top of page
WINNER - BINI, INIAAHON ANG ABS-CBN SA PAGKALUGI-IG _BINI_PH.jpg
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | September 17, 2024



Showbiz News

Inamin ni Heart Evangelista na tinatamad na rin siyang dumalo sa mga fashion week sa ibang bansa. Marami kasi ang nagtatanong sa kanya kung bakit wala siya sa New York Fashion Week (NYFW) na ginanap kamakailan.


Sa latest Instagram (IG) Live ng aktres ay itinanong na naman ito sa kanya at sinagot naman niya ito. Aniya, dapat nga raw ay nandu’n siya pero hindi na raw siya nakapunta dahil birthday din ng kambal niyang stepchildren.


“Why wasn’t I in New York Fashion Week? Ah, I don’t know. I feel like I was supposed to be there for a cause and for a few brands, but I didn’t get to go because I have work here in the Philippines and sometimes, I have to balance that out. And also, because it was the birthday of the twins, so they were turning 17,” paliwanag ni Heart.


“So, 17 is not a joke. I have to be here,” dagdag pa niya.


Pero hirit niya, baka raw sign of aging na rin ito.


“Actually, before, I will go for like three days, I’ll do a few shows, then I'll come back. But I think it’s a sign of aging. Medyo minsan, nakakatamad na,” sey niya.


“I didn’t go because I’m also little tamad because I’m gonna do Paris, Milan, Paris and I’m gonna fly to Bangkok. So I’m gonna be gone for like almost a month. So I feel like I should choose my battles,” dagdag pang paliwanag ng fashion icon.


Sa mga nakaraan niyang IG Live ay nabanggit na ni Heart Evangelista na may gagawin siyang bagong proyekto sa GMA-7, kaya ito raw muna ang kanyang pagkakaabalahan.



All-out ang support ni Rhian Ramos sa kanyang boyfriend na si Tutok To Win Partylist Representative Sam Verzosa (SV) dahil present siya kahapon sa “Handog Pasasalamat” ni SV na ginanap sa MLQU Quarantine Facility sa Quiapo, Manila.


Ang nasabing event ay birthday gift-giving ni SV para sa mga tagasubaybay ng kanyang public service show na Dear SV na napapanood sa GMA-7.


Sinorpresa ni Rhian si SV nang bigla siyang sumulpot sa event para batiiin at suportahan ang boyfriend.


Sey ni Rhian, “Akala mo, palalagpasin ko ang araw na ‘to? Siyempre, hindi. Malakas ka sa ‘kin, eh. Nagulat ka ba?” 


Sabi naman ni SV, “Na-surprise mo na naman ako, ah.” 


Sagot ni Rhian, “Isinikreto talaga namin ng production team ‘to para naman ma-surprise ka today. Pero gusto kong malaman mo na hindi ko talaga palalagpasin, I wouldn’t miss the chance na masaksihan ang araw na ‘to. Ang napakalaki mong regalo para sa kanilang lahat.”

Halata namang touched na touched si Sam at sinabing “Grabe ka, kaya pala hindi ka nagre-reply.”


Hirit pa ni Sam, “Sobrang saya ko naman, sobrang ganda mo naman.”


Kaya naman lalong ginanahan si SV sa pagbibigay ng kanyang regalo sa masusuwerteng mga viewers ng Dear SV.


Bilang birthday treat niya ay 100 food carts ang ipinamigay ni SV sa 100 na napili para mapaunlad ang kanilang buhay. 


Well, puring-puri rin naman ni Rhian ang kabutihang-loob ni Sam na ito na nga raw ang may birthday ay ito pa ang namigay ng regalo.


“S’ya na po yata ang pinaka-generous na tao na nakilala ko. At dahil sa pagka-generous n’ya, ibinabalik talaga ng Diyos sa kanya times one hundred ang mga blessings na ibinabahagi niya sa ating lahat,” pagmamalaki ni Rhian sa nobyo.


Sey pa ng aktres kay SV, “I just want to say na sobrang proud 'ko sa ‘yo. Kaya maraming nagmamahal sa ‘yo, eh. Napakadali mo talagang mahalin.”


Kitang-kita naman ang kilig at happiness ni Sam Verzosa sa sinabi ng kanyang nobya na si Rhian Ramos. 


 
 

ni Ador V. Saluta @Adore Me! | Sptember 12, 2024



Showbiz news

Wala man sa local showbiz, mukhang sa pagiging sikat na modelo mauuwi ang anak ni Patricia Javier na si Robert Douglas Walcher IV, na itinanghal na Mr. Teen International 2023 sa Thailand at kinilala bilang isa sa mga modelo ng U.S.-based Filipino-American designer na si Kenneth Barlis.


Hindi pa rito nagtatapos ang journey ni Robert dahil pupunta siya sa Paris, France sa susunod na buwan kasama ang kanyang pamilya — ang kanyang Mommy Patricia, Daddy Robert Douglas Walcher, at ang kanilang bunso na si Ryan — dahil rarampa siya sa Paris Fashion Week sa Oktubre 4, 2024.


