top of page
Search

ni Lolet Abania | May 19, 2021



ree

Magiging mabilis na ang biyahe ng mga motorista sa dalawang pangunahing business centers mula sa dating isang oras ay magiging limang minuto na lang kapag natapos na ang proyektong Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.


Ito ang naging pahayag ni Villar, kasabay ng kanyang anunsiyo na ang link road project ay bahagyang bubuksan sa pagdiriwang ng bansa ng Independence Day sa Hunyo 12.


ree

“We are connecting two cities, we are connecting two major centers. Kung dati, ang biyahe, puwedeng umabot nang isang oras, baka mga 5 minutes na lang from Ortigas to Makati or Taguig,” ani Villar sa isang interview ngayong Miyerkules.


Ayon sa kalihim, bahagi ito ng plano ng pamahalaan para maibsan ang matinding trapiko sa EDSA kaya isinagawa ang road project. Aniya, asahan na mababawasan ang traffic sa EDSA ng 20% hanggang 25%. Gayundin, ang traffic sa C5 ay mababawasan ng 10% kapag tapos na tapos na ang proyekto.


“We plan to open the main span by Independence Day that is June 12. Once finished, it will significantly decongest EDSA,” sabi ni Villar. Ang 1.367-kilometer Bonifacio Global City-Ortigas Center Link Road project ay bahagi ng proyekto ng Metro Manila Logistics Network na layong mabawasan ang tinatawag na one-hour-long drive sa pagitan ng BGC at Ortigas business districts ng 12 minutong biyahe lamang.


Target din aniya na makumpleto nang husto ang buong proyekto sa September 2021, kung saan mas madali na ang pagbibiyahe at pagpunta sa mga lungsod gaya ng Pasig, Mandaluyong, Taguig at Makati habang maiiwasan pa ng mga motorista ang masikip na daloy ng trapiko sa EDSA at C-5.


Ayon pa kay Villar, ang Estrella-Pantaleon bridge naman ay madaraanan na rin ilang linggo matapos ang pagbubukas ng BGC-Ortigas Link.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 22, 2021



ree

Isa ang patay, habang 8 ang sugatan nang sumalpok ang 6-wheeler truck ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Patrick Bridge ng Sitio Yapang, Barangay Bagong Buhay Sablayan, Occidental Mindoro nitong Miyerkules nang hapon.


Ayon sa Sablayan Municipal Police Station, papunta sa bayan ng Mamburao ang trak, subalit nawalan ito ng preno habang binabagtas ang pababang bahagi ng kalsada kaya bumangga sa tulay. Dulot ng malakas na pagtama kaya tumilapon sa bangin ang mga nakasakay dito.


Kaagad namang isinugod sa San Sebastian District Hospital, Sta. Cruz Community Hospital at Occidental Mindoro Provincial Hospital ang mga biktima, subalit idineklarang dead on arrival na si Sonny Mulingbayan.


Samantala, sugatan naman ang 8 kasama nito, kabilang ang drayber na si Von Barrera.


Matatandaang labing-siyam na katao ang iniulat na nasawi sa naturang tulay matapos mahulog ang Dimple Star bus nu’ng 2018.


Sa ngayon ay kabilang na ang Patrick Bridge sa mga accident prone area.


 
 

ni Thea Janica Teh | November 16, 2020


ree


Patay ang dalawang rescuers sa pagsasagawa ng road clearing operation sa Ifugao matapos magkaroon ng landslide sa kasagsagan ng Bagyong Ulysses, ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar.


Aniya, "Two of our colleagues in DPWH died as heroes. Joel Chur-ig and John Duclog risked and lost their lives serving the country. They were found dead after another landslide hit Nueva Vizcaya - Ifugao – Mt.


ree

Province Road where they were conducting clearing operations." Bukod pa rito, pinaghahanap pa ang dalawang engineers na sina John Limoh at Julius Gulayan na natabunan din ng gumuhong lupa at mga bato sa lugar.


Mas pinalawak na ang search and rescue operation sa Sitio Nabito, Brgy. Viewpoint Banaue, Ifugao upang mahanap ang mga nawawala pa.


Sa ngayon ay 6 na ang naitalang namatay kabilang ang mga tauhan ng DPWH at patuloy na nagsasagawa ng clearing operation.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page