top of page
Search

ni Lolet Abania | September 26, 2022



Siyam na mga lansangan sa Luzon ang nananatiling sarado sa trapiko kasunod ng paghagupit ng Super Bagyong Karding, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Lunes.


Sa isang advisory, sinabi ng DPWH na 4 na kalsada sa Central Luzon, 2 sa Cagayan Valley, at tig-1 sa Cordillera Administrative Region at CALABARZON ang hindi pa maaaring daanan, para na rin sa kanilang kaligtasan, dahil ito sa na-damage na pavement, mga pagguho ng lupa o landslides, pagbaha at pagbagsak ng electrical post sanhi ng super bagyo.


Ang mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod:

* Kennon Road (sarado sa mga hindi residente ng lugar)

* Manila North Road sa Sitio Banquero, Barangay Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte

* Bambang-Kasibu-Solano Road, Antutot Section sa Nueva Vizcaya

* NRJ - Villa Sur San Pedro- Cabuaan- Ysmael- Disimungal Road, San Pedro Overflow Bridge sa San Pedro, Madella, Quirino

* Nueva Ecija-Aurora Road sa Aurora province

* Daang Maharlika Road sa Barangay Castellano, San Leonardo, Nueva Ecija

* Tarlac-Sta. Rosa Road sa Barangay Malabon Kaingin, Jaen, Nueva Ecija

* Concepcion - Lapaz road sa Tarlac

* Ternate - Nasugbu Road sa Cavite


Ayon din sa DPWH, tatlong kalsada sa rehiyon ang limitado naman ang accessibility nito. Kabilang dito ang Apalit-Macabebe-Masantol Road sa Macabebe, Pampanga; Olangapo- Bugallon Road, sections sa Sindol, San Felipe at San Rafael, Cabanang, Zambales; at Rizal Boundary-Famy-Quezon Boundary Road sa Laguna.


Una nang nag-deploy ang DPWH ng quick response teams sa mga typhoon-stricken areas upang ma-monitor nila ang galaw at sitwasyon, at suportahan ang relief operations ng gobyerno sa pagsasagawa ng mga clearing operations.


 
 

ni Lolet Abania | June 17, 2022



Tuluyang isinara ang EDSA-Timog Avenue flyover southbound lane sa Quezon City sa trapiko ngayong Biyernes ng madaling-araw dahil sa nakitang mga crack at butas sa istraktura ng tulay.


Sa ulat, may namataang butas sa bahagi ng EDSA-Timog ng flyover. Ang flyover ay bahagyang isinara lamang nitong Huwebes ng gabi, habang ang butas ay tinapalan ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH).


Bandang alas-5:00 ng madaling-araw ngayong Biyernes, ang buong kahabaan ng flyover ay isinara na dahil na rin sa pangamba hinggil sa katatagan ng naturang istraktura.


Ayon sa report, ang busway ay nananatiling bukas sa trapiko. Nagresulta naman ang pagsasara nito ng matinding traffic congestion sa lugar, kung saan walang anunsiyong inilabas bago pa ang closure order. Nitong Huwebes, isang advisory ang inisyu na mayroong mga nakitang crack at butas sa istraktura.


Gayunman, ang flyover bago pa ang pagsasara nito ay kasalukuyang sumasailalim sa repair works, kung saan nagsimula ito sa lugar na malapit sa Police Station 10.


Sa isang interview kay Engr. Christian Lirios ng Department of Public Works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) Second Engineering District, sinabi nitong nagkaroon na ng assessment ang ahensiya sa nabanggit na flyover.


“Actually, we have a project dito. Major rehabilitation ng EDSA-Timog Avenue flyover,” ani Lirios. “Nagre-retrofit kami ng girders. Luma na ang Kamuning flyover,” dagdag ni Lirios.


Aniya pa, wala namang dapat ipag-alala ang mga motorista dahil ang kinakailangang repair works ay nasimulan na.


Matatapos ang repair nito, bukas, Hunyo 18, dahil sa extent ng trabaho na dapat gawin sa isang lane ng flyover. Isinasagawa na rin ang retrofitting sa ilalim ng flyover.


 
 

ni Lolet Abania | May 26, 2022



Napili ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na bubuo sa kanyang gabinete sina Alfredo Pascual at Manuel “Manny” Bonoan para pamunuan ang Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Public Works and Highways (DPWH), base sa pagkakasunod.


“I have asked Fred Pascual to head the DTI and he has agreed,” ani Marcos sa isang press conference ngayong Huwebes. “I am intending to nominate Manny Bonoan for Department of Public Works and Highways. I know him very well, I know he will do a good job...” dagdag ni Marcos.


Si Pascual ang hepe ng Management Association of the Philippines (MAP) at dating presidente ng University of the Philippines (UP). Habang si Bonoan ay presidente at chief executive officer (CEO) ng SMC Tollways.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page