Robert Walcher IV / IG

Sa interbyu kay Patricia, “He’s always working out, eating healthy food, and busy rehearsing his runway walk. He’s very excited kasi first time n’yang makakasali sa Paris Fashion Week at makakasama niya ang iba’t ibang mga modelo mula sa iba’t ibang panig ng mundo,” pagmamalaki ng aktres sa kanyang panganay.


Dagdag pa niya, “The event is two days only, but we are joining him—my husband Dr. Rob and our youngest son Ryan. Wala namang conflict sa school nila dahil semestral break kaya we can all go, parang family vacation na rin. 


“We are flying to France on October 1 and we will celebrate the 13th birthday of Ryan there. He’s turning 13 on October 2.”


Ayon kay Patricia, sinusulit lang ni Robert IV ang panahon nito bilang ramp model dahil ang pag-aaral pa rin ang pangunahing priority ng kanyang anak, ang makapagtapos ng college course at kumuha ng kurso gaya ng sa ama na isang chiropractor.


Robert Walcher IV

“Robert is serious with his studies. After high school, he will take a pre-med course. Four years ‘yun then another four years for his chiropractic degree in the USA. Pero sinabi ni Robert na gagawin n’ya ang lahat habang nandito s’ya sa Pilipinas, tatanggap pa rin siya ng mga TV guesting, modelling stints, at product endorsements. 


“Madalas din s’yang imbitahan na judge sa mga beauty pageants. Saka tinutulungan nila ako ni Ryan sa mga community charity work ko, like Balik-Eskuwela,” pahayag ni Patricia Javier.



Pagkatapos ng kanilang 12 taong relasyon, ikinasal na rin ang TV at movie personality na si Kaladkaren (Jervi Li) sa kanyang British fiancé na si Luke Wrightson. 


Sa pamamagitan ng kanyang Facebook (FB) post noong Setyembre 9, 2024, inanunsiyo ni Kaladkaren ang kanilang kasal noong Setyembre 8 sa ceremonial county ng Scarborough, North Yorkshire sa England.


Lahad niya, “The Wrightsons. 8th of September 2024. Wedding in the clouds.”

Kaugnay ng kanyang post, pangarap daw sana nina Kaladkaren at Luke na isang “sunny day” ang kanilang kasal, pero biglang naging “cloudy” at halos wala nang makita dahil foggy ang paligid. 


Sa kabila nito, naging masaya pa rin si Kaladkaren na pakiramdam niya ay siya ang pinakamasuwerteng babae dahil pinakasalan niya ang “love of my life” niya.

Inanunsiyo ni Kaladkaren ang engagement nila ni Luke sa pamamagitan ng Instagram (IG) noong Setyembre 9, 2020.


Mensahe ni Kaladkaren sa caption, “The man of my dreams asked me to marry him in our own little balcony. It’s OFFICIAL! May… Nagkatuluyan! #Engaged #LoveWins #TransLOVEmatters.”


Nagkaroon naman ng second proposal si Luke kay Kaladkaren noong Hulyo 25, 2024. Sa IG noong araw na iyon, ibinahagi ni Kaladkaren ang mga kuhang litrato ng second proposal sa kanya ng nobyo na nangyari pa mismo sa kalagitnaan ng prenup shoot nila sa London.


Maramdamin ang kanyang mensahe sa caption, “Proposal 2.0!!! (crying in tears emojis) Heart is full, hand is heavy! [ring emoji] #TheWrightsons. Luke and I got engaged in the middle of the pandemic, 4 years ago. It was just us two locked down in our apartment and we didn’t even have the chance to have a proper photo shoot until now. 


“I thought it was just an ordinary prenup shoot! Sobrang gulat ko nang muli s’yang nag-propose here in our favorite city at may ring upgrade!!!! Huhuhu. Worth the wait! You make me the happiest, my love!”

 
 

ni Erlinda Rapadas @Teka Nga | October 06, 2023


Hindi na solo ngayon ni Heart Evangelista ang pagrampa sa Paris Fashion Week dahil join na rin sina Anne Curtis at Julia Barretto. Naimbitahan sila roon ng ilang kilalang fashion designers.


Ganunpaman, hindi pa rin mapantayan nina Anne at Julia ang popularidad ni Heart sa Paris Fashion Week. Marami nang nakakakilala roon kay Heart at talagang pinagkakaguluhan siya ng mga Pinoy at ilang foreign media na nagko-coverage roon.


Kering-keri ni Heart ang pagrampa na suot ang mga likha ng mga sikat na fashion designers sa Paris at New York. Fashion Queen ang tawag sa kanya ng lahat at lume-level na siya sa mga international fashion models.


It seems ito rin ang gustong ma-achieve nina Anne Curtis at Julia Barretto. Susundan nila ang yapak ni Heart Evangelista upang lumawak din ang kanilang connection sa mga prestigious fashion events sa Paris, New York at Milan.


Malayo na ang narating ni Heart Evangelista at siya ay paborito ring cover ng mga foreign fashion magazines.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page