top of page
Search

ni Gina Pleñago @News | April 2, 2026



Ang inabandonang parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City na nakuhanan ng mga hinihinalang shabu na nakasiksik sa mga foot massager, motorcycle jackets, at steel roller. (Gina Pleñago)

Photo: Ang inabandonang parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City na nakuhanan ng mga hinihinalang shabu na nakasiksik sa mga foot massager, motorcycle jackets, at steel roller. (Gina Pleñago)



Nadiskubre ang tinatayang P38 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa tatlong inabandonang parcel sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City, Martes ng hapon, ayon sa Philippine National Police-Aviation Security Group.


Batay sa ulat ng AVSEGROUP, tumitimbang ng 5,691 gramo na katumbas ng P38,698,800 halaga ang hinihinalang shabu sa mga parcel na nagmula sa Canada, Pakistan, at Zambia, na ang mga recipients ay pawang sa munisipalidad ng Cavite.


Naharang ang mga parcel matapos sumalang sa cargo x-ray screening ng Bureau of Customs at ini-report sa NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group.


Agad isinailalim sa manu-manong pagbubukas ang mga pakete kaya nakumpirma sa kontrabando na nakasiksik sa mga foot massager, motorcycle jackets, at steel roller.


“This operation highlights our vigilance and the strength of inter-agency coordination in securing our air cargo system. We remind the public to remain cautious and never allow their identities or addresses to be used for suspicious shipments, as authorities will relentlessly pursue those involved in illegal drug activities,” ani P/Brig. Gen. Dionisio Bartolome, Jr., Director ng PNP AVSEGROUP.

 
 

ni Gina Pleñago @News | February 10, 2026



Inabandonang parcel na naglalaman ng ilegal na droga, nadiskubre sa isang warehouse sa Central Mail Exchange Center sa domestic road sa Pasay. (Gina Pleñago)

Photo: Inabandonang parcel na naglalaman ng ilegal na droga, nadiskubre sa isang warehouse sa Central Mail Exchange Center sa domestic road sa Pasay. (Bulgar via Gina Pleñago)



Apat na inabandonang parcel na naglalaman ng illegal drugs ang nadiskubre sa isang warehouse sa Central Mail Exchange Center sa domestic road sa Pasay City.


Sa inisyal na pagsisiyasat, natuklasan ang mga drugs sa regular cargo x-ray screening procedure kung saan nakita ang kakaibang imahe.


Isinagawa ang physical examination sa apat na parcel na idineklarang candies, clothing, comforters, cereals, snack packs, at tin containers. Dito nadiskubre ang 7,840 gramo ng high grade marijuana o Kush na may street value na aabot sa P11,760,000.

 
 

ni Lolet Abania | June 23, 2021



Higit sa 912 kilograms na aabot sa mahigit P1.295 bilyong halaga ng iba't ibang klase ng droga ang winasak ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Trece Martires City, Cavite, ngayong Miyerkules.


Sa isang pahayag ng PDEA, ang mga drug evidence ay sinira sa pamamagitan ng thermal decomposition na nasa pasilidad ng Integrated Waste Management, Inc. (IWMI). Ayon sa PDEA, ang thermal decomposition o thermolysis ang siyang sisira sa lahat ng chemical compounds dahil sa init na mayroon ito.


Sa temperaturang 1,000 degrees centigrade, lahat ng mapanganib na droga na dadaan dito ay tuluyang made-decompose o mawawasak.


Kabilang sa mga mapanganib na droga na kanilang sinira ay methamphetamine hydrochloride o shabu, toluene, marijuana, cocaine, ecstasy at iba pa. Sa report ng PDEA Laboratory Service, inilabas ang halaga ng bawat ilegal na droga na kanilang sinira:

• 133,134.40 grams of shabu, with an estimated street value of P905,313,916.00

• 102,330 ml of liquid shabu worth P208,753,200.00

• 10.10 grams of toluene worth P1,066.16

• 504,198.96 grams of marijuana worth P60,503,863.34

• 3,585.40 grams of cocaine worth P19,002,638.55

• 4,131.34 grams of MDMA worth P28,319,696.77

• 209,584.30 grams of pseudoephedrine worth P72,432,334.08

• 122.48 grams of ephedrine worth P612,400.00

• 30.26 grams of diazepam worth P2,345.15

• 65.93 grams of nitrazepam worth P1,401.10

• 30.23 grams of alprazolam worth P642.39

• 49.69 grams of methylephedrine worth P79,504

• 4.50 grams of ketamine worth P27,346.50

• 350 ml of GBL

• 6,090.50 grams of opium

• 0.42 grams of methylphenidate

• 50,000 grams of expired medicines


Pinuri naman ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang iba't ibang Regional Trial Courts branches dahil sa walang humpay nilang pag-prosecute at disposisyon sa mga drug cases, kung saan nagresulta ito sa agarang pagsira nila ng mga drug evidence.


“We want to assure the public that all seized illegal drugs under the custody of PDEA will all be destroyed, thus allaying fears of recycling,” ani Villanueva.


Sinabi pa ng PDEA, ang ginawang pagsira sa mapanganib na droga ay bilang pagsunod sa guidelines na nakasaad sa Section 21, Article II ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, at Dangerous Drugs Board Regulation No. 1, Series of 2002. Dumalo rin sa naturang ceremony ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, Philippine National Police, Department of Justice, Department of the Interior and Local Government, non-government organizations, at mga miyembro ng media.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page