top of page
Search

ni Madel Moratillo @News | February 26, 2025



Workers / DMW

Photo File



Inaprubahan na ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang dagdag na 20 hanggang 30 pesos sa arawang sahod ng minimum wage earners sa Davao Region. 

Sa anunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE), ang wage hike ay ipapatupad sa 2 tranche. Ang una ay sa Marso 13 at sa Setyembre 1 naman ang ikalawa. 


Sa oras na maging epektibo, ang daily minimum wage na para sa mga nasa sektor ng agrikultura ay magiging P525 mula sa dating P505 habang mula naman sa P510 ay magiging P540 sa mga nasa non-agriculture sector. Dahil dito, ang buwanang sweldo ay nasa P13,693.75 at P14,085 na. 


Sabi ng DOLE, nasa 66,772 minimum wage earners sa rehiyon ang makikinabang dito. 

Kasabay nito, inaprubahan din ang P500 dagdag sa buwanang sahod ng mga kasambahay para sa nasa chartered cities at first-class municipalities sa Davao Region, at P1,500 naman sa nasa ibang munisipalidad. Dahil dito, magiging P6,500 na ang kanilang buwanang sahod.


Tinatayang nasa 64,111 domestic workers sa rehiyon ang makikinabang dito. 

Exempted naman sa wage hike ang mga negosyong wala pang 10 ang manggagawa at naapektuhan ng kalamidad. Pero dapat mag-aplay muna sila ng exemption sa DOLE hanggang sa Mayo 11.


 
 

ni Lolet Abania | June 18, 2021



Sinuspinde ng pamahalaan ang deployment ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Oman sa gitna ng COVID-19 pandemic, ayon kay Department of Labor (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.


“Yes, a POEA (Philippine Overseas Employment Administration) Board Resolution was issued suspending deployment of our workers to Oman,” ani Bello sa isang phone interview ngayong Biyernes.


Ayon kay Bello, isinagawa ang hakbang base sa rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA) matapos ipagbawal ng Oman ang pagpasok sa kanila ng mga travelers mula sa Pilipinas.


“Last Monday, we received such referral from the DFA. They informed us that the Oman government came up with an order banning entry of Filipino travelers and even those travelers who passed through the Philippines,” sabi ni Bello.


“As such, the DFA recommended to us to suspend our deployment to Oman,” dagdag pa niya.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page