top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | October 19, 2023


ree

Patay ang isang 23-anyos na estudyante na kinilalang si Mark Allen Tacbobo na tumatakbo bilang kagawad sa nalalapit na barangay elections matapos paulanan ng bala sa Initao, Misamis Oriental nitong Lunes, Oktubre 16.


Sa isang panayam kay Misamis Oriental Provincial Police Office Spokesperson Lieutenant Theofratus Pia, sinabi nito na ayon sa impormasyong kanilang nakalap, binaril ang biktima sa ulo ng dalawang hindi kilalang armadong suspek na sakay ng motorsiklo.


Nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril si Tacbobo na kumitil sa kanyang buhay.


Ngayon ay pinaghahanap pa rin ang mga suspek na agad namang nakatakas matapos ang insidente.


 
 

ni Jeff Tumbado @News | September 30, 2023



ree

Personal na iniabot ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Atty. George Erwin Garcia kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner ang tseke na nagkakahalaga ng P40 milyon mula sa pondo ng komisyon para gamitin ng sandatahang lakas sa operasyon sa panahon ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30, 2023. Kasamang sumaksi sa Memorandum of Agreement (MOA) si Defense Secretary Gilberto “Gibo” Teodoro at dalawa pang Comelec officials



 
 

ni Madel Moratillo @News | September 21, 2023



ree

Magpapatupad ng malaking pagbabago ang Commission on Elections (Comelec) sa 2025 midterm polls.


Sa plenary debate para sa budget ng Comelec sa 2024, sinabi ni Surigao del Norte Rep. Francisco Jose Bingo Matugas II, na nag-sponsor ng 2024 budget, hindi na gagamit ang Comelec ng transparency server sa 2025.


Ito ay para mawala aniya ang isyu sa IP address, sa halip ay didirekta na ito mula sa mga presinto deretso na sa main server.


Ito ay para mawala na rin aniya ang mga kwestyon sa transmission logs.


Pero papayagan naman ng Comelec ang "virtual counting" ng mga boto sa precinct level.


“Magkakaroon po ng opportunity ang mga watchers na tingnan 'yung ballots na na-feed doon sa machine for this coming 2025 election. Mapi-picture-an nila 'yung mga balota and then they can count it manually doon mismo sa presinto bago i-print 'yung election return so that they can compare," pahayag ni Matugas.


Gagamit din aniya ang Comelec ng blockchain technology para maging secure ang transmission ng election result.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page