mga property ng GSIS para sa pagbebenta at pagpapaupa, kasama ang mga pangkalahatang alituntunin, mga form ng aplikasyon, mga checklist ng mga kinakailangan, at mga FAQ sa ilalim ng LWOB, ay makikita sa website ng GSIS www.gsis.gov.ph.

Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page