- BULGAR
- Sep 14, 2025
by Info @Editorial | September 14, 2025

Habang abala ang marami sa pagpoprotesta laban sa korupsiyon, patuloy naman ang pamamayagpag ng mga magnanakaw, kidnapper, rapist at iba pang kriminal.
Hindi puwedeng puro sigaw lang tayo sa mga tiwaling opisyal, pero binabalewala natin ang mga kriminal na nasa tabi-tabi lang.
Dapat sabay ang laban. Habang nilalabanan natin ang katiwalian, huwag nating hayaan ang mga kriminal na malayang gumalaw. Hindi lang mga tiwaling opisyal ang dapat panagutin — lahat ng gumagawa ng ilegal, dapat habulin at ikulong.
Ang pagbabago ay nagsisimula rin sa lansangan kailangang maging alerto at magtulungan sa pagtutok sa lahat ng anyo ng kasamaan.
Sa huli, ang katiwalian at krimen ay hindi lamang mga hadlang sa dangal ng ating pagka-Pilipino. Kaya’t sa bawat pagkakataong mayroon tayong pagpipilian, piliin natin ang tama. Piliin natin ang laban para sa isang bansang malaya sa katiwalian at krimen.




