top of page
Search

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | May 9, 2025



Photo: Ivana Alawi - IG



Sa nalalapit na eleksiyon, nagpaalala si Ivana Alawi sa sambayanan na bumoto ng tamang kandidato.


Sa kanyang recent vlog ay dumalaw ang aktres/content creator sa mga palengke vendors para mamigay ng pera. At dito niya nakita kung gaano kamahal ang mga bilihin ngayon.


“Ang dami kong realizations after ng vlog na ‘to na napakamahal ng mga bilihin na talaga. ‘Yung mga manok, isda, baboy, ang tataas na ng mga presyo. Kahit sa mga palengke, minsan wala na silang mabenta,” saad ni Ivana.


“Lahat talaga, hirap na hirap. Kita naman natin ang struggle ng ating mga mangingisda. Kita rin natin ang struggle ng ating mga vendors sa palengke,” patuloy niya.


Kaya naman ipinaalala ni Ivana ang kahalagahan ng pagboto nang tama sa darating na botohan sa Lunes, May 12.


“Kaya lagi ko kayong inire-remind na sana sa darating na eleksyon, bumoto tayo nang tama. Mag-isip tayo bago tayo bumoto.


“Again, sa lahat, lagi kong nire-remind, from senators to mayors to congressman, huwag tayong boboto dahil sikat. Dapat ‘yung mayroong gagawin talaga sa bansa natin. Hindi ako tumatakbo as pulitiko, sumusuporta lang ako,” pahayag ni Ivana.



Kumita ng P1.6 bilyon… ALDEN AT KATHRYN, 2024 BOX OFFICE KING AND QUEEN





PINARANGALAN sina Alden Richards and Kathryn Bernardo bilang Box Office King and Queen ng 2024 ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP), a group of cinema owners and operators in the country.


Ang naturang parangal ay para sa blockbuster film ng KathDen na Hello, Love,

Again (HLA) na matatandaang ipinalabas last November, 2024.


Ibinalita ng Star Cinema and GMA Pictures ang magandang balita sa pamamagitan ng kanilang social media pages.


Sa mga larawang ibinahagi ng dalawang higanteng produksiyon na nag-co-produce sa pelikula, makikitang tinanggap ni Alden ang tropeo habang hindi naman nakarating si Kathryn.


“HANGGANG SA HULI, THANK YOU FOR YOUR LOVE! (yellow heart and airplane emoji).

“Kathryn Bernardo and Alden Richards were awarded 2024 Box Office King and Queen by Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP).


Hello, Love, Again was also recognized by the CEAP for its historic success as the top-grossing Filipino movie of all time,” ang caption na nakasaad.

Sa kasalukuyan, ang HLA ang may hawak ng record na ‘highest-grossing Filipino film of all time,’ earning P1.6 billion at the box office.



EXCITED sina Matt Lozano at Daniela Stranner para sa bagong pelikula nilang The Last Goodbye (TLG) na showing na ngayon sa mga sinehan.


Sa direksiyon ito ni Noah Tonga at tampok din sa pelikula sina Karina Bautista, Troy Regis at Esnyr, kasama ang espesyal na pagganap ni Joe D’ Mango.


Sina Matt at Daniela ang mga bida sa pelikula bilang sina Xavier at Heart — mga high school sweethearts na “Pinaglapit ng sakit, pinaghilom ng pag-ibig, pero sinubok ng tadhana.”


Present naman sa premiere night nito noong Lunes, May 5, ang mga Sparkle stars na sina Mikee Quintos, Anton Vinzon, Aya Domingo, Aidan Veneracion, Jose Saralosa, Dom Pangilinan, at mga miyembro ng Cloud7 na sina Johann, Kairo, at Egypt para ipakita ang kanilang suporta kina Matt at Daniela.

 
 

ni Mylene Alfonso @News | May 7, 2025



File Photo: PBBM - Comelec


Idineklara ng Malacañang na special non-working holiday sa buong bansa sa araw ng halalan sa Mayo 12, 2025, araw ng Lunes.


Nakasaad sa Proclamation No. 878 na kailangang ideklarang walang pasok ang Mayo 12 upang makaboto ang mga tao, na kanilang karapatan.


Nilagdaan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang naturang proklamasyon kahapon, Mayo 6.


Ginawa ang deklarasyon kasunod ng kahilingan na rin ng Commission on Elections, na bigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na makaboto ngayong eleksyon.


 
 

ni Mylene Alfonso @News | May 6, 2025



File Photo: Gov. Gwen Garcia - FB


Opisyal nang inendorso ni Cebu Governor Gwen Garcia si Erwin Tulfo at buong Alyansa para sa Bagong Pilipinas, para sa Senado, nitong Lunes. 


Si Garcia ang pinuno ng lalawigan ng Cebu na may 3.7 milyong rehistradong botante, at ng dominanteng partidong pampulitika sa lalawigan, ang One Cebu.


Sa kanyang talumpati sa One Cebu sortie kasama ang Alyansa Slate sa bayan ng Dumanjug, binigyang-diin ni Garcia na kahit may hindi pagkakaunawaan sila ni Senador Raffy Tulfo, buo pa rin ang kanyang suporta kay Erwin Tulfo.   


“Pero kung pag-iisipan talaga natin, kahit sa loob ng isang pamilya, magkakaiba tayo ng pag-iisip. Hindi tayo pare-pareho. At hindi ko ipagkakaila 'yan. Sa aming pamilya, may mga magkakapareho ng pananaw, pero meron ding magkaiba ang takbo ng isip at asal,” pahayag ni Garcia na ibinigay sa halo ng Bisaya at Ingles.   


“Dahil sa paggalang sa Pangulo, at dahil naniniwala akong handa talaga ang kandidatong ito na ipaglaban ang Cebu—kaya sinasabi ko: suportahan natin si Erwin Tulfo,” dagdag pa niya.   


Nagpasalamat naman si Tulfo sa suporta mula kay Garcia, lalo’t isa ang Cebu sa may pinakamataas na voter turnout noong 2022 elections, na umabot sa 87.48%.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page