top of page
Search

ni Lolet Abania | November 19, 2021



Natanggap na ng bansa ang 1,306,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na binili ng gobyerno ngayong Biyernes.


Lumapag ang pinakabagong shipment ng Moderna doses sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 1, alas-9:51 ng umaga ngayong araw, ayon sa National Task Force Against COVID-19.


Umabot na sa tinatayang 130 milyon COVID-19 vaccine doses ang natanggap ng bansa simula noong Pebrero 28.


Batay sa datos ng gobyerno hanggang nitong Huwebes, aabot na sa 33 milyong Pilipino ang fully vaccinated kontra-COVID-19. Habang ang mass vaccination program ng pamahalaan ay nagsimula noong Marso 1.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 19, 2021



Dumating na sa bansa ang unang shipment ng COVID-19 antiviral pill ng Merck na Molnupiravir nitong Miyerkules ng gabi, sa pamamagitan ng partnership sa pagitan ng MedEthix, isang pharmaceutical importer and distributor, at JackPharma, isang pharmaceutical distribution company.


Na-import ang Molnupiravir sa bansa sa pamamagitan ng compassionate use permits (CSP) na ipinagkaloob sa at least 31 hospitals.


Ang tableta ay investigational drug na ginagamit para sa paggamot sa COVID-19.


Ang shipment ay supplied ng Aurobindo Pharma, isang Indian pharma manufacturer na lisensiyado ng Merck & Company upang makapag-supply ng naturang gamot sa low and middle income countries.


Ang Pilipinas ang unang bansa sa Southeast Asia na nakatanggap ng supply ng molnupiravir.


Ang gamot ay hindi pa available sa komersyo, ngunit ang Merck, ang American firm na bumuo nito ay naghain na ng emergency use authorization (EUA) sa bansa noong nakaraang linggo.


Ang nasabing gamot ay nagkakahalaga sa P100 hanggang P150 pesos.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 19, 2021



Posible nang masimulan sa susunod na taon ang pagbibigay ng COVID-19 booster shots sa general public, ayon sa vaccine expert panel ng pamahalaan.


Ayon kay Dr. Rontgene Solante, prayoridad sa ngayon ang pagbibigay ng booster shot sa mga health workers, mga senior citizens at mga may comorbidities o sakit.


Ngunit hindi gaya ng health workers, maaaring hindi payagan ang mga ordinaryong mamamayan na pumili ng brand ng bakunang ituturok bilang booster shot.


Sinimulan noong Miyerkules ang pagbibigay ng booster shot sa mga healthcare workers.


Kabilang sa mga unang nakatanggap ang mga tauhan ng National Kidney and Transplant Institute sa Quezon City.


Samantala, binubuo na ang guidelines para sa pagbibigay ng booster shots sa mga senior citizen at immunocompromised, na inaasahang magsisimula sa susunod na linggo.


Inaasahan din na lalabas ang guidelines sa susunod na linggo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page