top of page
Anjo Yllana - FB Live.jpg
Search

ni Mylene Alfonso @News | June 9, 2026



Magnitude 6.8 na lindol sa Saranggani Mindanao - PCO

Photo: PCO



Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  ang pansamantalang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Maasin, alas-7:37 ng umaga.


Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, inilabas ng Pangulo ang direktiba habang pinaigting ng mga ahensya ng gobyerno ang response efforts sa mga apektadong komunidad.


Sa paunang ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), tectonic ang pinagmulan ng lindol at naganap ito sa lalim na 33 kilometro, habang inaasahan din ang mga aftershock at posibleng pinsala.


Iniutos din ng Pangulo sa lahat ng kaukulang ahensya ng gobyerno na gamitin ang lahat ng available na resources at agarang tugunan ang mga pangangailangan ng mga residenteng naapektuhan.


Inatasan din ang Office of Civil Defense at ang National Disaster Risk Reduction and Management Council na pangunahan ang monitoring at disaster response operations, habang inutusan naman ang Department of Social Welfare and Development na ihanda ang relief assistance at tiyakin ang kahandaan ng mga evacuation centers.

 
 

ni Jeff Tumbado @News | June 7, 2026



5.3 earthquake - Phivolcs

Photo: Phivolcs



Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Sto. Domingo, Albay, kamakalawa ng gabi, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Naganap ang lindol alas-9:58 ng gabi at may lalim na 10 kilometro. 

Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.


Intensity V – Santo Domingo and City of Legazpi, AlbayIntensity IV – City of Tabaco, City of Ligao, and Malilipot, Albay; City of Sorsogon, Donsol and Irosin, SorsogonIntensity III – City of Naga and Malinao, Albay; City of Sorsogon, Juban and Prieto Diaz, Sorsogon; Monreal, MasbateIntensity II – Goa, Camarines Sur; Bulan, Sorsogon; Allen, Biri, Bobon, Catarman, Lavezares, Rosario and San Jose, Northern Samar; City of Masbate, Dimasalang and San Fernando, Masbate


Patuloy pang mino-monitor ang sitwasyon at hinihikayat ang publiko na manatiling alerto.

 
 

ni BRT @News | May 17, 2026



Phivolcs - 52

Photo: File / Phivolcs



Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang bahagi ng General Salipada K. Pendatun, Maguindanao alas-7:25 ng gabi ng Sabado, ayon sa Phivolcs.


Naitala ang epicenter ng pagyanig apat na kilometro hilagang-kanluran ng naturang bayan at may lalim na 10 kilometro.


Naramdaman ang iba’t ibang lakas ng pagyanig sa ilang bahagi ng SOCCSKSARGEN at karatig-lugar:

Intensity IV – Lutayan

Intensity III – Palimbang

Intensity II – Magpet, Kidapawan City, at Antipas

Naitala naman ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity V – M’lang at President Quirino

Intensity IV – President Roxas, Carmen, Malungon, Tampakan, Koronadal City, Tupi, Banga, Tantangan, Isulan, Esperanza, at Columbio


Ayon sa Phivolcs, wala namang inaasahang tsunami mula sa naturang lindol. Gayunman, posible pa ring makaranas ng mga aftershocks sa mga susunod na oras o araw.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page